Chapter 23 Nakatitig lamang ako sa mahimbing na natutulog na si Helena. Napangiti naman ako dahil binantayan niya talaga ko pero nakatulog naman siya. Biglang bumukas ang silid kung nasaan kami. Napatingin ako kay Hestia, Kate at Jake. "Tingnan mo yang si Helena. Sabi babantayan ka daw pero mas mahimbing pa ata ang tulog kaysa sayo" saad ni Hestia kaya naman napatawa nalang kami nina Kate. "Nabalitaan namin na nahimatay ka daw. Okay kana ba?" tanong ni Kate at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang noo ko kaya naman naguguluhan akong tumingin sa kaniya. "Wala akong lagnat" natawa naman si Jake sa aking sinabi bago binatukan si Kate. Sinamaan naman siya ng tingin ni Kate. "Nakakainis ha! Kailangan pang mambatok?" singhal ni Kate sa lalaki. Napangiti naman ako bago ibinaling ang tingin sa

