Pagtapos namin kumain ng dinner, bumalik na kami sa room namin. Habang naliligo ako, siya naman ay may mga kausap sa laptop niya pero hindi alam kung sino at para saan. Saktong pagtapos ko kasi ay natapos na rin sila at siya naman ang naligo. Humiga ako at hinintay siya habang nakikipag-chat ako sa mga kaibigan ko. Biglang tumunog ang cellphone nitong nakapatong sa side table. Tumingin ako sa pinto ng bathroom bago muling sinulyapan ang phone nito. Dahan-dahan akong naupo at sinilip kung sino ang tumatawag. Agad akong napasimangot nang makita ang pangalan ni Ms. Geneva sa screen. Nag-aalangan ako kung ano ang dapat kong gawin doon. Kung ipapaalam ko ba sa kaniya na may tumatawag o hahayaan ko na lang na manawa siya. Sa huli hinayaan ko na lang hanggang sa matapos ang pag-ring niyon. Hin

