Hindi ko alam kung sino si Jia na tinutukoy niya pero nagpatianod na lang ako hanggang makarating kami sa isang school. Pinapasok kami ng guard at itinuro nito ang direksyon patungo sa school clinic. Pagdating doon ay agad nitong nilapitan ang isang batang babae na nakahiga sa kama. Sa tantiya ko ay nasa 11 or 12 years old ito. "Kuya!" agad naman tawag ng bata rito. Napamaang ako sa narinig. Kuya? Nanatili akong nakatayo sa 'di kalayuan at pinagmasdan ko ang mga ito. Pamilyar ang mukha niya at parang nakita ko na dati. Bigla ko namang naaalala 'yong party nina Ninong at Ninang. Siya nga iyon. May kapatid pala si Sir Lance. Hindi sila gaanong magkamukha dahil may pagka-chinita ang bata pero parehas matangos ang ilong at dark brown ang mga mata nila. Napakagandang bata rin nito. Cute at

