Habang pauwi si Franceska ay hindi pa rin nawawala ang nararamdaman niyang inis kay Grey, lalo na sa babaeng bagong kakilala lamang nito. Umasa siya na susundan siya ng lalaki ngunit nagkamali siya. Hinayaan lamang siya nitong umuwi mag-isa. Hanggang sa makauwi na ang dalaga ay mas lumala pa ang inis na nararamdaman.
‘’Nandyan kana pa anak.’’ salubong ng kanyang ina.
‘’Opo.’’ maikling sagot niya habang nakasimangot.
‘’Oh!Bakit nakabusangot yang mukha mo?’’ tanong ng ina habang nakatingin ito sa pinto.
‘’Wala po, Ma.’’ sagot niya.
‘’Teka, nasaan si Grey? Ang sabi ng papa mo ay kasama mo ang binata na lumabas dahil sinundo ka raw kanina habang nasa palengke ako.’’
‘’Hindi ko po alam, Baka nan’don sa babaeng kasama niya.’’ nakasimangot na sagot niya habang tinatanggal ang kanyang sapatos.
‘’Babae? Sinong babae?’’ muling nagtanong ang kanyang ina.
‘’Yung babaeng nakilala niya na akala mo kung sinong makadikit kay Grey!’’ may iritasyon sa tinig niya.
‘’Ganun ba? Eh, bakit hindi ka man lang hinatid?’’
‘’Iniwan ko po siya kasama ang Depinder Collins na iyon.’’ sagot niya.
‘’Bakit mo iniwan? Alam mong walang alam dito ang binatang iyon.’’
‘’Ma! Andami ninyong tanong!’’ naiinis na sabi ng dalaga sa ina at dali-dali siyang tumakbo papunta sa hagdan at nag-tuloy sa kanyang kwarto.
‘’Aba’t! Franceska, hindi ko nagugustuhan ang ugali mong basta-basta na lamang tumatalikod habang kinakausap ka!’’ sigaw ng kanya ina ngunit hindi na lamang niya ito pinansin.
Hindi alam ni Franceska kung bakit ganun na lamang ang inis niya. Kung tutuusin ay hindi naman sana big deal iyon, pero pinalaki niya. Karapatan naman ni Grey na makipag-kilala sa kahit na sinong gustuhin nitong makilala, pero bakit ganito ang nararamdaman niya?’’
Hanggang sa makatulugan na lamang niya ang inis kay Grey at Depinder.
Natutulog pa si Franceska nang makarinig siya ng katok mula sa pintuan ng kanyang kwarto. Ang kanyang ina ang kumakatok.
‘’Franceska! Gumising kana diyan at aalis kami ngayong umaga ng papa mo.’’
Bumangon ang dalaga at kinusot-kusot ang mga mata. ‘’Opo Ma! Nandyan na.’’ sagot niya.
‘’Sige. Bilisan mo dyan.’’
Tumayo ang dalaga sa kama at inayos ang sarili bago bumaba. Dumiretso siya sa kusina upang sumabay na kumain ng almusal.
‘’Oh, Anak, pasensya ka na at hindi ka na namin nahintay sa almusal. Ito kasing Mama mo nagmamadali dahil marami na daw tao ngayon sa Baclaran.’’ sabi ng kanyang ama.,
‘’Ganun po ba? Anong oras kayo uuwi?’’ tanong niya habang kumukuha ng tasa para sa kanyang kape.
‘’Hindi kami magtatagal, magsisimba lang kami ng papa mo.’’ sagot naman ng kanyang ina.
‘’Sige po.’’ sabi niya.
‘’Oh, Sige na at baka matraffic kami.’’ ang kanyang ina.
‘’Isarado mo ang pinto pag-alis namin anak.’’ paalala ng kanyang ama.
''Opo, Pa.’’ maikling sagot niya at sinundan ang mga ito sa labas ng bahay.
Habang binubuksan ng kanyang ama ang kanilang gate ay nagulat siya nang makita niya kung sino ang nakatayo at nakasandal sa pader katapat lamang ng kanilang bahay. Si Grey na nakangiti at nakatingin sa kanila.
Tumawid ang binata at lumakad papalapit sa kanila at bumati ito sa kanyang ama. ‘’Good morning Sir.’’
‘’Good morning too Grey. You’re too early huh.?’’ bati naman ng kanyang ama.
Ngumiti lamang ang binata at tumingin sa kanya. ‘’Good morning Ceska.’’
Hindi niya pinansin ang pagbati ni Grey sa kanya at nagkibit balikat lamang siya.
‘’Franceska, kinakausap ka ni Grey.’’ sabi ng kanyang ina.
‘’Hayaan nyo siya Ma. Wala akong pakialam sa kanya.’’ sagot niya atsaka agad na tinalikuran ang mga ito at pumasok sa loob ng bahay.
‘’I’m sorry. She’s not in the mood.’’ narinig niyang hinging paumanhin ng ama sa binata.
‘’It’s okay Sir. Maybe I’ll just come back some other time.’’
‘’You can go inside and talk to her.’’ sabi ng ina ng dalaga.
‘’Is it Okay Ma’am?’’ Grey asked.
‘’Yes of course. Anyway. We’ll go ahead now.’’
Nagpaalam si Grey sa magulang ng dalaga bago dahan-dahang naglakad patungo sa pinto ng bahay ng mga ito.
Samantala, habang nasa kusina ang dalaga at kumakain ng almusal ay muling nakaramdam ng inis ang dalaga. Ano kaya ang ginagawa niya rito? Tanong ng dalaga sa kanyang sarili.
‘’Hey!’’ biglang sumulpot si Grey sa kusina.
Kumunot ang noo ng dalaga nang makita si Grey na nakatayo.
‘’What are you doing here?’’ tanong niya sa lalaki na hindi ito tinitignan.
‘’You’re Mom says, I can come here.’’ sagot nito na nakangiti.
‘’Stop smiling like that!’’ inis na utos niya sa lalaki.
‘’W-Woah! Hey, what’s wrong with my smile?’’ tanong nito na mas nilawakan pa ang pagka-kangiti nito.
‘’Wala! Masyado kasing maganda ang mga ngiti mo.’’ sabi ng dalaga sa paraan na hindi maiintindihan ng lalaking nasa harap niya.
‘’What did you say?’’ tanong ni Grey.
‘’Nothing!’’ sagot lamang niya.
‘’Hey! I’m sorry, okay? I’m sorry for what happened yesterday.’’ hinging paumanhin ng lalaki sa kanya, at nakita niya kung paano nabura ang ngiti nito sa labi at bumakas ang lungkot sa kulay abo nitong mga mata.
‘’Yeah right!’’ tanging sagot lamang niya.
Lumapit si Grey sa kanya at lumuhod ito sa harap niya at kinuha ang kamay niya na may hawak pang kutsara.
‘’I’m sorry.’’ muling hinging paumanhin ng lalaki kay Franceska, bago nito dahan-dahang dinampian ng halik ang kanyang kamay.
‘’What are you doing?’’ tanong niya na may pagkagulat dahil sa paghalik ni Grey sa kanyang kamay.
‘’Please forgive me. I shouldn’t allow you to go home alone.’’
Hindi alam ng dalaga kung ano ang sasabihin sa lalaki. Lalo pa at hawak pa rin nito ang kamay niya.
‘’Fine! Apology accepted.’’ sabi niya sa lalaki at agad na binawi ang hawak nitong kamay niya.
‘’Really?’’ tanong nito at muling ngumiti ito.
‘’Yes! Really. And stop smiling like that,okay? Natutunaw ako.’’ sagot niya sa lalaki.
‘’N-Natutunaw?’’ what’s that mean?’’ tanong nito.
Ngumiti lamang siya at sinabing ‘’Nothing.’’ dahil ayaw niyang bigyan ng binata nang ibang ibig sabihin kapag sinabi niya ito sa paraan na maintindihan nito.
‘’Anyway, have you eaten?’’ pag-iiba niya nang usapan.
‘’Yeah. I ate breakfast in the hotel before I came here.’’ sagot nito bago ito tumayo at humila ng upuan at umupo.
‘’Hmm! Okay. Then I’ll eat.’’ sabi naman niya.
‘’Go ahead sweetie.’’ sabi ng lalaki sa kanya na kinagulat ng dalaga ang pagtawag nito sa kanya ng ‘’Sweetie’’.
‘’I’m not your sweetie. So don’t call me that.’’
‘’But you're sweet. So you are my sweetie.’’ sabi nitong muli.
‘’Arggg! Whatever.’’ tanging sagot lamang ni Franceska.
Humalakhak ang lalaki at napatunganga si Franceska, hindi dahil sa bigla na lamang itong humalakhak. Kundi dahil kay sarap sa kanyang pandinig ang mga halakhak nito. Parang naging magandang musika ito sa kanyang tenga.