SA LOOB ng isang linggo ay inuwian na siya ng kaniyang asawa tuwing gabi, inaangkin at niyakap pagkatapos na parang normal na mag-asawa, gabi-gabi na siya nitong tinatabihan sa pagtulog. She felt loved again. Ang kaniyang puso na dapat ay galit ay unti-unti na namang natunaw dahil sa maganda na naman pagtrato ng kaniyang asawa. Dapat ay magalit pa rin siya, iyon dapat ang maramdaman niya dahil sa mga ginawa nitong pagkadena sa kaniya na kamuntikan na niyang ikamatay. Pero bakit hindi? Bakit hindi na niya magawang magalit pa dahil lang sa trinato na naman siya nito ng tama? Ngayon, makalipas ang isang linggo ay isinama nga siya nito sa sinasabi nitong masquerade party. Pasado alas syete na ng gabi nang dumating sila sa isang five star hotel. She wore a sleek purple satin slip dress tha

