Chapter Fifteen

1992 Words
Habang nagliligpit si Franceska  sa kusina ay nakatingin lamang si Grey sa kanya. Hindi tuloy siya makapag-hugas ng plato nang maayos dahil sa bawat galaw niya ay naka-sunod ang mga mata ni Grey sa kanya. ‘’What are you doing?’’ tanong niya sa lalaki. ‘’Nothin’’. Sagot lamang nito. Humarap siya sa lalaki. ‘’Will you stop staring at me!’’ Ngumiti lamang ito at kininditan lamang siya. Dahil sa ginawang iyon ng lalaki ay pakiramdam niya’y namula ng husto ang kanyang mga pisngi. ‘’Oh, Sweetie. You’re cheeks starts to blush.’’ sabi ng lalaki na mas nilawakan pa ang pagkakangiti na parang siyang tinutukso. Biglang tumalikod si Franceska upang maitago ang pamumula ng kanyang pisngi. ‘’Bwisit na lalaki ito ah! Pero bakit ganun Lord? Ang yummy niya kapag ngumingiti.’’ bulong ni Franceska sa kanyang sarili. ‘’What did you say Sweetie?’’ biglang tanong ni Grey sa kanya. ‘’Anak ng tokwa naman oh! Narinig pa yata ang sinabi ko.’’ muling pagkausap niya sa kanyang sarili. ‘’I can still  hear you Ceska.’’  sabi  ng lalaki. Muli siyang humarap  rito. ‘’I said you’re yummy when you smile like that.’’ sabi niya sa lalaking nakatutok ang mga mata sa kanya. Nang bigla niyang maisip ang binitawang salita rito. Napatakip bigla ng bibig si Franceska ng ma-realized kung ano ang sinabi sa lalaki. ‘’Loka-loka ka talaga Franceska!’’ suway niya sa kanyang sarili. ‘’I never thought that my smile is yummy.’’ nanunukso na sabi ni Grey habang nilalaro ng mga daliri nito ang baba nito. ‘’O-Oh! Forget about what I’ve said Grey.’’sabi niya sa lalaki at lumakad palabas ng kusina. Nagtungo si Franceska sa sala upang doon pakalmahin ang sarili mula sa pagkakapahiya dahil sa sinabi niya sa lalaki. Ngunit sumunod rin pala ang lalaki sa kanya. ‘’Franceska! It’s okay. It’s normal to give a compliment to other.’’ si Grey na nagsalita mula sa kanyang likuran. Hindi pa rin nagawang humarap ni Franceska kay Grey dahil pakiramdam niya ay namumula pa rin ang kanyang mga pisngi. Nang biglang hinawakan ni Grey ang kanyang balikat at dahan-dahan siya nitong  hinarap. ‘’You’re cute when you are blushing Sweetie.’’ at hinawakan nito ang kanyang mga pisngi at dahan-dahan nitong nilapit ang mukha sa kanyang mukha. ‘’G-Grey. What are you doing?’’ tanong niya sa lalaki na may halong kaba. ‘’Shhhhh!’’ sagot lamang nito at bigla nitong dinampian ng halik ang kanyang pisngi. Nagulat man si Franceska sa ginawa  ng lalaki ngunit hindi siya tumutol. At muli na naman nitong dinampian ng halik ang kabilang pisngi niya hanggang sa  bumaba ang labi nito sa labi niya. Nanlaki ang mga mata ni Franceska dahil sa pag-kakadampi ni Grey ng labi nito sa labi niya. Mababaw lang ang halik na iyon pero parang  kinukuryente ang buong katawan niya. Hindi niya magawang igalaw ang katawan. ‘’G-Grey!’’ tanging bulong lamang ang pagbigkas ni Franceska sa pangalan ng lalaki. ‘’It’s okay Sweetie.’’ sabi lamang ng lalaki at biglang lumalim ang halik nito sa kanya. At dahil unang beses niyang mahalikan ay hindi alam ni Franceska ang  gagawin kaya nanatili  lamang siyang nakatayo at walang tutol sa ginagawang pag-halik  ng lalaki. Ka’y sarap humalik  ni Grey. Sa isip-isip niya. Malambot ang mga labi ng lalaki at mainit din ang halik nito. Ang palad nitong nakahawak sa kanyang mga pisngi ay mainit din. Ilang segundo din ang paghalik nito sa kanya  ng unti-unti nitong nilalayo ang mukha nito sa mukha niya. Pagkatapos ng halik na ginawad ni Grey sa kanya  ay nakita niyang nakangiti ang lalaki. Ang mala-abo nitong mga mata ay nakangiti rin. Bagay na mas kina-gwapo  ng lalaki kahit na may peklat ang kanang bahagi ng mukha nito. ‘’Franceska.’’Tawag nito sa pangalan niya. Pero parang wala siyang narinig, at nakatulala lamang siya. Ngumiti lamang ang lalaki at muling nilapit ang labi nito sa labi ng dalaga at bigla siya nitong kinintalan ng halik sa mga labi. Doon natauhan ang dalaga. ‘’G-Grey.’’ bulong niy sa pangalan ng lalaki. Hinalikan muna siya nito sa noo bago nagsalita ito. ‘’I’m sorry if I kissed you. I just can’t help myself not to kiss you, because you  have a nice and sweet lips Ceska.’’  Hindi magawang makapag-salita si Franceska. At nakatingin lamang siya sa lalaking nasa harapan  niya. Akala niya ay muling magsasalita ang lalaki ngunit hindi. Sa halip  ay  hinila siya nito papalapit at niyakap siya. Isang mahigpit na yakap ang ginawad nito sa kanya at naramdaman niyang  dinampian siya ng halik sa kanyang buhok. Ang sarap sa pakiramdam ang mayakap ni Grey. Sabi ni Franceska sa kanyang sarili. Matagal sila sa ganung posisyon  bago siya binitawan ng lalaki. Nakangiti ang lalaki na nakatingin sa kanya. Ginantihan niya din ng ngiti ito. ‘’So,  what’s your plan today sweetie?’’ tanong nito sa kanya. ‘’Hmmm! I don’t know. Maybe I just go to the market and buy something to eat.’’ sagot niya. ‘’Okay then, I’ll come with you.’’ nakangiting sabi nito sa kanya. ‘’Okay. I’ll just go take a shower.’’ sabi niya rito. ‘’Sure. I’ll just wait here.’’ sagot naman ng lalaki. Dali-daling tumakbo paakyat sa hagdan si Franceska upang maligo. Sa sobrang saya ng dalaga ay minadali niyang maligo at mag-ayos sa sarili. Nagsuot lamang siya ng walking short at isang oversized T-shirt. Naglagay ng baby powder sa mukha at lip balm lamang ang ginamit sa kanyang mga labi. Nang bigla niyang maalala ang ginawang pag-halik sa kanya ni Grey. Napangiti siya dahil sa nangyaring iyon kanina. Pagkatapos ay nagmamadali siyang bumaba sa hagdan. ‘’I’m done.’’ masayang sabi niya sa lalaking nakaupo at naghihintay sa kanya sa sala. ‘’Woah. That was fast sweetie.’’ sabi nito sa kanya na malawak ang pagkakangiti nito habang nakatingin sa kanya. ‘’Well, I don’t want to keep you  waiting.’’ sagot niya sa lalaki. ‘’Hmm! Okay. So let’s go?’’ tanong nito. ‘’Yeah sure.’’ sagot naman niya at nauna na siyang lumakad palabas ng bahay. Sinira muna ni Grey ang pinto bago sila sabay na naglakad. ‘’Are we going to take a taxi?’’ tanong nito. ‘’Nope. We’re going to take a walk.’’ sagot niya sa lalaki. ‘’Oh! I see. Well that’s a great idea. It’s kinda exercise.’’ sabi naman nito. Hinawakan ni Grey ang kamay niya habang naglalakad sila papuntang palengke nang biglang may nakasalubong silang grupo ng mga babae. Kilala niya ang isa sa mga babae. Si Martha, isang babaeng nagtatrabaho sa  isang beer house sa ermita. Tumigil ang mga ito sa harap nila at binati siya ni Martha. ‘’Hi Franceska. Sino yang kasama mo?’’ tanong nito na malagkit ang tingin kay Grey. ‘’Hoy! Martha. Wag mong sabihing kursunada mo yang kasama ng nene na yan?’’ tumatawang tanong ng isang kasama ni Martha. Tinignan niya ng masama si Martha at babalewalain na lang sana niya ito at hihilahin  na sana niya si Grey palayo sa mga ito ngunit tumayo  si Martha sa harap ni Grey. ‘’Hi, Handsome.’’ bati ni Martha kay Grey at hinawakan nito ang dibdib ng lalaki. Ngumiti naman si Grey at binati rin si Martha. ‘’Hello.’’ ‘’Where are you going?’’ tanong ni Martha habang patuloy na nakatingin ng malagkit kay Grey. ‘’Oh! We’re going to the market. Do you guys wanna come with us?’’ tanong ni Grey sa mga ito habang nakangiti. Tinignan ng masama ni Franceska si Grey.’’ Are you serious?’’ tanong niya ky Grey na may iritasyon sa kanyang tinig. ‘’Look Ceska. They are your friends right?’’ sabi naman nito. ‘’Excuse me! They are not my friends!’’ galit na sagot niya sa lalaki. ‘;Ikaw naman Franceska. Masyado kang madamot. Sinasama kami ni papa pogi diba.?’’ si Martha na nang-iinis ang boses. Nagtawanan ang mga kasama nito at nagsalita. ‘’Baka naman kasi ayaw niya lang maagaw itong kasama niya Martha.’’ sabi ng mga ito at nagtatawanan. ‘’Alam mo Franceska, hindi bagay sayo si pogi.At isa pa  karamihan sa mga customer ko ay foreigner.’’ sabi ni Martha na nakatingin kay Grey habang kinakagat nito ang gilid ng labi na parang tinutukso si Grey. ‘’Well! Matinong tao si Grey, Martha .’’ sagot niya sa babae. ‘’Talaga ba? Hmm.’’ sabi lamang nito biglang dumikit si Martha kay Grey. ‘’Grey, Let’s go!’’ pag-yayaya niya sa lalaki. ‘’Yeah! Sure.’’ Ladies we’ll go ahead.’’ paalam ni Grey sa mga ito. Bago sila lumakad ay nagsalita pa si Franceska sa mga ito. ‘’Bitches!’’ inis na sabi niya at hinila si Grey palayo sa mga ito. ‘’Wait! Franceska.’’ si Grey na pinipigilan siyang  maglakad. Hindi pinansin ni Franceska si Grey at patuloy lamang niyang hawak ang kamay ng lalaki habang naglalakad. ‘’Franceska! I said wait!’’ sabi nito at hinila ang kamay nito na hawak niya. ‘’What!’’ inis na hiyaw niya sa lalaki. ‘’What did you just say to them?’’ tanong nito na nakasalubong ang mga kilay nito. ‘’What? What?’’ tanong niya sa lalaki. ‘’Did you just called them a bitches?’’ tanong nito. ‘’Yeah! So?’’ sagot naman niya. ‘’Why did you say that?’’ muling tanong nito. ‘’Because it’s true. I’m just saying the truth.’’ sagot niya at nagkibit balikat. ‘’You don’t have the right to call them a bitches, Franceska!’’ sabi nito sa kanya na mukhang galit. ‘’Didn’t you notice it? Martha is flirting you!’’  ‘’I know that  she’s trying to flirt with me. But  it is not right to call them a bitches. Well in fact you don’t really even know them.’’ ‘’Whatever!’’ inis na sagot niya sa lalaki. ‘’You don’t have the right to judge others  just because of their way of living. You don’t have any right to judge others, just because of a job  they have.’’ sabi ng lalaki atsaka siya nito iniwan at nag-lakad palayo sa kanya. ‘’Grey!’’ sigaw niya sa lalaki at mabilis na sinundan ito. Naabutan naman niya agad ito at pinigilan ito. ‘’What is your problem?’’ tanong niya rito. ‘’You. You are my problem Franceska.! Sagot nito at muling naglakad. Hinabol niya muli ang lalaki at hinila ang kamay nito. ‘’So, you just leave me here just because of those woman?’’ inis na tanong niya sa lalaki. Ngunit tinignan lamang siya nito at  muli siyang tinalikuran.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD