Chapter 79

2218 Words

Buong oras na nasa operating room siya hindi ako napakali. Palakad-lakad ako hanggang sa pigilan ako ni Mommy at pinaupo. Parang ako ang nasasaktan nang makita ko kanina ang tama ng baril sa likod niya at kung paano lumabas ang masaganang dugo mula ro'n. Hindi na kami naghintay ng ambulansya at kami na mismo ang nagtakbo sa kaniya sa hospital. "Kumalma ka nga. Malayo sa bituka ang tama niya," wika ni Alfred. Binigyan ko lang ito nang malungkot na tingin. Halos dalawang oras din ang lumipas bago namin nakausap ang doktor at dinala na siya sa private room. Naupo muna ako sa labas ng silid niya kasama sina Mommy para maghintay kahit gustong-gusto ko na siyang lapitan pero kinakausap pa ito ng mga pulis kasama sina Mr. and Mrs. Del Mundo. Maya maya lumabas ang mga pulis at mukhng paalis na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD