CHAPTER 14

1626 Words

PAGBALIK niya ng mansyon ay wala naman doon ang kaniyang asawa—walang tao kahit isa, wala na rin 'yong tatlong mga katulong na nagmalupit sa kaniya. Nang pumasok siya sa bedroom niya ay malinis na sa loob at mabango. Napalitan na ang kama at mga unan, wala na rin ang bakas ng mga patak ng dugo, at kahit ang kadena na ginamit sa kaniya ay wala na pati ang mga posas. Gusto niyang itanong kung ano ba ang nangyari nang mawalan siya ng malay. Pero hindi na lang siya nag-usisa pa at naging masaya na lang dahil sinamahan pa rin siya ng mayordoma. Nanatili na ito sa mansyon kasama niya para raw maalagaan siya at bumalik anh kaniyang lakas. Kaya naman labis labis ang tuwa niya lalo na't hindi na siya ikinadena pa. Lumipas ang dalawang linggo, kahit papaano ay bumalik na ang lakas niya at unti-u

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD