Chapter Eleven

1276 Words
Habang pinapanood ni Franceska  ang lalaking katabi niya na nakahiga sa damuhan  na   natutulog ay hindi maiwasan ng dalaga na hindi ito pagmasdan.Nakatulog ang lalaki habang hinihintay nilang bumalik ang kumuha sa kanila ng litrato para ibigay ang kopya sa kanila. Tinitigan niya ang lalaking mukhang napasarap ang tulog dahil na rin sa presko ang lugar. Napapaisip si Franceska kung bakit may peklat ito sa kanang bahagi ng mukha nito, pero hindi naging hadlang iyon upang mawala ang kagwapuhan ng lalaki, sa halip ay mas nakadagdag pa iyon sa dating ng lalaki. Napailing si Franceska dahil sa tinatakbo ng kanyang isip, nang  biglang matanawan niya  ang hinihintay nila. Tumayo siya upang salubungin ito. ''Hija, ito na yung litrato nyo, pasensya ka na at natagalan.'' hinging paumanhin ng matanda sa dalaga. ''Ayos lang po yon manong.'' sagot naman niya. Inabot sa kanya ng matanda ang isang brown envelope  kung saan nakalagay ang kanilang kopya ng litrato. ''Magkano po ito manong?'' tanong ni Franceska sa matanda. ''Mura lang hija, 200 pesos lang.''  tugon ng matanda. Inabot ni Franceska ang 200 pesos sa matanda at nagpasalamat. ''Sige hija, mauuna na ako at maghahanap pa ako nang gustong magpakuha ng litrato.'' paalam ng matanda kay Franceska. ''Sige po manong, mag-ingat po kayo.''  tugon ni Franceska bago siya lumakad pabalik kay Grey na natutulog pa rin sa damuhan. Umupo si Franceska sa damuhan at binuksan ang envelope kung saan nakalagay ang kanilang litrato ni Thomas, kinuha ang laman sa loob at tinignan isa-isa. Napapangiti ang dalaga dahil maganda ang bawat kuha nila ng lalaki. Merong naka wacky pose sila, at meron ding nakaakbay sa kanya si Grey. Napahagikhik siya ng makita ang solo picture ng lalaki na naka wacky pose ito. nang biglang gumalaw  si Grey kaya tinakpan niya ang kanyang bibig dahil baka magising ito. ''Why are you laughing?'' biglang tanong ni Grey na bumangon na pala ito. ''Oh, sorry. Did I wake you up?'' tanong niya. ''Nope.'' sagot lamang nito. ''Here's the  pictures.'' tugon ni Franceska kay Grey at pinakita ito sa kanya. Tinignan isa-isa ng lalaki ang mga litrato at natawa ito sa ibang kuha nila. ''You look cute in a wacky pose Ceska.'' papuri sa kanya  ng lalaki habang tinitignan nito ang litrato niya. Hindi sumagot ang dalaga, at pakiramdam niya ay namula ang kanyang mga pisngi. ''Hey, you're blushing.'' tukso ng lalaki sa kanya. ''No I'm not.'' tugon niya na tinakpan ang kanyang mukha. Tumawa ng malakas si Grey at ang sarap sa pandinig ni Franceska ay halakhak ng lalaki. ''Okay, I'm sorry. I though you're blushing.'' muling tugon ng lalaki sa dalaga. Tumayo si Franceska at pinagpag ang kanyang likod. ''Hey! Where are you going?'' tanong nito sa dalaga. ''Let's go. I feel hungry.'' sagot niya. Tumayo ang lalaki at pinagpag din nito ang likod. ''Where are we going to eat then?'' tanong nito. ''I don't know. Let's find some place to eat.'' sagot ng dalaga at  nagpatiunang lumakad. Naglakad lakad  sila ng lalaki hanggang sa matanaw ni Franceska ang mga nakahilerang cart na nagtitinda ng mga street food.  Niyaya ni Franceska si Grey na lumapit sa mga nakahilerang cart. Paglapit nila sa mga nagtitinda ay natakam agad si Franceska. ''Manong pabili po.''  sabi ni Franceska sa tindero. ''Sige lang Ma'am, pumili lang po kayo dyan.'' tugon ng tindero kay Franceska. Pumili si Franceska ng kwek kwek, fish balls, kikiam. Nang biglang hinila ni Grey ang kamay ng dalaga. ''Hey, what are you doing?'' tanong nito na nakakunot ang noo. ''I'm buying a food to eat.'' sagot niya. ''Are they safe to eat?'' tanong ng lalaki kay Franceska. ''Yes. It's safe and delicious.'' sagot niya. Hindi na muling nagsalita ang lalaki at pinagmasdan na lang ang dalaga na bumibili ng street foods. Pagkatapos ilagay ng tindero sa disposable cups ang mga binili niya ay nag bayad agad ang dalaga at niyaya niya si Thomas na maghanap ng  mauupuan. Nakakita naman sila agad ng mauupuan. Pagkaupo na pagkaupo ng dalaga ay  sinimulan niya agad tumusok ng kwek kwek  at sinubo agad ito.  Habang si Thomas ay nakatingin lang sa kanya. ''You don't like to eat?'' tanong ni Franceska sa lalaking nakatingin lang sa kanya. Hindi sumagot ang lalaki kaya tumusok muli si Franceska ng kwek kwek at sinubukang ilapit sa bibig ng lalaki. Akala niya ay hindi nito ibubuka ang bibig nito pero tinanggap nito ang isang piraso ng kwek kwek na sinusubo niya . ''So how was it?'' tanong ni Franceska sa lalaki habang nginunguya nito ang sinubo niyang kwek kwek. ''It's good. It taste like a hard boiled egg.'' sagot nito. Natawa naman ang dalaga sa reakyon ng lalaki. ''That's a hard boiled egg coated with batter.'' tugon ni Franceska sa lalaki. ''Are you serious?'' tanong ng lalaki. ''Yeah.'' tugon naman niya at muling sumubo ng kwek kwek. ''Well, it's delicious.'' manghang tugon ng lalaki. Pinatikim pa ni Franceska kay Grey ang fish ball at kikiam na binili niya, at tulad ng unang naging reaksyon nito sa kwek kwek ay nasarapan din ito.  Akala ni Franceska ay hindi niya mapapakain ng mga ganung uri  ng pagkain dahil foreigner nga ito pero hindi ito maselan katulad ng ibang dayuhan. Habang kumakain sila ay nagkukwentuhan sila ng lalaki. Madaming alam na nakakatawang kwento ang lalaki, bagay na ikinatutuwa ng dalaga. Pagkatapos nilang kainin ang mga binili niya ay naglakad silang muli para mabilis silang matunawan. Ilang sandali pa silang nag lakad lakad ng mapag desisyunan nilang  bumalik na sa kotse at humanap ulit ng ibang lugar na papasyalan nila ng lalaki. Nag ikot-ikot lang sila nang biglang may maalala si Franceska na pwedeng pagdalhan sa lalaki upang matikman pa nito ang ibang street foods. Pumunta sila sa Quezon City, Metro Manila sa tapat ng UP  kung saan doon ang isang sikat na tindahan ng isaw. Binabay nila ang daan papuntang UP,  at di naman sila nagtagal at narating nila ang lugar. Naghanap si Franceska ng lugar kung saan siya pwedeng mag park ng kotse. Sakto namang may kaaalis lang na kotse kaya hindi siya nahirapang maghanap ng espasyo. Pinarada ni Franceska ang kotse at niyaya ang lalaki na lumabas.  Where are we?'' tanong ni Grey. ''Where here in Quezon City, In front of University of the Philippines.'' sagot ni Franceska. ''Is this you school?'' tanong nito. ''Nope. Where here to the most popular  ihawan.'' sagot ni Franceska. ''Ihawan?'' nagtatakang tanong ng lalaki. ''Oh, ihawan means, grilling.'' paliwanag niya. ''What are we doing here?'' muling tanong ng lalaki habang nakatingin lang ito sa paligid. ''Where going to eat barbeque here.'' tugon niya. ''Oh, that's nice. I love barbeque.''  tugon naman ng binata na nakangiti sa kanya. Lihim na natawa si Franceska dahil hindi alam ng lalaki kung anong klaseng barbeque ang tinutukoy niya. Pagdating nila sa pwesto ni Mang Larry, ang siyang may ari ng sikat na ihawan sa UP ay tumingin agad si Franceska ng ipapaihaw rito. Nilingon ni Franceska ang lalaking kasama ng makita niya kung ano ang ekspresyon ng mukha nito. Natawa ang dalaga dahil hindi lang nakakunot ang noo nito kundi salubong din ang mga kilay. Nakaagaw agad ng atensyon si Grey sa mga ibang bumibili sa ihawan na iyon hindi dahil sa ekspresyon ng mukha nito kundi dahil sa may itsura ang lalaki.  Nakatingin sa kanila ang ibang bumibili pero hinayaan lamang ni Franceska ito. ''Hey, are you okay?'' tanong ni Franceska. ''Yeah. But I thought we're going to eat barbeque. But What are they?'' tanong nito na itinuro ang iba't ibang klase ng barbeque. ''Oh, I'll explain it to you later. But let's just order first okay.'' tugon ni Franceska sa lalaki. ''Okay  then.'' sagot nito na mukhang napilitan lang ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD