Paglabas ko ng silid niya naabutan ko si Sir na nakaharap sa glass wall. Nakatingin sa labas na tila malalim ang iniisip. Napansin ko rin ang hawak niyang baso na may alak. Marahil naramdaman niya ang presensiya ko kaya lumingon siya. "The rain has stopped. I will send you home." Bahagyang kumunot ang noo ko sa tono at lamig ng boses niya. Nagtataka man ay tumango ako. Nilapag niya ang basong hawak sa center table kaya kinuha ko na rin ang bag ko mula sa couch. Tahimik lang kaming dalawa sa loob ng elevator hanggang sa makarating kami basement. Inabot ng guard ang susi ko kay Sir. Sinundan ko lang siya sa paglalakad. Hindi ko alam kung anong iisipin ng mga oras na 'yon dahil wala pa rin siyang sinasabi. Nakita ko sa 'di kalayuan ang sasakyan ko at sabay namin nilapitan 'yon. Nagtaka

