bc

My Professor's Secret Admirer

book_age18+
3.1K
FOLLOW
31.5K
READ
forbidden
teacherxstudent
second chance
sweet
bxg
lighthearted
campus
city
virgin
teacher
like
intro-logo
Blurb

Si Hana ay isang college student na nagkagusto sa kaniyang snob and strict professor na si Lance.

Sinabi niya sa sarili na gagawin niya ang lahat mapansin lang siya nito.

Pero paano niya gagawin 'yon kung mailap ito at parang iniiwasan siya?

Kaya naman nakaisip si Hana ng paraan para lihim na ligawan ito.

Ang maging secret admirer ng kaniyang professor.

Makakamit niya ba ang pinapangarap na atensyon ni Sir?

Sabay-sabay tayong kiligin, tumawa, umiyak, masaktan at ma-inlove sa kwento ni Hana at ng kaniyang professor na si Lance.

chap-preview
Free preview
Chapter 1. First Day
First day of class kaya excited akong bumangon at agad naligo. Matapos magbihis ay nag-apply ko ng kaunting liptint. Bumaba ako at dumiretso sa kusina dahil narinig ko na ang boses nila Mommy at ng kapatid kong maingay sa dining area. "Good morning, Mom, Dad," I greeted them and kissed them on their cheeks. "Good morning, Sweetie. Mabuti naman at nagising ka nang maaga ngayon. Naunahan mo ang paggising sa'yo ni Manang Ester," Mommy said. "Yes, Mom. First day of class today kaya maaga rin akong natulog," nakangiti kong sabi, kumuha ako ng spam, egg at fried rice. "Oh, dagdagan mo pa 'yan, Anak. For sure, It would be a very busy day for the both of you," ani ni Dad sa aming dalawa ni Harvey. First year high school pa lang si Harvey sa Maxville High na katabi lang ng Maxville University habang ako ay second year college na this school year. Business management ang kinuha kong kurso dahil 'yon ang gusto nila Mom and Dad. Dalawa lang kami ng nakababata kong kapatid na si Harvey kaya ako ang inaasahan nila na magpapatakbo ng restaurant chain namin 'pag nag-retire na ang parents namin. It's fine with me dahil gusto kong sundin sila kahit minsan. Pasaway kasi ako at madalas sa mga bar, mahilig akong pumunta sa party kasama ang mga kaibigan ko. Minsan nga tumatakas pa ako dahil alam kong hindi nila ako papayagan umalis ng gabi. "Huwag na po. Ang taba na po ni Ate, Dad," sabat ng kapatid ko. Aba't ang aga-aga nagsisimula na ng away 'tong kutong lupa na 'to, ah. Ang sexy ko kaya! Pinaningkitan ko lang ito ng mga mata. "Tama na 'yan, kayo talagang dalawa kapag nagkikita puro asaran. Bilisan n'yo kumain, baka ma-late pa kayo," paalala ni Mom. Si Dad naman ay sanay na kaya pangiti-ngiti lang sa aming dalawa. Nang matapos kumain agad na kaming sumakay sa kotse kung saan naghihintay ang driver namin na si Mang Nestor, ang asawa ni Manang Ester. Bata pa lang ako sila na ang kasambahay namin dito sa bahay kaya parang kapamilya na rin ang turing namin sa kanila. Paghinto ng sasakyan sa tapat ng school nila Harvey ay agad na rin akong bumaba dahil katabi lang din nito ang campus. "Bye, Ate kong pangit!" paalam ni Harvey, tumawa ito at tumakbo papasok sa loob ng school n'ya. Napailing na lang ako at nagsimula na rin lumakad papasok sa gate. Tumingin ako sa langit at nakangiting pumikit. Ninanamnam ko ang kaunting hangin at sikat ng araw na hindi pa gaanong mainit sa balat. Ang sarap sa pakiramdam. "Hana! I missed you!" agad na bati sa akin ni Jona pagpasok ko ng bagong classroom namin. Si Jona ang bff ko since high school. "Hi, Jona! I missed you too. How's your vacation?" tanong ko matapos kami magyakapan at besohan. Tumabi na ako sa kan'ya sa unahan. "Okay naman. Masaya, very relaxing sa province. Ikaw? Saan kayo nagpunta?" balik tanong niya sa 'kin. "Kaya naman pala 'di ka nakakatawag or chat masyado. Wala, busy kasi sina Mom and Dad. Next time na lang daw kami mag-travel," nakasimangot ko pang sagot. "Oo nga! ang hina kasi ng signal sa rest house nila Lolo sa Iloilo eh!" "Teka, ano nga bang first subject natin ngayon?" tanong ko at kinuha ang phone mula sa bag para i-check, "Ahh Management. Lance Del Mundo?" kunot-noo kong sabi. "Ah oo, ngayon ko pa lang narinig ang pangalan ng Prof na 'yon. Sana naman hindi terror." "Good morning, Students!" Napaangat ako ng tingin sa nagsalita na 'di ko namalayang dumating. Kumalat sa buong klase ang pabangong gamit niya. At sa hindi maipaliwanag na dahilan, biglang bumilis ang t***k ng puso ko at natulala ako sa taong nakatayo sa harap ng klase. Isang guwapo, ay hindi, kun'di sobrang guwapo na lalaki ang nasa harapan ko ngayon. Napakalinis niyang tingnan sa white long sleeves na naka tuck-in sa black jeans. Ayos na ayos din ang buhok nito na naka brush-up. Idagdag pa ang magandang pangangatawan nito na bakat sa suot nitong damit. May asawa na kaya siya or girlfriend? Sana wala. Bulong ng isip ko habang titig na titig pa rin ako sa guwapong nilalang. "I'm Lance Del Mundo and I will be your Management Professor," pagpapakilala nito. His baritone and manly voice suited up my system. Ang sarap pakinggan. Lalaking-lalaki. "Before we start the discussion, I wanted to let you know my two rules inside this class. First, if you're late, you are considered absent. Second, you are not allowed to use mobile phones while I'm here inside this room. Are we clear?" maawtoridad na anunsyo nito. Naramdaman ko ang pasimpleng pagsiko sa 'kin ng katabi kong si Jona kaya wala sa sariling napatingin ako sa kan'ya. Pinanlakihan niya ng mata ang hawak kong phone at sunod na ngumuso na tila itinuturo ang nagpakilalang professor kaya ibinalik ko ang tingin sa guwapong lalaki sa harapan. Nang ma-realize ko ang ibig ipahiwatig ni Jona ay agad kong tinago ang phone sa bag ko. "S-sorry, Sir," mahinang paumanhin ko at napayuko nang mapansing nasa phone ko pala ang atensyon nito. "Are you listening, Miss?" masungit nitong tanong. Muli akong napa-angat ng tingin dito. "Y-yes Sir!" mabilis kong sagot. Ang malas naman. Unang kita pa lang napahiya na 'ko! "I will check the attendance first." Pumunta ito sa harap ng table niya at naupo nang bahagya sa mesa. Titig na titig ako sa kan'ya habang nagtatawag ito ng mga pangalan at 'di ko maiwasan na pagmasdan ang kabuuan niya. Mula sa matangos nitong ilong, mapupulang labi, malapad na balikat at dibdib, pababa hanggang sa mga hita nito. "Dela Fuente, Hana," tawag ni Sir sa pangalan ko. Napapitlag ako sa gulat. "P-po? P-present po, S-sir!" mabilis kong sagot dahil ayoko na mapahiya ulit pero nautal naman ako! Napangiwi ako. Nakita niya kaya ako nakatingin 'don? Hindi naman siguro. Ilang segundo pa kaming nagkatinginan bago ito muling tumingin sa hawak na papel. Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko at pag-init ng pisngi ko sa mga sandaling iyon. Buong oras ng pagtuturo ni sir ay nakatitig lang ako sa kan'ya at hanggang matapos ang klase namin ay parang lutang pa rin ako. Ramdam ko naman ang kabog sa dibdib ko. "Oh my gosh! Ang pogi ni Sir!" tili ng isa naming kaklase nang matapos ang klase. Sumang-ayon din naman ang iba habang kinikilig pa. "Hoy, Hana! Ano ba nangyayari sa'yo d'yan? Okay ka lang ba? ha?" Narinig kong tanong ni Jona at pumitik pa sa hangin sa tapat ng mukha ko kaya napatingin na 'ko sa kanya. "H-ha? Bakit?" Maang kong tanong. "Kanina ka pa wala sa sarili, eh. Napapansin ka tuloy ni Sir. May problema ka ba?" sunod-sunod na tanong nito. "Oo malaking problema..." mahinang sambit ko. "Huh?" "Jona, in love na 'ata ako," tila nananaginip nang gising na sambit ko. "Ano?! Kanino naman?" kunot-noo pa rin na tanong nito. "Kay Sir Lance. Professor talaga natin siya? Bakit parang model na lumabas sa isang magazine?" "Oo Prof natin 'yon, gaga. Anong in love sinasabi mo d'yan? Umayos ka nga!" "Bakit? Bawal ba magkagusto sa Prof?" napasimangot ako sa sinabi niya. "Bawal!" mabilis nitong tugon. "Hindi mo ba nakita? Sobrang pogi at hot niya. Para siyang hulog ng langit para sa 'kin," saad ko at ngumiti nang matamis sa kawalan. "Nakita ko nga, pero hello? Prof natin siya at isa pa, ngayon lang natin nakita si Sir. In love agad-agad? Gusto mo batukan kita?" "Ah, basta! Crush ko na siya!" pinal kong sagot. Hanggang sa makauwi ng bahay hindi na nawala sa isip ko ang bago naming Professor. Excited na 'kong pumasok ulit para makita siya. "How's school, sweetie? You look so happy," nakangiting tanong sa akin ni Mom habang kumakain kami ng dinner. "Okay lang po, Mom. Excited lang po kasi second year na 'ko at excited sa mga bagong friends na makikilala," palusot ko. "That's good, Sweetheart. But don't forget kung ano ang lagi namin paalala ng Mommy mo, no boyfriends muna," sabat ni Dad. "Yes, Dad," mahina kong sagot at ngumiti sa kanila. Wala naman talaga sa isip ko ang magkaroon ng boyfriend. Unless si Sir Lance 'yon. Napahagikhik ako sa naisip. "Don't worry po, Daddy. Isusumbong ko kapag nakita ko si Ate may boyfriend," singit naman ng madaldal kong kapatid. Inirapan ko lang siya na ikinangisi nito. Humiga na 'ko after mag-shower. Kinuha ko ang phone at naisipan i-search ang social media accounts ni Sir. Nag-type ako sa search bar ng 'Lance Del Mundo'. May lumabas doon at tiningnan ko ang profile. Gotcha! Siya nga ito! Kaya lang napanguso ako dahil masyadong private. Wala akong makita kahit ano maliban sa profile pictue niya na mukhang kuha sa isang event. Pinindot ko na lang din ang add as friend.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.2K
bc

His Obsession

read
104.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.1K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook