Nandito ulit kami sa 6th floor. Kapag may libreng oras at may pagkakataon dito na lang kami nagpapalipas ng oras para walang makakakita sa amin. He was busy typing on his laptop na nakapatong sa table na para sa professor habang ako ay nagre-review sa tabi niya. I stopped reading and watched him instead. Iyong Professor na strict at hindi namin basta-basta nakakausap noon, heto at dito gumagawa ng lecture sa bakanteng classroom sa halip na sa faculty room na 'di hamak na mas komportable. Hindi ako makapaniwalang gagawin niya ang mga bagay na 'to. Hindi ko akalaing mag-a-adjust siya para lang makasama ako. Pero kahit ganito ang set-up namin masaya pa rin ako na nakakagawa kami ng paraan para maglaan ng oras sa isa't-isa. "Why?" tanong nito. Marahil napansin niya na nakatingin lang ako

