Part 38

3526 Words
Nakakapanibago pa rin kapag may boyfriend na. Required pala yung good morning at goodnight message na mahaba. Palagi kasing nagsesend si Teejay saken pag umaga at bago kami matulog. Ang sarap sa feeling ng inlove. Pero bakit kailangan pa ng manggugulo. Sinunod ko lang gusto ni Teejay na kapag may nanggugulo, ngumiti na lang at wag pansinin. Hindi naman ako hinahayaang maging malungkot ni Teejay. Kapag nalaman niyang may nang aaway saken bigla na lang niya akong yayakapin tapos hahalikan sa noo. Tapos parang okay na ako, si Teejay lang talaga nakakagawa nun saken. "Nakatulala ka na naman BB!!" tapik saken ni Marco. "Hehe sorry" sagot ko na lang. "Ano iniisip mo na naman sila Cara? Leche yung babaitang yun eh nakakabwisit" singit ni Marco. Nagpaalam kasi ako kay Teejay na lalabas kami ni Marco, kaming dalawa lang. Nagpaalam din si Marco kay David kaya naman solo nameng dalawa ang araw. Pero kanina, nakasalubong ko na naman yung squad ni Cara at Kim sa mall. Mukhang nagshopping silang lahat. Nakakainis lang kasi si Kim, kamukhang kamukha ni Kurt kaso baklang bakla na. Nung napansin naman kami nila Cara, lumapit sila samen. "Sino naman nagpapasok sainyo dito sa mall?" Mataray na sabi ni Cara. "Yung guard, boba ka ba" mataray din na sagot ni Marco. Lalaking lalaki to si Marco sa ibang tao eh, saken lang naman to nagiging bakla. "Alam mo di ko na talaga alam kung sinong tunay na lalaki. Gosh" maarteng sabi ni Cara. "He he. Check mo daddy mo nextime, baka ganun din haha" sabi naman ni Marco. Mukhang naasar si Cara kasi alam kong kinikilala niyang daddy  si Tito Cielo na sumama rin sa katulad namen. "Una sa lahat, Hindi kita kinakausap, kaya wag kang sumabat diyan" hawak ni Cara sa may kwelyo ni Marco at inayos yun. Grabeng tarayan nangyayari ngayon. Yung mga kasama naman nila sa likod, nakatingin lang samen. Mukhang gusto rin sumingit ni Kim sa tarayan pero di siya makatyempo. "Hehe, una din sa lahat, I speak for my bestfriend" "Ohhh, you're like his utusan ganun? Hahaha" sabi ni Cara. "Haha no b***h, I'm like your worst nightmare. Kaya if you don't mind, umalis ka na sa harapan namen at baka makita mo na lang sarili mo na nakalublob sa pond sa labas" nasa Trinoma kasi kami ngayon. "Ohhhh I'm scared hahaha" "You better be" maangas na sabi ni Marco. Grabe yung tensyon sa pagitan nila, nakakadala. "Okay, let's go girls. Baka kung ano pa magawa ko rito" sabi ni Cara Pero pinigilan niya si Cara. "No, b***h. Kami ang aalis at baka kung anong magawa ko sayo" kinuha ni Marco yung braso ko at binangga si Cara ng di lumilingon. Grabe, ang taray ni Marco. Nakakatakot. "Haha ganun mag taray BB, try mo minsan ng hindi ka inaapi" sabi ni Marco saken habang naglalakad kami palayo. "Nako, sabi kasi ni Teejay wag ko daw patulan yung mga yun" sabi ko. "Nako, kahit naman di sinabi ni Teejay yan siguradong di mo gagawin, duwag ka kaya Hello" pang aasar niya. "Hindi kaya" "Oo kaya. Kung di ka duwag edi sana di ka inaapi api ng Kim na yan noon pa. Nako, nextime tuturuan kita kung paano mag taray!" Sabi niya pa. "Baliw di ko kailangan nun haha" sabi ko. Pero kahit sinabi ko yun, tuloy pa rin siya sa pagbibigay ng tip saken. Tawa ako ng tawa kasi puro kaokrayan. Habang naglalakad, napagpasyahan nameng manuod ng sine. Pero kanina ko pa napapansin na parang may sumusunod samen. "Napansin mo rin BB?" Sabi ni Marco. "Yung sumusunod? Oo kanina pa nga eh" sabi ko. Mukhang eto yung balak nila Cara, yung pasundan kami kahit saan kami pumunta. "Hayaan mo na BB, enjoyin natin araw natin" sabi pa ni Marco. Bumili kami ng ticket at pagkain at pumasok sa sinehan. Napansin din namen na pumasok yung dalawang lalaki na sumusunod samen. Di namen makita yung mukha, nakasumbrero kasi tapos naka hoodie pa na jacket. Kahit wala namang araw, naka shades sa loob ng mall. Medyo bigotilyo din. Baka assuming lang kami na sinusundan kami kaya di na namen masyadong pinansin. Masaya kaming nanuod ng sine ni Marco. Pelikula ni Vice sa MMFF. Sobrang nakakatawa at nakakawala ng bwisit. Lumabas kaming tawa ng tawa ni Marco. Since marami ring tao, nawala na sa paningin ko yung sumusunod na lalaki samen. "Saan mo gusto kumain?" Tanong ni Marco. "Kahit san BB basta mura ah. Lamona, naka budget lang ako haha" "Haha sige" Pumunta kami sa Pizza Hut at dun kumain. Mas malaki ambag ni Marco, pabirthday na daw niya saken. Umorder kami ng malaking pizza at bottomless na juice. "Kumusta ang lovelife? Sabi ko naman sayo masaya lovelife diba?" Bungad ni Marco saken. "Haha oo BB, Sobra. Parang ang sarap gawin lahat ng gawain kasi may inspirasyon" "Ha, told yah!!" "Pero may kinakatakot ako ehh" sabi ko. "Ano naman?" "Di ko pa nasasabi about kay Dom. Paano kung malaman niya na nanliligaw pala saken si Dom noon? Tapos ilang beses din kami nag s*x? Matatanggap niya kaya ako?" Tumingin lang si Marco saken. "Bakit kasi di mo pa sinasabi? Mahirap pag sa iba niya malaman yan, bahala ka" "Eh paano ko ba sasabihin?" "Ganito, lapitan mo siya pag nagkita kayo, tapos sabihin mo, nagsesex kami ni Dom dati pero dati lang yun, hindi na ngayon" "Jusko, ganun ganun lang? Parang nagkekwento lang? Wala man lang kafeelings feelings. Walang emote emote?" Tanong ko. "Wala na!! Jusko, di na uso yun" sabi naman ni Marco. Nakakatawa talaga magsalita to, di nakakaantok. "Ehh paano kung magalit?" Nakita ko namang sumeryoso mukha ni Marco. "Isa sa natutunan ko sa pakikipagrelasyon, yung away, normal lang yan. Diyan mo makikita kung talagang nagmamahalan kayo, kasi kung kaya niyong maging okay after mag away, mahal niyo talaga isa't isa. Minsan kasi di sapat yung sasabihin lang at ipaparamdam, dapat talaga may struggles. Struggles keep the relationship strong. Wag kang matakot kung away kayo ng away, normal yun. Matakot ka kapag hindi na kayo nag aaway kasi hindi na normal yun" paliwanag niya. Medyo sumeryoso si Marco ngayon, at may sense talaga sinabi niya. "Ohhh nakatulala ka na naman saken BB haha. Wag mo na ako tignan, may David na ako" sabi ni Marco habang nakatitig ako sakanya. "Hahaha ano ba BB, hindi tayo talo haha" sabi ko. "Haha oo alam ko. Pero napansin ko lang, alam mo ba pinagkatulad niyo netong juice natin ngayon?" Tanong niya. "Huh? Ano?" "Yung juice natin, bottomless. Ikaw bottom hahahahaha" "Aba nagsalita ang hindi bottom." "Haha eh, nauna akong nagsabi kaya hindi counted saken ahahaha" Grabe, namiss ko yung harutan nameng ganito ni Marco. Nakakamiss siya, palagi na rin kasi silang magkasama ni David, tapos kami ni Teejay. Maya maya, napansin namen na nasa labas ng store yung dalawang lalaki na kanina pa sunod ng sunod samen at kinukuhanan kami ng litrato. "BB, ayan na naman sila" sabi ko kay Marco. "Oo nga eh leche ang creepy ahhh." "Truee, tara na?" "Wait di pa ubos pagkain, ubusin natin to leche mahal mahal neto eh haha" "Haha baliw sige" Inubos namen yung pagkain. Hindi na muna namen pinansin yung dalawang lalaki sa labas. Tinext naman namen yung boyfriends namen para sabihing nageenjoy kami. "Saan tayo sunod?" Tanong ni Marco. "Sa timezone naman tayo" sabi ko. "Haha yesss omg namiss ko yun" Tumayo kami ni Marco at lumabas ng stall, nakita namen yung dalawang lalaki sa kabila na kumakain. "BB ang creey talaga!" Sabi ko. "Hayaan mo, nasa mall naman tayo. Lapit tayo sa guards mamaya kapag lumapit yung dalawang yun saten" sabi naman ni Marco. Tuloy ang masayang date namen ni Marco! Ang dami nameng niload sa card at inubos namen kakalaro. Ang bilis naman namen napagod, kaya pumunta kami sa may private na videokehan at nagkantahan na lang. Since kami lang nasa loob, tuloy ang kwentuhan nameng dalawa. "BB, malaki ba kay Teejay?" Tanong ni Marco. "Haha ano ba BB, bakit ganyan tanong mo haha" "Aba, medyo conservative ka na ngayon ahh" "Haha ehhh kasi..." "Dali na, share mo na saken BB hahaha dati rati pantasya mo lang yan. Ngayon oh,, tignan mo... iyong iyo na!" Napaisip ako, oo nga. Ilang taon ko din naging crush tong si Teejay. Dati pasulyap sulyap, paimagine imagine lang, ngayon, nasaken na. Kami na at nagmamahalan pa kami. "Nako, tumutulala ka na naman diyan ano na??? Dali na kasi...." ang kulit ni Marco kaya sinagot ko na. "Oo ang laki. Super!!" Sabi ko naman. "Hahaha omg, mukhang biggie naman kaai yan si Teejay ehhh" "Haha super big tapos ang galing pa niya!" "Hahaha sht omg??? Sabagay parehas silang magkaibigan. Si David, grabe!! May pa costume costume pa siya. Tapos yung performance? Argh grabe BB, kahit nakapasok na lang sa loob ko forever yung ano niya, go ako!!" Kwento ni Marco. "Haha baliw ka!" "Pero iba kayo, round 5 kayo diba? Hanggang 2 lang kami eh haha" sabi ni Marco. "Haha, ehh yung kay David?? Biggie ba??" Tanong ko naman. "Ayyy BB oo!!! Biggie. Siguro mga 7 inches tapos mataba hahahha" "Hahhahaha kay Teejay lagpas ata 7 tapos mataba rin" "Hahahaha usapang t**i naman tayo ngayon BB hahaha" "Hahaha sinimulan mo kasi ehhh" sabi ko. "Haha pero ang sarap no??" "Super. Dagdag factor kasi mahal ko si Teejay tapos ginagawa nameng pareho yun" "Ayy true. Lalo na kapag hinahalikan ka no? Grabe!" "Ay dabest, pero di ako marunong humalik BB, nakakahiya nga nung una namen ni Teejay eh, basta mapasok ko lang dila ko sa loob haha" sabi ko. "Haha bottomesa ka tapos di mo alam humalik" "First kiss ko nga kasi diba?" "Ayyy oo nga pala!" "Ang sarap sa feeling ng may humahalik sayo" naisip ko na naman yung halikan namen ni Teejay sa rooftop. Ang sarap sarap talaga sa pakiramdam. "Si David, good kisser. Grabe, yung halik palang niya parang lalabasan ka na" "Haha ano ba tong pinaguusapan natin!" Sabi ko. "Haha okay lang yan, tayo lang naman" "Haha sabagay. Pero wala na tayong kanta!! Paload ka uli baka paalisin tayo dito haha" "Haha sige lang BB, wait" tumayo si Marco para magpaload uli. Naiwan naman ako para bantayan pwesto nameng dalawa. Kinuha ko phone ko para itext si Teejay. Wala man lang siyang text kahit isa, pero okay lang. Sabi naman niya sa bahay lang sila ni David at maglalaro ng Xbox. Sinubukan ko siyang tawagan pero hindi niya sinasagot yung tawag. Hindi ko na lang kinulit baka kasi mainis saken. Maya maya, nagulat ako ng makita ko yung dalawang lalaki na palapit sa may pwesto namen ni Marco. Bumilis naman yung t***k ng puso ko. Di ko alam kung lalabas ako oh mag sstay sa loob. Ang tagal naman ni Marco! Nakakaasar. Habang palapit, sumilip muna ako sa labas kung may tao, marami naman kaya di na ako natakot. Mas lumakas naman loob ko nung may nakita akong guard na palapit. Mukhang napansin naman ng dalawang yun yung guard kaya lumayo sila. Buti na lang nakita ko ng palapit si Marco. Kaya bumalik na ako sa pwesto ko at hinintay siya. Pagkatapos nameng mag videoke ni Marco, napagpasyahan na nameng umuwi. Kahit 7 pa lang ng gabi, kasi namimiss na daw niya si David. Sabi ko naman namimiss ko na rin si Teejay. Bago kami umuwi, pumunta muna kaming CR sa may garden, maganda kasi CR dun at konti lang palagi tumatao. Habang umiihi, may narinig kaming pumasok. Shit!!!!! Yung dalawang lalaki na kanina pa sunod ng sunod. Napansin namen ni Marco yun at nagtitigan kami, kumalma lang ako dahil wala naman silang ginagawang masama pero nagulag ako sa ginawa ni Marco!! Biglang sumigaw ng malakas! Hindi yung tili, sumigaw lang na humihingi ng saklolo! Mukhang nataranta naman yung dalawang lalaki kaya dali dali silang lumabas! Sakto naman na may nakasalubong silang guard at naharangan silang dalawa. "Anong problema dito?" Tanong nung guard. "Ayan kuya, kanina pa yan sunod ng sunod samen!" Sabi ni Marco. Ang bilis ng pangyayari, kung ano ano nasasabi ni Marco. Bigla naman tinanggal ng guard yung hoodie nung dalawa at medyo pamilyar yung dalawang to. Nung nagtanggal sila ng shades, mas lalo naman silang pamilyar at nagtawanan kami ni Marco. Si Teejay at David yun! Naka disguise pa at may bigotilyo pang nalalaman. Bigla rin namang tumawa yung dalawa, oo nga si Teejay nga to. Ang gwapo gwapo niya kasi talaga at kahit bigotilyo siya, alam kong siya yun! ++++++ (Bago mahuling si Teejay at David yun) Teejay's POV Kanina pa kami naglalaro ni David sa bahay niya. Alas dose na pero eto kami nakaupo at nakaharap sa TV nila. "Tangina pre di ko akalaing mabuburyo ako dito sa XBox" sabi ko kay David. "Oo nga pre, iba pala hatid ng saya kapag kasama ko si Marco" Ang korny ni David pero naalala ko rin cutie loves ko. Oo, mas gusto ko pa siya kasama kesa maglaro maghapon ng Xbox. "Tara pre. Puntahan natin sila" yaya naman ni David. "Nagpaalam naman ng maayos saken si Anjo, tsaka si Marco naman kasama niya kaya may tiwala ako." "Hindi ko naman sinasabing wala kang tiwala, gusto ko lang makita baby ko" sabi ni David. "Gusto ko rin makita cutie loves ko! Pero baka magalit nga yung mga yun. Tsaka baka isipin nila ang OA natin" sabi ko. Ayokong isipin ni Anjo na wala akong tiwala sakanya. "Ay oo nga pre. Mag disguise na lang tayo!" Yaya niya. "Ay tama pre!!" Wala na akong paki basta gusto ko lang makita si Anjo. Pumunta kami sa kwarto niya at naghanap ng pwedeng ipang disguise. Nagsuot kami ng jacket na may hoodie na gray at shades. Nagsuot din kami ng cap para di halata. "Tangina pre kilala nga kita oh. Maglagay tayo ng bigote" sabi ni David. Naglabas siya ng fake na bigotilyo. "Bakit may ganito ka?" Tanong ko. "Haha secret pre haha" Tumawa na lang din ako, di ko alam kung anong kalokohan tong ginagawa ni David pero sinuot ko na lang din. Ayan, mukha kaming tanga pero okay lang atleast di kami makikilalang dalawa. Pumunta kaagad kami sa Trinoma gamit motor ko na binigay ni Kuya Nic. Una kaming pumunta sa garden. Una nameng nakita sila Cara at mga tropa yang nakakabwisit na naglalakad, mukhang inis na inis. Sa di kalayuan, nakita naman namen si Marco at Anjo na naglalakad din palayo. "Mukhang may away na naganap sakanila oh" sabi ni David nung nakita niya sila Cara. "Oo nga ehh, tara sundan natin sila!" sabi ko naman. Mukhang napapansin naman nila na sumusunod kami, bigla kasing lumingon si Anjo tapos bumulong kay Marco. Grabe, sobrang cute ni Anjo. Namimiss ko na siya kaagad. Gusto ko na siya makasama. Napansin nameng nanuod sila ng sine kaya bumili rin kami ng ticket ni David. "Tangna pre, libre mo to ah wala akong pera haha" sabi ko kay David. "Hahhaa buraot, pero kapag kay Anjo, maraming pera haha" "Pre, nakatingin na naman sila saten" sabi ni Marco sabay talikod nameng dalawa. Pumasok na kami pagkapasok nila. Pumwesto kami malapit sakanila. Buti na lang madilim kaya di na kami nagtago, gusto ko rin mapagmasdan si Anjo. Mas nageenjoy akong panuorin siya sa pagtawa niya. Grabe, nakakainlove talaga siya. Hindi nakakasawa at mas lalo ko pang hinahanap hanap. Lumabas akong nakangiti sa sinehan. Parehas sa movie at sa pagtingin ko kay Anjo. Mukhang masaya rin si David sa ginagawa nameng pag espiya sakanilang dalawa. "Tangna pre ang saya ko ngayong nakikita ko si Marco" sabi ni David. Kita ko sakanya yung saya ngiti na katulad ng saken. Mahal na mahal din neto si Marco ehhh. Pumunta silang dalawa sa Pizza Hut. Wala na daw pera si David kasi pinang sine na namen, kaya sumisilip silip na lang kami sa loob. Iba rin yung sayang dulot ng kaibigan at nakikita ko yun kay Anjo. Ang saya niya kasama si Marco. Kaya nilabas ko yung phone ko para picturan sila. Zinoom ko para mas kita silang dalawa. "Tangna pre nakita ka ni Anjo!!" Sabi ni David sabay hatak saken patagilid. "Bakit mo kasi pincturan?" Inis niyang sabi. Pinakita ko sakanya yung picture at nawala yung inis niya nung nakita niya rin si Marco na masaya habang nakikipagkwentuhan sa cutie loves ko. Napangiti si David. Yung ngiting kinikilig. "Ang swerte ko kay Marco pre. Sobrang maalalahanin tapos ang bait bait. Wala pa kaming dull moment" kwento ni Marco. Naupo kami sa may tabing kainan. Kunwari kumakain. "Ganyan din ako kay Anjo pre, sobrang swerte ko. Patay na patay talaga ako" "Haha tangna ano na nangyayari saten" "Haha, naaalala ko nga si Rick eh. Di na sumasama saten" "Kaya nga pre eh. Namimiss ko na rin yun ehh" "Uy pre palabas na sila!!" Sabi ko kaya nagkunwari kaming kumakain. Para mas effective, kinain talaga namen yung tirang pagkain sa lamesa na iniwan nung mga tumayong pamilya. "Tangna pre kadiri hahhaha" niluwa namen kaagad nung nakaalis na silang dalawa. Tuloy ang paghahabol, pumunta silang timezone at nagpakapagod. Wala ng mas cucute pa sa loves ko, grabe. Ang sarap niyang yakapin sa likod sabay hahalikan ko sa pisngi. Alam kong gusto niya yun eh. Tapos yung hahawakan ko siya sa bewang. Gusto ko lang iparamdam sakanya pagmamahal ko kasi ayaw kong sabihin yung "I love you" palagi, baka kasi magsawa siya. "Pre, nasa videokehan sila. Tara sa gilid baka magkwentuhan sila. Maririnig natin yan" sabi ni David. "Haha loko pre, pero sige tara!" Sabi ko. Paglapit namen sa gilid, naririnig nameng kumakanta si Anjo. Haha ang cute ng boses, wala sa tono pero ayun yung boses na gustong gusto ko mapakinggan palagi. Kinikilig din si David kapag kumakanta si Marco. Napapakurot pa sa braso ko eh. Maya maya, nawala yung pagkanta nila at narinig nameng nag uusap sila. Since, andun lang yung mic, naririnig naman lahat ng yun. "Tangna pre hahahha mas malaki pala yung aken eh haha" sabi ko kay David nung narinig ko pinaguusapan nila. "Hahaha ulol, eh good kisser daw ako? Paano ba yan?" "Haha mas malaki pa rin saken haha" "Haha bakit naman ayan topic ng dalawa! Hahaha" "Haha naalala ko na naman yung halikan namen sa rooftop kung san niya ako sinagot. Grabe pre, sobrang sarap sa pakiramdam" sabi ko kay David. "Grabe din yung pag hahalikan ako ni Marco, di mawala wala sa isip ko" Bago pa ako makasagot, narinig namen na lalabas si Marco para magpaload. Dali dali kaming lumayo ni David. Lumabas si Marco at pumunta sa paloadan. Lumapit naman kami ni David sa videokehan para silipin si Anjo pero mukhang nakahalata. Kaya umalis na lang kaming dalawa at napagpasyahang hintayin sila makauwi. "Grabe, lagot tayo neto kapag malaman nilang sinusundan natin sila" sabi ni David. "Oo nga eh. Tara, okay na akong nakita ko si Anjo" "Haha, oo tara uwi na tayo pre" "Tara" "Ay pre cr muna tayo. Ihing ihi nako eh" Kaya pumunta kami sa CR sa may garden para umihi. Pero nagulat kami na andun sila Anjo at Marco. At mas nagulat kami nung nagsisisigaw si Marco. ++++++ Anjo's POV "Bakit naman kayo nakasuot ng ganyan???" Naglalakad na kami palabas. Nakaakbay saken si Teejay samantalang nakaakbay si David kay Marco. "Idea to ni David" sabi ni Teejay. "Haha walang laglagan pre, idea natin to" sabi ni David. "Haha ewan ko sainyo. Takot na takot na kami, akala namen mga tropa ni Cara sumusunod samen eh!" Sabi naman ni Marco. "Ganun ba kalala si Cara? Haha" tanong ni David. "Di ko rin alam pero hayaan mo na yun. Haha" sabi naman ni Teejay. Bumaba yung hawak ni Teejay at napunta sa bewang ko. Fvck!! Alam na alam niya talaga kahinaan ko, kinikilig ako habang hawak hawak niya ako dun. "Nag enjoy ka ba?" Tanong saken ni Teejay. Grabe, ang gwapo talaga ng boyfriend ko. "Super! Salamat kahit nakabantay kayo hehe" sabi ko. "Di kasi ako sanay eh. Ganun pala feeling kapag di ka man lang nakakausap hays, nakakamiss ka" nagpapacute na naman siya. Nakakagigil talaga kapag nagpapacute to. "Haha sorry," "Hehe joke lang cutie, sorry din ha kung di kami nakatiis." Sabi niya naman. "Okay lang hehe. Okay nga eh, nandito ka na" sabi ko. Ngumiti naman siya saken na parang nagustuhan niya sinabi ko. "Sooooo, malaki pala yung akin ha?" Bulong niya saken. Nagulat ako sa sinabi niya, narinig niya lahat ng pinagusapan namen ni Marco? "Loveeesss!!!!" Sabi ko. "Haha sorry, idea ni David na pakinggan pinaguusapan niyo sa videokehan" sabi ni Teejay. "Hahaha makalaglag ka naman pre" "Hahhaa sorry na pre!!" Sabi naman ni Teejay. Naghaharutan din si Marco at David sa gilid namen. "Haha nakakahiya loves" sabi ko sakanya. "Haha hindi kaya, cute cute mo nga eh." "Maaga pa naman eh! Tara inom muna tayo!" Yaya naman ni Marco. "Haha wala nga kaming pera eh" sabi ni David. Nakwento nila yung nangyari sakanila kanina dito. Tawang tawa kami ni Marco nung kumain sila ng tirang pagkain. "Haha sagot ko!" Sabi ni Marco. May natira pa namang pera saken kaya nag ambag din ako at pumunta kami sa Giligans. Maganda yung view ng kalsada dun, mapayapa para saken. Nakatayo ako at nakatingin sa view, dinadamdam ko yung hangin na humahampas sa katawan ko habang naghihintay ng order. Maya maya naramdaman kong yumakap saken si Teejay sa likod sabay halik sa pisngi ko at bulong na "ang bango bango talaga ng cutie loves ko". Ayan yung mga kahinaan ko talaga, at si Teejay lang nakakagawa nun. Hinawakan ko naman yung kamay niya na nasa bandang tyan ko. "Ang swerte ko sayo Anjo." Sabi niya. "Pogi loves, ilang beses mo ng sinabi saken yan" sabi ko naman. "Hehe, sa tuwing makikita kasi kita, palagi kong naiisip na ang swerte swerte ko sayo. Napaka priceless ng ngiti mo." Ang hot ng bulong niya sa tenga ko. "Ganyan din nararamdaman ko sayo" sabi ko. "Thank you sa lahat cutie. Papasayahin kita sa abot ng makakaya ko" bulong pa niya. Hinawakan ko lang ng mahigpit yung kamay niya bilang sagot. Bigla namang tumugtog yung banda sa giligans ng Runaway by the Corrs. "Haha, para saten ata yang kanta ehh" bulong niya. Pinaharap niya ako sakanya at hinawakan ako sa bewang. Nilapit niya yung katawan ko sa katawan niya at nagsimula siyang sumayaw. Maraming tao sa bar at wala siyang paki kung may nakakakita samen. "I would runawaaaaay with youuuu" kumakanta siya sa tenga ko habang nakayakap ako sakanya. Sobrang sarap sa pakiramdam talaga. Niyakap ko pa siya ng mahigpit na mahigpit. Hanggang sa matapos yung kanta. "Hoy kayong dalawa, andito na alak. Tara na!!" Sigaw ni Marco samen. Tumawa kami ni Teejay at lumapit sakanila habang hawak hawak kamay ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD