MATAPOS ang pagtatalo nilang mag-asawa nung gabing 'yon ay hindi na nagpakita pa kay Ciara ang asawa niya, at hindi na rin siya nito nagawang tawagan pa o kahit text man lang sana para kumustahin. Nang tawagan naman niya ay hindi na ito makontak pa na para bang sinadya nang patayin ang phone para hindi na niya matawagan pa. Labis siyang nasaktan at nakaramdam ng matinding lungkot. Halos araw-gabi siyang umiiyak nang mag-isa at parang mababaliw na. Ngayon ay tatlong linggo na ang lumipas. Bawat araw at gabi ay para na siyang mababaliw sa kakaisip ng kung anu-ano. Panay text niya na rin sa number ng asawa niya kahit hindi naman ito nagre-reply. To Husband: Pagsisisihan mo kapag pinakasalan mo ang babaeng 'yon at ayaw mo pa rin akong pakawalan. To Husband: Hindi mo na ba ako babalikan di

