Chapter Sixteen

1182 Words
Habang pinagmamasdan ni Franceska ang  papalayong  si Grey ay hindi niya maintindihan kung bakit ganun na lamang ipagtanggol ng binata sila Martha.Kung bakit bigla na lamang ito nagalit nang ganun sa kanya.Habang nagsasalita ito kanina'y parang nag-aapoy ang kulay abo  nitong mga mata.  What's wrong with you Grey? tanong ng dalaga sa kanyang sarili.   Bagama't  alam ng dalaga na mali ang mga sinabi niya sa grupo nila Martha ay mas umiiral dito ang bugso ng damdamin ni Franceska, kaya hindi na niya napigilan ang bibig na magbitaw ng salita sa mga ito.  "Haist!" Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ng dalaga.  Nang mawala na si Grey sa kanyang paningin ay bagsak ang balikat niyang naglakad pabalik  sa kanilang bahay.  Pagpasok niya sa loob ng bahay ay agad siyang umupo sa sofa. At dahil wala naman siyang  gagawin sa araw na iyon ay naisip na lang niyang halungkatin ang mga DVD sa kanilang cabinet upang manood na lang. Sa paghahalungkat niya ay nakita niya ang isang DVD na binili niya noon.Iyon ay ang mga recorded matches ng AWE. Kinuha niya ito at agad na isinalang sa DVD player.  Habang  nagsisimula na ang kanyang pinapanood ay tumayo si Franceska upang kumuha ng juice sa kusina.  Pagbalik niya sa sala ay nakita niyang si Stone Cold Steve Austin at si Triple H ang nasa ring.  Hinahamon ng mga ito na lumabas si Phenom at Cade.  "The Phenom and Cade, if they got the guts, why don't you come out here.You know what?" Si  Austin na palakad-lakad sa ring habang may hawak na mikropono.  Naghiyawan ang mga audience na nag-aabang  sa paglabas ng The Brothers of Destruction. "Shut-up! You ain't gonna come out  here and make us famous." pagpapatuloy nito." Oh No! We're already famous.Why don't yah bring your asses here and make us a World Wrestling  Federation Champion." Patuloy naman sa paghiyawan ang mga tao sa paligid  ng ring.  Nagpatuloy lamang sa pagsasalita si Stone Cold Steve Austin habang si Triple H ay nakamasid  lamang.  "I'll tell you why, because you can't! You can't stop Stone Cold and Triple H!" muling sabi nito, nang  biglang tumunog ang theme song ni Phenom.  Keep rollin, rollin, rollin! Keep rollin, rollin, rollin! At lumabas si Phenom mula sa backstage.Mas lumakas naman ang hiyaw ng mga manonood.  "I-I feel the Phenom's presence here.Stone Cold and Triple H, Cade and Phenom for the tag team title here tonight! Live." sabi ng commenter.  "Oh,I see the Phenom, but where is his brother? Where's Cade?" nagtataka na tanong ng isang nasa commentary table.  "I haven't seen Cade since last Thursday? Where's the one arm,The Demon?" sabi ng commenter na ang tinutukoy niya ay si Cade.  "You know, It's gotta be loud in here. Will I be dumb if I don't think I heard you called me a coward. So let me get this straight with you right now. I ain't a coward, I'm just the man who's looking for somebody brave enough to fight me." Si Phenom na kalmadong nakatayo at nakangiti ng nakakaloko. Naghiyawan ang mga tao na nanonood sa Arena dahil sa sinabing iyon ni Phenom kay Stone Cold.  Nagpatuloy sa pagsasalita si Phenom" I guess, What I am saying Austin, Is that your soul  for the crap,and your ass started to turn brown.Sunday is judgement day.This is what I want you to do son, When you get up on Sunday mornin; I want you to take your ass to the church and you  better give your soul to the Lord. Because your ass belongs to me!" sigaw ni  Phenom.  "Sunday On Pay Per View." announce nang nasa commentary table.  "Yeah,Triple H. This ring is really good. As far as your challenge to my little brother Cade for a chain match on judgement day? On behalf of my brother Cade, he gladly accepts." sabi muli ni  Phenom habang mabagal na naglalakad palapit sa ring.  "Oh! There you have 'em,On judgement day.Triple H and Cade on a chain match." muling announced ng commenter.  "Here you wanna be to mention to yah, that is all, it's far for the tag team champion titles? We're gonna do that. We'll do that tonight." patuloy na sabi ni Phenom.  Pansamantalang tumigil sa paglapit sa ring si Phenom at diretsong tiningnan ang dalawang nag-aabang sa ibabaw ng ring, bago muling nagpatuloy sa pagsasalita.  "Yeah, Austin. I know I hurt  you,  you  said you didn't  care much for the traps… So you really…"  Pinutol ni  Phenom  ang  sasabihin at ngumiti ito kila Stone Cold at Triple H.  "So you really have all night what happens now." sabi ni Phenom at biglang tumunog ang theme song ni Cade kasabay ng flame entrance nito.  "Wait a minute! There's Cade!" hiyaw ng commenter nang makita si Cade na lumitaw sa likod  ni Stone Cold at Triple H.  "Cade got a chain!" patuloy na sigaw ng commenter.  Naghiyawan  ang mga tao sa paligid  dahil sa biglang  paglitaw ni Cade sa ring ng hindi  nalalaman ni Stone Cold at Triple H.  Sinugod  ni  Cade ang dalawa at doon naman mabilis na umakyat ng ring si  Phenom . Both Cade and Phenom got a chain in their  hands.  Sinugod ni Cade si Triple H na naiwan sa loob ng ring at binigyan ito ng isang Uppercut. Mabilis na tumakbo  palabas ng ring  si Stone Cold habang si Triple H ay gumapang palabas ng ring. ‘’Cade and Phenom swinging their chain around looks like their the final boss in a video game.’’ natatawa na sabi ng commenter. Pagkatapos napanood ni Franceska ang segment na iyon ng AWE ay naisip niyang bigla kung nasaan nga ba talaga si Cade, at kung ano nga ba talaga ang tunay na dahilan ng pagbibitiw nito bilang isang Wrestling Superstar, o kung totoo nga ba talaga na tuluyan na nitong iniwan ang ring.  Sa pag-isip-isip niya ay sakto namang dumating ang magulang niya galing sa pagsisimba ng mga ito.  "Oh anak, mag-isa ka yata? Nasaan si Grey?" tanong agad ni Ellen ang kanyang ina. "Ah-eh… Umalis na po Ma, may biglaan po siyang lakad." pagdadahilan  niya. "Ganun ba? Teka, bakit Wrestling na naman yata ang pinapanood mo?"  "Wala po kasi akong magawa Ma, kaya nanood lang po ako saglit," sabi naman niya.  "Ewan ko ba sa iyong bata ka," "Tapos ko naman na gawin lahat ng dapat kong gawin sa eskwela Ma,"  "Aba! Dapat lang yan Franceska dahil sayang naman ang nagastos namin ng mama mo sa pag-aaral mo kung hindi ka ga-graduate," ang kanyang ama na kakapasok  lang. "Pa, naman. Syempre  naman po ga-graduate ako," sagot niya sa ama. "Oh sige. Teka at maghahanda na ako ng tanghalian natin. Sayang at wala pala si Grey dito, yayayain ko sanang dito na kumain ang binatang iyon." sabi ng kanyang ina. "Hayaan nyo po Ma, babalik pa naman daw po siya," sagot niya sa ina .  Hindi na niya sinabi ang totoong nangyari kanina kung bakit biglang umalis si Grey.  Alam niyang papagalitan siya ng magulang dahil sa mga masasakit na salitang binitawan niya laban kila Martha. At hindi iyon tinotolerate ng kanyang magulang. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD