Habang abala si Franceska sa paghihintay ng inorder nyang barbecue ay nakaupo lamang si Grey sa upuan kung saan niya ito iniwan, nang biglang may babaeng lumapit dito. Nakita niyang tumayo si Grey at binati ang babaeng lumapit sa lalaki. Kunot ang noo ni Franceska dahil nakangiti si Grey habang kausap ang babaeng blonde. Mukhang foreigner din ang babae, sa isip-isip ng dalaga.
‘’Miss, ito na ang order mo.’’ sabi ng binatilyo na ikinalingon ni Franceska.
‘’Magkano?’’ tanong niya.
‘’150 lang po Miss.’’ sagot ng binatilyo kay Franceska. Nag-abot ng 150 pesos si Franceska bago kinuha ang barbecue na nakalagay sa paper plate at naglakad pabalik sa mesa kung saan sila nakapwesto ni Grey.
Dahil mukhang enjoy na enjoy si Grey sa kausap nitong babae ay hindi nito namalayan ang paglapit niya. Napansin siguro ng babae na nakatayo siya sa likod ni Grey kaya nagsalita ito.
‘’Oh, We haven’t ordered yet.’’ sabi ng babae kay Franceska.
Nagsalubong ang mga kilay ng dalaga dahil sa pinagkamalan siyang serbidora ng babaeng dayuhan na kausap ni Grey.
‘’Excuse me! I am not a waitress.’’ pagalit na sagot ni Franceska. Nilingon naman agad siya ni Grey pagka-rinig nito sa sinabi niya.
‘’Hey, Ceska. You’re here.’’ sabi ni Grey na nakangiti .
Nairita ang dalaga. ‘’Yes, and I think you’re too busy to notice me that I am here.’’
‘’Oh, I’m sorry. Anyway give me that thing.’’ sagot ng lalaki na tumayo at kinuha ang paper plate na hawak niya.
Umupo si Franceska sa bakanteng upuan at tumingin sa babaeng kausap ni Grey na nakatingin din ito kay Grey.
Kumuha si Franceska ng isang isaw pagka-lapag ng lalaki sa binili niya at agad na sinubo ito. Hindi na niya niyaya ang mga ito dahil sa pagkairita niya sa babaeng mukhang may gusto kay Grey.
‘’Who’s she?’’ tanong ng babae kay Grey.
‘’Oh, she is Franceska.’’ sagot naman ng lalaki.
‘’I see. Is she your girlfriend?’’ muling tanong ng babae.
‘’No. She’s a good friend, and she’s touring me around.’’ tugon naman ng lalaki na nakangiti.
Tinignan ni Franceska ng masama ang lalaking kanina pa nakapaskil ang ngiti sa mga labi nito dahil sa babaeng blonde na kausap nito.
‘’Anyway, Franceska, this is Depinder Collins. She’s also a tourist here.’’ pakilala ni Grey sa babae.
‘’I’m not interested to know her.’’ walang ganang sagot ng dalaga habang ngumunguya ito ng isaw.
Mukhang napahiy naman ang babae dahil sa kanyang sinabi dahil nawala ang ngiti sa mga labi nito at biglang natahimik.
Tinignan ni Franceska ang babae at nakita niyang nakataas ang kilay nito habang nakatingin sa kanya.
‘’What?’’ patay malisya na tanong ni Franceska kay Depinder.
‘’Nothing. But I guess you have a sharp tongue.’’ sagot nito.
‘’So?’’ sabi naman ni Franceska.
‘’Franceska, that’s enough. You don’t have to be rude to her.’’ si Grey na nagsalita at nakatingin kay Franceska.
‘’Okay.’’ sagot lamang niya, na mas kinairita niya.
‘’Anyway, do you want to try this Depinder?’’ alok ni Grey kay Depinder sa barbecue na binili niya.
‘’Of course, I want to try it.’’ masayang sagot ni Depinder sa lalaki.
Inabutan ni Grey ng isang stick ng isaw ang dalaga at tuwang-tuwa naman itong tinikman ang isaw.
‘’Woah, It’s good.’’ sabi ni Depinder kay Grey habang malawak ang pagkakangiti nito.
‘’It’s good… blah blah blah.’’ bubulong-bulong si Franceska sa kanyang sarili na narinig naman ni Grey.
‘’What did you say?’’ tanong nito.
‘’Nothing.’’ maikling sagot ni Franceska.
‘’How about you? Why don’t you try this.’’ sabi niya sa lalaki at inabot ang isang stick ng dugo ng baboy.
‘’What's this?’’ tanong ni Grey habang tinitignan ang dugo ng baboy na nakatusok sa stick.
‘’It’s a pig’s blood.’’ sagot niya.
‘’Really?’’ manghang tanong ni Grey.
‘’Yes.’’ tugon naman ni Franceska. ‘’Come on try it.’’ muling sabi niya sa lalaki.
‘’Okay.’’ at dahan-dahang dinala ni Grey sa bibig ang dugo ng baboy at kumagat ng kaunti. Nginuya nito ng dahan-dahan at tumango-tango ito pagkatapos.
‘’How was it?’’ tanong ni Franceska na nakatingin sa lalaki.
‘’Wow, it tastes good.’’ sagot nito at muling kumagat sa hawak nito.
‘’Really? Can I try it too?’’ si Depinder na nagsalita .
‘’Oh, sure.’’ sabi ni Grey na inabutan ng isang stick na dugo ng baboy.
Agad naman na tinikman ni Depinder at tuwang-tuwa ito. ‘’ Yes, you’re right it’s taste good.’’ sabi nito.
Kumunot ang noo ni Franceska dahil masyadong pa-epal ito. Tumayo si Franceska at tinalikuran ang mga ito. Nagulat naman si Grey sa ginawa niya at agad din itong tumayo.
‘’Hey! Franceska, what’s the problem?’’ tanong nito na hinabol siya at hinawakan ang kamay niya upang pigilan siya.
‘’I’m going home.’’ naiirita na sagot niya sa lalaki.
‘’Why? You’re still not done with your food.’’ tanong nito.
‘’I lost my appetite.’’ muling sagot ni Franceska.
‘’Is it because of Depinder?’’ tanong nito na nakakunot ang noo.
‘’Nope!’’ tugon naman niya.
‘’Come on Franceska, I know you don’t like Depinder.’’ sabi ng lalaki sa kanya.
‘’Oh, I’m glad that you know that.’’ nakangising sagot niya kay Grey.
Napabuntong hininga si Grey at muling nagsalita. ‘’ Come on Franceska, she’s nice. You don’t have to act like that and walk-out like a child.’’
‘’And do you think I am acting like a child?’’ naiinis na inulit niya ang sinabi ni Grey.
‘’Yes.’’ walang kagatol-gatol na sagot ni Grey.
‘’Fine, then go and talk to that girl.’’ sabi niya at agad na tinalikuran si Grey.
Hindi na siya tinangkang sundan ni Grey, bagay na mas lalong ikinagalit ng dalaga sa lalaki. Pagdating sa parking lot kung saan niya pinark ang kotse at nakita niya bumalik si Grey sa mesa kung saan nandoon pa rin si Depinder. Nakita niyang umupo ulit ito at nagpatuloy sa pakikipag-usap kay Depinder na nakangiti .
‘’D-Damn you Grey!’’ bulong ni Franceska na nanggigigil sa lalaki.