One Month Later . . .
HINDI na napigilan ni Ciara ang mapasinghap sa pagkamangha nang makita ang kaniyang repleksyon sa malaking salamin.
Nakasuot siya ng magandang tube wedding gown na puro white crystals. Nakaayos ang buhok niya. At ang mukha niya ay may suot na maskara na kulay puti, pero kalahati lang ng mukha niya ang natatakpan, 'yong panget na parte lang ng mukha niya.
“Ang ganda ko,” sa unang pagkakataon ay nasambit niya ang salitang 'yon.
Tunay ngang napakaganda niya kapag kalahati lang ng mukha niya ang nakikita. Ngayon ay mas lalong lumabas ang ganda niya nang maayusan lalo na't tuluyang natakpan ang kalahati ng pisngi niya. Halos hindi niya nakilala ang sarili niya. Para siyang ibang tao na. Hindi Ciara Sandoval na kilala bilang isang panget na babae.
“Ma'am, hinihintay na po kayo ni Young Master. Puwede na po kayong lumabas kung tapos na kayong ayusan,” magalang na wika ng nasa mid-40s na katulong.
“Yes, it's done,” sagot naman ng babaeng makeup artist. “Ang ganda niya, hindi ba, Yaya?”
Parang nasurpresa naman ang katulong nang masilip nito ang mukha niya. Namangha rin ito sa taglay niyang ganda kahit kalahati lang ng mukha ang nakalabas.
“Napakaganda niyo nga po pala talaga, ma'am,” nakangiting papuri ng katulong.
“I'm sure kaya pa naman ayusin ang mukha mo. Hilingin mo na lang sa asawa mo na ipaayos ang mukha mo para tuluyan kang gumanda. I'm sure kayang-kaya naman niya humanap ng magaling na surgeon since mayaman naman siya.”
Napalingon siya bigla sa makeup artist nang marinig ang sinabi nito. Parang nagliwanag ang mukha niya sa sinabi nitong ideya.
Oo nga pala, bakit hindi niya naisip 'yon!
Lumabas na siya ng kuwarto at inalalayan nang bumaba ng dalawang katulong sa mataas na hagdan, hinawakan ng mga ito ang dulo ng dress niya para hindi siya madulas. Hanggang sa matagumpay na siyang nakababa.
Paglabas niya ng mansyon ay sumakay na siya sa isang Mercedez-Benz at hinatid na ng driver papunta sa simbahan kung saan naroon na naghihintay ang lalaking pakakasalan niya.
Pero habang nasa biyahe ay hindi naman niya mapigilang isipin ang sinabi ng makeup artist kanina tungkol sa mukha niya.
Dati na rin kasi pinagingin ng kaniyang ama ang mukha niya sa isang plastic surgeon kung kaya ba nitong ayusin, at kaya naman daw, kaya lang kailangan ng milyon. Pero dahil wala naman gano'n lalaking halaga ang Papa niya ay hindi na lang nito tinuloy ang balak sana nitong pagpaayos sa mukha niya, at tutol din ang asawa nito at anak na si Amera, dahil sayang lang daw ang pera. Mas mabuting igastos na lang daw sa ibang bagay, dahil kahit gumanda pa siya ay wala rin naman daw magbabago sa buhay nilang pamilya. At dahil sunod-sunuran na rin ang ama niya sa asawa nito at binalewala na nga siya nang tuluyan at hindi na binanggit pa muli ang pagpapaayos ng mukha niya.
“Narito na po tayo, ma'am,” the driver announced as the car rolled to a halt in front of a towering church.
Para naman siyang natauhan mula sa malalim na iniisip. She gave a quick nod, and at once, a man in a black suit stepped forward and opened the door. She slipped out carefully, her hand gathering the hem of her gown.
Sa kaniyang pagbaba ay napatingin siya sa simbahan kung saan nakasarado pa ang pinto, pero may dalawang lalaking naka-black suit ang nakatayo roon.
“Young Master is already inside. Please proceed, Madam,” the man at her side said with utmost respect.
Marahan na siyang umakyat sa sementadong hagdang ng simbahan habang hawak ang kaniyang white bridal bouquet. The man quickly caught the trailing edge of her gown to keep her steady, releasing it only when she paused before the sealed entrance.
Doon na rin marahang binuksan ng dalawang lalaki ang malaking pinto ng simbahan.
The doors opened wide, but instead of a crowd, only silence greeted her. At the altar stood a lone priest and a man in a black tuxedo, his face hidden behind a black mask.
Napalunok siya at lumakas bigla ang kaba. Gayunpaman ay tinapangan na lang niya ang sarili at inumpisahan nang humakbang papasok. Marahan na siyang lumakad sa red carpet nang tahimik lang, at tanging malakas na pagtibok lang ang kaniyang puso ang tangi niyang naririnig.
Nakatitig lang sa kaniya ang groom habang naglalakad siya. Tahimik siya nitong pinanood, pero dahil may suot itong maskara ay hindi niya makita ang ekspresyon ng mukha nito.
Her heartbeat thundered in her chest, growing wilder with every step closer. Pakiramdam niya ay lumalakad siya patungo sa isang nagliliyab na apoy na hindi niya alam kung tutupukin ba siya o hindi.
Hanggang sa tuluyan na siyang huminto sa harap ng groom. That was when he finally moved, taking her hand with quiet authority, his fingers closing tightly around hers as he led her toward the altar.
Nagsimula na ang seremonya nang magsalita na ang pari. Hanggang sa inumpisahan na nito ang katanungan sa kanilang dalawa:
“Ciara Sandoval, tinatanggap mo ba ang lalaking nasa harap mo ngayon bilang iyong asawa? Mamahalin at pagsisilbihan ng tapat, sa hirap at ginahawa, hanggang sa iyong huling hininga?”
Mas lalong bumilis ang t***k ng puso niya sa narinig na tanong para sa kaniya. Hindi siya nakasagot at napalunok lang. Pero naramdaman niya ang pagpisil sa kamay niya ng lalaki na para bang inuutusan siyang sumagot.
Kaya naman dala na rin ng kaba at pagkabalisa ay napilitan na lang siyang sumagot.
“O-Opo, father.” Nanginginig na niyang sinuot ang singsing sa daliri ng lalaki, at doon ay nakita niya ang isang marka sa likod ng kamay nito. A tattoo, stark and deliberate, marking him as someone dangerous.
The priest gave a nod before turning to the groom.
“Ikaw, hijo. Tinatanggap mo ba si Ciara Sandoval bilang iyong asawa—”
“I do,” mabilis na sagot ng lalaki nang hindi na pinatapos pa ang tanong at sinuot na rin nito ang singsing sa daliri niya.
Parang nagulat pa siya sa sagot nito na talagang wala man lang pag-aalangan, ni hindi man lang nautal katulad niya.
“Kayo ngayon ay mag-asawa na sa mata ng diyos at sa lahat,” the priest declared. “Maaari mo nang halikan ang iyong asawa.”
She gasped softly, her eyes flicking to him. Akala niya ay gagawin na nito ang utos ng pari, pero bigla na lang siyang hinila papunta sa may table kung saan naroon ang marriage contract. Pagkadampot nito sa ballpoint ay agad na pumirma. Hindi naman niya mapigilan ang mapatitig sa likod nito. Maganda ang pangangatawan, at sa tangkad nito ay hanggang balikat lang siya.
“Sign here.”
Para siyang nagulat nang magsalita ito at sinenyasan siyang lumapit gamit ang ulo.
She quickly obeyed. Pagkalapit ay dinampot na rin niya ang pen at pumirma na lang nang may panginginig pa ang kamay. Hindi na niya nabasa pa ang nakasulat na pangalan dahil tinakpan nito ng kamay na para bang ayaw ipakita sa kaniya.
As soon as she was done, he grabbed her hand again and led her out of the church. He guided her into his sleek sports car, closed the door behind her, then got behind the wheel himself. The engine roared, and in seconds they were speeding down the highway.
Namayani ang katahimikan habang tumatakbo na sa highway ang kotse. Pero hindi na siya nakatiis pa at nagsalita na.
“A-Ano po pala ang pangalan mo?” she asked quietly.
“Just call me husband,” he said flatly, eyes never leaving the road.
Hindi naman niya mapigilan ang napasimangot ng konti. Husband? Bakit hindi man lang nito masabi sa kaniya ang pangalan nito?
Gusto man niyang magtanong pa ay tumahimik na lang siya at hindi na umangal pa. Hanggang sa tuluyan na silang nakabalik sa mansyon.
Pinagbuksan sila ng pinto ng tauhan nito. Pero pagkababa ay hinawakan naman nito muli ang kamay niya at hinila na siya papasok ng mansyon.
The maids bowed their heads when they entered. He didn’t greet them back. He didn’t even glance their way. He just led her straight into the elevator, pressed the button for the ninth floor, and stood there, his hand still around hers.
She wanted to ask why the ninth floor. She wanted to ask what this was. But his silence felt like a wall, and her own heartbeat drowned out the words before they could leave her mouth.
Nang huminto na ang elevator at bumukas ay hinila na siya nito palabas ng elevator. Napatingin-tingin pa siya sa paligid na puno ng pagtataka. Malawak na basement ang bumungad sa kaniya. Malinis ang buong paligid, pero napakatahimik. The lights flicked on by themselves as they walked, a soft glow replacing the shadows one step at a time.
Hanggang sa huminto na sila sa isang nakasaradong pinto ng isang vault room. Steel, heavy, the kind of door you see in banks or bunkers. She stared at it.
Her husband didn’t fumble for a key or a code. He simply pressed his palm to a scanner, and the door unlocked with a low mechanical click.
He led her inside.
She froze.
It wasn’t a cell. It was a suite. A beautiful, golden room. Too beautiful, like something out of a luxury hotel. A huge bed. A flat-screen on the wall. Two couches in the corner. A full-length mirror. Two closed doors on the far side.
“This room has everything you’ll need,” he said at last, releasing her hand. “That one’s the bathroom. The other’s your dressing room. Clothes are already there. Magsabi ka lang kung may kulang pa.”
Napakurap na lang siya at hindi na alam ang isasagot. Hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa o mangamba.
“There’s a phone on the nightstand,” he went on. “Use it if you need me. My number’s already saved. And there’s a laptop, connected to the WiFi.”
Napalingon siya sa itinuro ng ulo nito, at doon niya nakita sa nightstand ang isang phone katabi ng isang laptop.
Parang nagliwanag bigla ang mukha niya. May phone. May laptop. Mga bagay na pinangarap niyang magkaroon.
But then he added, still in that same even voice: “Paalala lang, huwag na huwag mo nang kokontakin pa ang iyong ama o kahit sino mang sa pamilya mo. Dahil kapag ginawa mo 'yon, huwag ka nang umasa pa na mabubuhay ang iyong ama at magiging ligtas ka.”
Parang nawala bigla ang saya niya nang marinig ang muli nitong sinabi at muling napalingon dito. “A-Ano'ng ibig mong sabihin?”
Saglit naman itong napatitig sa kaniya bago siya sinagot ng seryoso.
“Magmula ngayon, hindi ka na puwede pang lumabas sa kuwartong ito ng wala ang pahintulot ko.”
Nagulat na siya. “P-Pero bakit? S-Sinasabi mo bang ikukulong mo ako rito?”
“I’m keeping you here,” he said simply. “You’re my wife now. You’ll stay here until I decide otherwise.”
Napakurap na lang siya at bahagyang umawang ang labi. Naguluhan na siya kung ano ba talaga ang ibig nitong sabihin.
“I’ll be back tonight,” he said, turning for the door. “Get some rest. Think about what I’ve said.”
Matapos nitong sabihin 'yon ay lumabas na, at doon ay awtomatiko nang sumara ang pinto.
Nanlaki naman ang mga mata niya. She ran to the door and pressed her palms against the steel. “S-Sandali lang!” Pinilit niyang buksan ang pinto, pero walang handle at hindi na niya alam kung paano.
“Husband! Buksan mo ang pinto!” pagsisigaw pa niya. “Bumalik ka rito! Hindi mo ako puwedeng iwan dito!"
Ngunit hindi na siya nito binalikan pa.
She even pressed her forehead to the cold metal, her fists trembling. But the room was soundproof. No matter how loud she screamed, no one would hear her.
She was completely alone.
Napaiyak na lang siya sa takot at hindi na alam ang dapat gawin.