Excited akong pumasok kaya maaga pa lang nakabihis na 'ko.
Habang naglalakad papasok ng gate ay natigilan ako dahil nakita ko sa 'di kalayuan ng parking lot na lumabas si Sir Lance sa isang magarang itim na sasakyan.
Binilisan ko ang lakad para maunahan ko siya. Naalala ko na bawal ma-late sa klase at para na rin mabati ko siya.
Nang makarating ako sa hagdan 'tsaka ko binagalan ang lakad ko para hintayin ito. Maya maya lumingon ako para makita kung nasa likod ko na siya at 'di nga ako nagkamali.
"Hi, Sir! Good morning po!" masigla kong bati rito at inilabas ang pinakamaganda kong ngiti. Pinakita ko ang pang-commercial ng toothpaste kong mga ngipin.
Napansin kong natigilan nang bahagya si Sir nang makita ako. Ilang segundo itong nakatingin lang sa 'kin bago ito tumango at 'di man lang nagsalita at nauna nang maglakad.
Unti-unting naglaho ang ngiti ko. Ang seryoso naman no'n. Hindi man lang sumagot o kahit ngiti wala rin?
Pero hindi ako sumuko at agad akong lumakad nang mabilis para mahabol siya.
"Sir, wait!" medyo malakas na sabi ko kaya napalingon din sa amin ang mga estudyante na nakatambay sa hallway.
"Uy si Sir, Hi Sir! Ang guwapo!"
"Good morning Sir!"
Mga narinig kong bati ng mga kapwa ko estudyante kay Sir, pero tulad kanina tumango lang si Sir nang walang ibang ekspresyon sa mukha.
Lumakad ako kasabay niya nang maabutan ko ito. "Ah, Sir.. matagal ka na po ba rito? Ngayon lang po kasi kita nakita dito sa Maxville, eh."
Nakita kong gumalaw ang Adam's apple nito pero 'di niya ako pinansin o nilingon man lang hanggang sa makarating kami sa classroom.
Sungit!
Nagtakbuhan ang mga kaklase ko papasok sa room pagkakita kay Sir. Natawa ako sa kanila. Para silang mga takot na takot.
"Ms. Dela Fuente pumasok ka na," utos nito.
Natigil ako sa pagtawa nang marinig ko ang boses ni Sir.
"Y-yes, Sir." Sagot ko at nagmadali na 'kong pumasok sa loob ng classroom.
Bigla akong nakaramdam ng kilig nang maisip kong natatandaan niya pala ako.
"Good morning, Sir!" sabay-sabay na bati ng mga kaklase ko.
"Listen, I forgot to tell you my third rule. All of you are not allowed to talk to me outside the classroom unless it is related to this subject. Do you understand, Class?" anunsyo nito sa istriktong boses.
Bahagya akong nagulat sa sinabi ni Sir. What?! No! Paano ko siya kakausapin at paano ako mapapalapit sa kan'ya? May rule ba na gano'n?
Pauwi na kami ni Jona pero iniisip ko pa rin ang gagawin paano ako magiging close kay Sir.
"Hoy, Hana! Nakikinig ka ba? Kanina pa 'ko salita nang salita 'di ka naman 'ata nakikinig eh!" reklamo ni Jona kaya nilingon ko siya.
"Sorry, ano nga ulit 'yon?"
"Sabi ko sa Saturday na 'yong despedida party ni Trina, sabay ba tayo pupunta?" tanong nito.
Oo nga pala! Nag-text si Trina, ang classmate namin noong high school. Sa ibang school siya nag-aral ng college at ngayon nga ay magma-migrate na sila ng family niya sa New York kaya hindi p'wedeng hindi kami pupunta sa despedida party niya kasama ang mga ilang high school friends namin.
"Ah, sabay na lang tayo. Daanan mo 'ko sa bahay, siguradong hindi ako papayagan nila Mommy, eh." Ayaw kasi nila na nagpupunta ako sa mga bar. Delikado raw para sa 'kin lalo na babae ako kaya madalas tumatakas lang ako.
"Tingnan mo 'to. Try mo pa rin magpaalam para 'di ka mapagalitan. Pero sige, dadaanan pa rin kita," sabi nito.
Kanina pa ko paikot-ikot sa kama dahil hindi ako makatulog. I really can't stop thinking of him. Ngayon lang ako humanga nang ganito sa isang lalaki.
Kahit masungit ito at parang hindi marunong ngumiti ay okay lang. Mas lalo ko pa nga ito gustong makilala at makuha ang loob nito.
Is this what they called love at first sight? Hindi ako sigurado. Baka naman crush ko lang?
Paano ko ba sisimulan? Hindi ko naman puwedeng kulitin si Sir at baka magalit pa sa 'kin 'yon. Bigyan ko kaya ng love letter? Kaya lang baka hindi niya tanggapin o basahin man lang!
Ilang minuto akong nag-isip hanggang sa isang ideya ang pumasok sa isip ko. Parang may bombilya na umilaw at napangiti ako sa naisip.
***
Nagpunta ako sa faculty para gawin ang plano ko. Sumilip ako sa maliit na salamin sa pinto para makita ang loob pero may mga ilang professor doon.
Anong sasabihin ko sa kanila kapag tinanong nila ako kung anong kailangan ko? Mukhang wrong timing ang pagpunta ko.
Bagsak ang balikat na tumalikod ako para bumalik na sana sa classroom kaso nabunggo ako sa isang bulto ng tao na may matigas na dibdib. Napasinghap ako sa gulat at muntik na 'ko ma-out of balance pero mabuti na lang at maagap nito akong nahawakan sa baywang at likod ko.
Nag-angat ako ng tingin at ganoon na lang ang gulat ko nang makita kung sino ang nasa harapan ko ngayon. Parang tumigil ang mundo ko habang naka-bend ako at nakasalo ang matigas niyang braso sa baywang ko. Kapwa kami nakatingin sa mata ng isa't-isa na tila may binabasa kami roon. Hindi ko alam kung ilang minuto kami sa ganoong posisyon bago ko narinig ang pagtikhim nito. Kunot ang noo nito at nakatingin sa 'kin.
"S-sir, s-sorry po!" natataranta kong paghingi ng paumanhin. Nagugulo ang sistema ko sa mabangong amoy nito.
"What are you doing here, Ms. Dela Fuente?" tanong nito at dahan-dahan niya akong binitiwan.
Parang nakaramdam ako ng panghihinayang nang bitiwan niya 'ko. Parang ang sarap lang makulong sa mga bisig niya habang buhay. Teka, ano ba 'tong iniisip ko?
"Ahm... Sir, m-may hinahanap lang po ako. Si sir... Sir Antonio! Tama!" nabubulol na palusot ko sa kaniya. Si Mr. Antonio ang professor namin sa Economics.
"I'll tell him nandito ka. Just wait here."
Hindi na 'ko nakatanggi dahil agad na itong pumasok sa loob ng faculty room.
Kinabahan ako bigla. Hala! Ano namang sasabihin ko kay Sir Antonio?
Ilang segundo lang at bumukas ulit ang pinto at sinabihan ako ni Sir Lance na puwede na 'kong pumasok. Pumasok nga ako nang dahan-dahan at nakita ko si Sir Lance na umupo sa kan'yang puwesto sa bandang gitna.
"Oh, Ms. Dela fuente. Hinahanap mo raw ako? Anong kailangan mo?" agad tanong ni Sir Antonio sa 'kin.
Mabuti na lang at medyo close kami ni Sir dahil mabait at palabiro ito kahit nasa edad mid 40's na siya. Professor ko na rin siya no'ng first year pa lang.
"Hi, Sir. A-ano po nawala po kasi 'yong hand out ko na binigay niyo kahapon. Nahulog po 'ata. Hihingi po sana ako ulit." Napangiwi ako sa kasinungalingan ko. Sana maniwala!
"Ikaw talaga! Bakit mo naman kasi winala? Siguro gumala na naman kayo after school, ano?" pabirong tanong ni Sir sa 'kin.
Napangiwi ako lalo at pasimpleng tiningnan si Sir Lance. Nakita kong seryoso lang siyang nakatingin sa laptop niya bago ako muling tumingin kay Sir Antonio.
"Hindi po, Sir! Hindi ko nga po alam, eh. Baka nilipad po ng hangin. Sorry po talaga!" Napakagat ako ng ibabang labi. Si Sir naman, eh. Nilalaglag pa 'ko.
"Kung hindi ka lang malakas sa 'kin aba'y pababayaan kita riyan tutal pabaya ka rin sa gamit," pabirong sermon pa nito at kumuha ng extra copy ng lesson niya.
Masusugat na 'ata ang labi ko sa diin ng pagkagat ko dahil sa hiya. Wow! Kailan pa ba ako natutong mahiya?
"Oh eto, see you tomorrow!" sabi ni Sir at inabot sa akin ang papel.
"Thank you, Sir! The best ka talaga! Bye po!" pambobola ko pa kay Sir Antonio at sabay talikod pero nahinto rin nang marinig kong muling nagsalita ito.
"Kung the best ako ay baka magselos si Sir Lance mo niyan. Hindi ba professor niyo rin siya? Lagot ka, oh. Narinig ka," biro nito at tumawa nang matapos sabihin iyon. Minsan talaga pang-asar din 'to si Sir Antonio, eh.
I absentmindedly looked at Sir Lance at nakita kong tumaas nang bahagya ang isang sulok ng labi nito sa sinabi ni Sir Antonio.
Did he just smirked? Oh my gosh! Mas lalong guwapo pala ito kapag ngumiti. Si Sir Lance naman talaga ang the best, eh. The best sa puso ko!
"Si Sir Lance po? Syempre the best din po siya. Favorite ko nga po siya, eh. Bye Sir!" malawak ang ngiti na paalam ko rin kay Sir Lance at nag-thumbs up pa ako rito at kumindat na mukhang ikinagulat niya.
Tumawa si Sir Antonio sa ginawa ko. Lumabas ako agad at noon lang ako tila nakahinga nang maluwag.
Kahit hindi ko nagawa ang tunay na pakay ay masaya ako na nagkaroon ako ng kahit kaunting interaction sa kaniya. I even saw him smiled for the first time kahit tipid pa iyon.
Kinabukasan muli kong sinubukan mag-iwan ng note sa faculty. Sumilip ako sa glass window ng pintuan at natuwa ako nang makitang walang tao.
Mabilis akong pumasok at nilapitan ang table ni Sir kung saan ko siya nakitang naupo kahapon. Dinikit ko ang pink sticky note sa table niya. Napangiti ako at mabilis na lumabas para bumalik sa classroom ko. I was excited na makita ni Sir yung note sa table niya.
Anong kayang magiging reaction niya?