Chapter 22 Maaliwalas ang panahon. Sumasabay sa mga nagkakasiyahan kong mga kamag-aral. Masaya at nakangiti ang lahat ng mga nakakasalubong ko. Madaming booth ang nagkalat sa malawak na field at iba pang parte ng Akademya. Napapahikab naman ako dahil sa sobrang pagka-antok. Wala kasing ginawa si Helena kagabi kundi ang magkwento kung gaano siya kasaya dahil ipinakilala ko sa kaniya si Hestia at ang dalawa pa. Hindi rin naman kasi ako makatulog dahil sa napanaginipan ko kahapon habang kasama si Vyzon. Hindi ko nga sigurado kung ako ba yung batang babae dahil hindi naman malinaw ang mukha nito at ang kasama din nitong batang lalaki ay hindi rin malinaw ang mukha kaya medyo naguguluhan ako. "Trix!" napatigil sa paglalakad ng may tumawag sa akin. Lumingon ako sa aking likod ng makita ko an

