Chapter 30 Mapait akong napangiti. Nandito na naman ako sa selda ng Dark Empire. Nakagapos na para bang isa akong mabangis nahayop. Madilim pa rin at tanging bumbilya lamang ang nagbibigay liwanag. Bumukas ang pinto kaya napatingin agad ako sa taong pumasok. "Hi Trix" usal ni Helena habang nakangiti. Hindi naman ako nagsalita. Hanggang ngayon parin ay masakit ang puso ko dahil sa ginawa niyang pagtatraydor. Hindi ko talaga inakala sa lahat pa ng tao na kilala ko ay siya pa talaga. "Sasamahan kita dito tutal tayo naman lagi ang magkasama" nakangiti niyang usal na tila ba isang normal na araw lang ito sa kaniya. Sinamaan ko siya ng tingin. "Umalis ka sa harap ko bago pa kita mapatay" pagbabanta ko sa kaniya na tinawanan lang niya. Lahat. Lahat ng ipinakita niya sa akin ay pagpapanggap la

