Chapter 21 Tulala ako habang naglalakad. Bumabagabag pa rin sa akin ang ilang mga bagay. Katulad na lamang ng aking napapanaginipan. Sigurado akong hindi lang iyon isang panaginip. Isa iyong bahagi ng aking memorya ngunit nakakapagtaka na hindi iyon pamilyar sa akin. Napatigil ako sa paglalakad ng may mabangga ako. Napatingin naman ako sa lalaking nasa harapan ko. Matanda na ito ngunit hindi parin maipagkakaila ang tikas ng kaniyang postura. Mr. Miffor. "Penny for your thoughts? Mukhang napaka lalim ng iniisip mo ah" nakangiting usal ni Mr. Miffor. Napalunok naman ako. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay umiinit ang ulo ko sa kaniya. Sa tingin ko, hindi siya mabuti kagaya ng inaakala ng tao sa Academy na ito. Nilagpasan ko na siya. Wala akong balak makipag-usap sa taong sa tingin ko ay

