Hindi maintindihan ni Grey kung bakit ganun na lang ang inasta ng dalaga. At kung bakit ganun na lang din nito pakitunguhan si Depinder.
Habang tinitignan niya ang dalaga na naglalakad patungo sa parking lot kung saan nan’don ang kotseng ginamit nila ay napapailing na lamang siya.
“What's wrong with her?” tanong ni Depinder kay Grey.
“I don’t know!“maikling sagot ni Grey sa dalagang nasa harap niya
“I think she’s jealous.” Ang dalaga na muling nagsalita at nakangiti sa kanya.
“How did you say that?” tanong ni Grey na nakakunot ang noo.
“C'mon! Grey. The way she talks to me? You should know the,” sagot ni Depinder.
Sa sinabing iyon ni Depinder ay nagkaroon ng isipin si Grey. Maski ang binata ay hindi maipaliwanag kung bakit ganun na lamang ang naging attitude ni Franceska.
“I think I should go now.” Si Depinder na muling nagsalita.
“Where do you check-in?” tanong ni Grey sa dalaga.
“Regency Hotel.” Sagot naman nito.
“Great! I also checked-in at Regency Hotel.” sabi ni Grey sa dalaga.
“Really? So let’s go?” pagyayaya ni Depinder may Grey.
“Sure.” Tugon naman ni Grey.
Gusto pa sana ni Grey na puntahan si Franceska sa bahay nito ngunit mas minabuti na lamang niyang wag na muna dahil alam niyang galit ang dalaga sa kanya. Babalik na lamang siya sa Hotel kung saan siya nag check-in.
Pumara ng taxi ang binata at pinagbuksan ng pinto si Depinder.
“Thanks Grey.”sabi ng dalaga.
Pagsakay nila ng taxi ay agad na sinabi ni Grey kung saang hotel sila pupunta.
Habang nasa taxi ay nag-uusap parin sila ng dalaga.
“So how long your vacation here?” tanong ni Depinder sa binata.
“I don’t know!. Maybe a month or more.” sagot niya sa dalaga.
“I see. So how did you meet Franceska?” tanong muli ng dalaga kay Grey.
“I just met her at the mall.” tugon naman niya
“She’s beautiful right?” muling nagsalita si Depinder .
“Yeah! She is. But she’s still young. “sabi niya.
“And she has a sharp tongue .” sagot ng dalaga sabay tumawa ito.
“How did you say that?” tanong ni Grey sa dalaga.
“Like what I’ve said earlier. The way she talks to me. The way she looks at me.” sagot ng dalaga.
“Franceska is nice. She’s friendly. “ depensa naman ni Grey kay Depinder sa sinasabi nito tungkol kay Franceska.
“You like her, Don’t you?” biglang tanong ni Depinder may Grey.
Tinignan ni Grey si Depinder at nagbuka ng bibig upang magsalita Ngunit wala siyang masabi sa dalaga.
“I-I don’t know.” Iyon lang ang tanging lumabas na salita sa bibig ng binata.
Natawa naman ang dalaga at muling nagsalita.
“See! I know you like the girl. I feel it.” sabi ng dalaga.
Magsasalita pa sana si Grey ngunit napukaw ang atensyon nila dahil tumigil ang taxi sa harap ng hotel at nagsalita ang driver ng taxi .
‘’Sir we’re here.”sabi ng taxi driver.
Binuksan ni Grey ang pinto ng taxi at bumaba Sumunod naman si Depinder at nag-abot ng bayad ang binata sa driver.
Pumasok sila sa entrance ng hotel at binati naman sila ng guwardiya na naka-duty doon.
“Good Afternoon Sir, Ma’am.” Ang guwardiya na ngumiti sa kanila.
Tinanguan lamang ni Grey ang guwardiya at nag tuloy-tuloy na naglakad.
“Where’s your room?” tanong ni Depinder may Grey.
“Room 408.” Sagot naman ng binata.
“I See! I’m in room 510.” Sabi naman ng dalaga.
Sumakay sila ng Elevator at pinindot ng binata ang 4
Floor at 5
Floor.
“Do you have plans for tomorrow Grey?” tanong ng dalaga may Grey
“Hmm! I’m still thinking about it.”sagot naman ni Grey.
“Me too. But anyway I’m planning to go to Palawan next week. Do you want to come with me?” tanong muli ng dalaga.
“ Let me think about it, Depinder.” Maikling sagot ni Grey sa dalaga.
“Okay. “pagsang-ayon naman nito.
Tumigil ang Elevator sa 4
Floor at bumukas ito.
“Bye! Grey. Thanks for your time.” Paalam ni Depinder kay Grey.
Nginitian lamang ng binata ang dalaga at lumabas na sa Elevator.Nakita niya pang kumaway sa kanya si Depinder bago muling sumara ang Elevator.
Naglakad si Grey patungo sa kanyang kwarto. Agad na binuksan ang pinto at pumasok sa loob. Binuksan ang ilaw at agad na dumiretso sa banyo upang mag-shower.
Itinapat ni Grey ang katawan sa shower at unti-unting nabasa ang kanyang katawan. Habang naliligo ang binata ay hindi maiwasan ni Grey na maisip ang mga sinabi sa kanya ni Depinder.
“Sh*t!” mahinang pagmumura ng binata at agad na winaglit ang mga isiping iyon. Minadali ng binata ang pagligo at agad na nagpunas ng katawan.
Pagkatapos maligo ay nagsuot lamang ang binata ng Pajama at umupo sa couch na nandoon sa kanyang hotel room, nang biglang tumunog ang kanyang laptop. Kinuha niya ito at agad na binuksan.
Nakita niya sa kanyang notification na may bago siyang e-mail.
Alam na niya kung kanino galing ang email na iyon pero sinubukan niya pa rin itong buksan.
Hindi nga siya nagkamali. Galing ang email na iyon may William. Ang kanyang nakakatandang kapatid.
Hindi lang kay William ang mga e-mail na natatanggap niya. Kundi meron ding e-mail galing sa mga Authority ng AWE. Ni isa sa mga e-mail na iyon ay hindi siya nag-abalang basahin ang mga ito.
Muli na sana niyang isasara ang laptop nang biglang tumunog ito.
Tumatawag sa kanya si William. Hindi niya alam kung sasagutin ba ito o hahayaan na lamang niya ito. Pero sa huli ay sinagot na lamang niya ang tawag ng kapatid.
“What do you want?” agad na tanong niya rito.
“Hey! Bro. What’s up?” bati naman ng kanyang kapatid.
“Quite fine. So what do you want?” muling tanong niya may William na may pagka-irita sa kanyang tinig.
“Nothin’ Bro. I just want to ask where the hell are you. I’ve been sending you an email many times but you never bother to reply. “
“What’s got to do with you if where the hell am I?” sarkatiskong sagot niya sa kapatid.
“Listen Grey. I am worried about you. Even the whole AWE is worried about you. And wondering where the hell are you. “ sabi naman ni William.
“I’ve told you before I left. I quit! I want to be out of AWE. Don’t you understand that?” mariin na sagot niya sa kanyang kapatid.
“Yes! But you never explained it to us.” sigaw ng kanyang kapatid.
“You know the real reason Phenom!” tawag niya sa ring name ng kanyang kapatid na may diin at biglang pinatayan niya ito ng tawag.
Sinubukan muli ni William na tawagan niya ngunit hindi na niya ito sinagot. Hindi pa siya handang makipag-usap sa kapatid.
Hindi niya alam kung hanggang kailan siya makakaramdam ng galit para sa nakakatandang kapatid, ngunit gusto muna niyang mapag-isa.