Chapter 29 Ang inaasam kong masaya at magandang gabi ay winasak ng mga taong itim ang budhi. Isang pagsabog ang nagpayanig sa akin. Isang katotoohanan na hindi ko man lang naisip na posible palang mangyari. Ganon na ba ako katanga? Tama. Mali ang desisyon na lagi kong ginagawa. Kung sana ay nagpakamatay nalang ako ng mamatay ang aking mga magulang ay sana wala na silang pag-asa pang buhayin ang itim na hari. Hindi sana sila magkakapag-asa na buhayin ito. Lahat ng ito. Dahil sa akin. Ako dapat ang sisihin. Nangangatal ang kamay ko habang nakatingin sa nakangising si Helena. Ito ba? Ito ba ang sinasabi niyang kasihayan na pinakaantay niya! Itinikom ko ng mariin ang aking kamao. Sa lahat ng tao, siya pa. Siya na una kong naging kaibigan dahil siya lang ang nakakaalam ng totoong pagkatao k

