Chapter 28 Hapon ng pumasok si Hestia sa aming dorm kasama ang isang pamilyar na mukha. Isa iyon sa tauhan ng kaniyang Nana Yuning. Parehas kaming napakunot ng noo ni Helena. "Siya ang mag-aayos sa inyong dalawa. Siya si Julie" nakangiting usal ni Hestia. Masaya rin na nakangiti sa akin si Julie. "Maaga pa naman diba?" tanong ko kay Hestia dahil hapon pa lang naman. Sinimangutan niya naman ako. "Hapon na nga kaya kailangan na kayong ayusan na dalawa para hindi kayo malate" usal ni Hestia kaya naman napatango ako. Siguro matagal ang pag-aayos na kailangan namin gawin. "Sabay ba tayong pupunta sa Grand Hall?" tanong sa akin ni Helena habang siya ay nakangiting pinagmamasdan ang itim niyang gown na may silverdust kaya kumikinang ito. "Oo. Bakit mo naman natanong?" tanong ko sa kaniya. N

