Part 39

2605 Words
Masyadong maraming bayarin sa mga susunod na linggo kaya kinailangan ko na naman magpapagod sa bar. Halos 2 weeks na rin akong walang naririnig kay Drew. Medyo nakakamiss din pagka bossy niya. Pagkauwi ko sa bahay galing trabaho, tumambad na naman saken yung napaka duming bahay namen. back to normal na talaga lahat. Mula sa hugasin, hanggang sa kalat sa sala. Pagkatapos kong linisin lahat, umakyat na ako sa kwarto ko at nahiga. Ramdam na ramdam ko pagod ko, pero eto ang perfect time para magcheck ng sss ko. Wow!!! 3000 friend requests at sandamakmak na messages at notifications. Eto pala yung mangyayari kapag alam ng buong school na boyfriend mo ang isang Teejay. Di ko na tinignan lahat at nagcheck na lang ako ng timeline. May pumukaw sa paningin ko na picture namen ni Teejay. Page sa f*******: kung saan ang pangalan ay "Anjo and Teejay Love Story", chineck ko at may 345 na naka like! Grabe! Puro picture namen ni Teejay dun. Mga stolen shots! Grabe! Hanggang social media! Akala ko hanggang sa school lang. Habang busy ako sa pagchecheck, narinig kong may kumakatok sa pinto, pinagbuksan ko naman siya. Si Kurt! Asusual, naka boxer siya ngayon pero naka T Shirt na siya. "Uyy hi" bati ko sakanya. Di naman siya nagsalita pero naglakad siya papasok sa kwarto ko at dumiretso sa kama. "Ahh matutulog na kasi ako Kurt." Sabi ko. "Talaga? Hmmm edi tara, tabi tayo rito" bigla siyang humiga at niyayaya niya ako. Mukha namang nakainom si Kurt dahil sa inaasta niya. "Oh bakit ayaw mo? Sabagay, kayo na nga pala ni Teejay. Pero dati, isang kalabit ko lang sayo papayag ka na makipagsex saken" Di ko alam pero nainis ako sa sinabi niya. Lumapit ako sakanya at hinatak patayo. "Matutulog na ako Kurt" "Hindi Anjo, dito ka muna!" Mas malakas siya. Nahila niya ako papatong sakanya at niyakap niya ako. Amoy alak nga siya, mukhang marami ring nainom. "Anjo dito ka lang, wala na akong ibang malapitan ehhh" niyakap niya ako na parang normal lang. Pero pilit kong kumakawala, masyado lang siyang malakas kaya di ko magawa. "Kurt please, ayokong mag away kami ni Teejay dahil dito. Kakausapin kita pero hindi sa ganitong posisyon" "Buti pa si Teejay. Ang swerte swerte ni Teejay. Si Teejay na palaging nakukuha lahat ng gusto niya, simula sa pagmomodelo, hanggang sa masayang pamilya, pati sa lovelife siya na! Siya na talaga!!" Bigla niya akong tinulak sa kama at bumangon siya. Nanatili akong nakahiga habang pinapanuod ko siyang halos umiyak na. "Ang daya mo kasi Anjo eh, bago ka umalis akala ko okay tayo. Diba nag s*x pa tayo! Akala ko naman tagos sa puso yung s*x natin, hindi pala! Ayun lang pala talaga habol mo saken!!" "Kurt ano ba!! Bakit ba ganyan ka magsalita?" "Ehhh tangna naman kasi Anjo! Bakit si Teejay pa? Bakit hindi ako ha!!" Bigla siyang lumapit saken na at hinawakan ako sa polo ko. Sinandal niya ako sa pader habang gigil na nakahawak saken. "Mahal kita Anjo eh!" Sabi niya saken ng harapan. Napapansin ko ng umiiyak si Kurt. Sinapak niya yung pader habang umiiyak sa dibdib ko. "Umalis lang ako Anjo, sabi ko hintayin mo ko. Wala na pala akong babalikan" Di ko alam kung anong sasabihin ko sakanya. Eto ang ayoko eh, may nasasaktan ako. Paano ako magiging masaya neto. "Kurt, makakahanap...." "Tangina ng makakahanap din ako ng iba Anjo! Ikaw nga gusto ko!!!" Sigaw niya saken. Medyo mahigpit na pagkakahawak niya. "Kurt, masakit na....." "Ano ba gusto mo Anjo? Sabihin mo lang promise ibibigay ko lahat. Kahit ayaw ko, basta para sayo, ibibigay ko pleaseeee" bigla naman siyang lumuhod at nagsimulang umiyak sa may hita ko. "Pleasee Kurt, tumayo ka. Wag ka naman ganyan" "Anjo..... ikaw si superman ko, ikaw lang nakakaintindi saken. Ikaw lang palaging nagpapalakas ng loob ko. Di mo man lang ba natatandaan yun???" Pilit ko pa rin siyang pinapatayo. Di ko naman namamalayan na naiiyak na rin ako. "Sorry talaga Kurt. Tumayo ka na please" Dahan dahan naman siyang tumayo at huminga ng malalim. Inayos niya yung sarili niya sabay ngumiti ng pilit. "Sorry Anjo" ayun lang sinabi niya at tinalikuran na niya ako at lumabas ng pinto. Naiwan ako sa loob na umiiyak. Umiiyak siguro sa mga nasabi niya about saken at sa nararamdaman niya. Ayoko ng ganitong feeling. Ang sakit sakit sa dibdib. Natulog akong iyak ng iyak sa unan ko. ++++ Wala pa rin ako sa mood pag gising ko. Hanggang sa makaligo ako at makabihis, naiisip ko pa rin si Kurt. Ang hirap maging masaya kapag may ibang taong nasasaktan. Bumaba na ako, napansin ko naman si Kim sa kusina kaya di na ako kumain at lumabas na ako kaagad para pumasok. "Good Morning cutie loves!!" Sigaw ni Teejay sa bandang dulo ng kanto. Napansin na siguro niya akong naglalakad papasok. Ang gwapo talaga. Walang kupas. Medyo gumaan naman loob ko dahil sa kanya. Hinihintay niya akong makalapit sakanya. Nakasakay siya sa motor niya at hawak niya yung helmet ko. "Goodmorning pogi loves" sagot ko sakanya. Nilapit niya yung mukha niya saken. Akala ko hahalikan niya ako pero tinignan niya lang lahat ng parte sa mukha ko. "May problema ka ba cutie?" Tanong niya saken. Sht. Nahalata niya ata. "Ahhh hindi lang maganda gising ko"sabi ko. "Masama ba pakiramdam mo?" "Uhm, medyo po" Bumaba naman siya kaagad ng motor para yakapin ako ng mahigpit. Grabe! Sobrang gumaan pakiramdam ko. Yakap lang pala ni Teejay kailangan ko. Hinahaplos haplos niya yung buhok ko. "Okay ka na ba?" Tanong niya. Alam na alam niya talaga kung paano ako mapasaya. "Opo hehe salamat. Ayan lang pala kailangan ko" "Hehe, kumain ka na ba?" "Di pa pogi, nakita ko kasi si Kim eh, umalis na lang ako kaagad" "Ganun ba? May baon ako dito, kainin natin sa canteen. Tara" Hinalikan niya ako sa pisngi bago ko sinuot yung helmet ko. Isang ugali ni Teejay, never niya akong hinahalikan araw araw, bihira rin siya magsabi ng I love you. Pag sinasabihan ko kasi siya ng I love you, yayakapin niya lang ako at hahalikan sa noo. Ewan ko ba, di ko naman matanong baka kasi mainis saken. ++ Asusual, nakatingin lahat samen ng estudyante. Instant sikat talaga kami ni Teejay sa school. Siguro ako lang, kasi matagal ng sikat si Teejay. Pagpasok namen sa klase, pati teacher nakikiusyoso. Lahat ng babae at bakla na di ko naman nakakausap dati, feeling close na rin saken ngayon. Medyo awkward pero syempre, andiyan si Teejay para naman mawala yung tensyon sa katawan ko. Habang nagtuturo si mam, may tumawag sa phone ko. Si Drew. Lumabas ako ng room at sinagot ko yun. "Let's meet later" ayan agad bungad niya pag sagot ko. "Wala man lang hello?" Sabi ko. "Hello" "Ha ha ha. Funny. Bakit?" "May iuutos ako. Remember, nagtatrabaho ka saken diba?" Di ko alam kung galit siya or what. Ganyan naman kasi boses niya eh. "Hayst sige" "Ay mukhang napilitan pa siya, ayaw mo ba? Ganyan na ba kapag nagkakajowa?" "Haha baliw, sige pupunta po ako boss." "Nice, okay! See you" Binaba agad niya yung tawag. Pag pasok ko sa loob, lahat naman sila nakatingin saken na parang may ginawa akong masama. "Ayan, may kausap na iba si Anjo hahaha paano ba yan Teejay" sigaw nung isa kong kaklase. Nagkantyawan naman lahat. "Haha ang famous couple ng school mukhang may LQ na!" Sabi nung isa pa. Tinignan ko si Teejay, tumatawa lang pero may iba sa expression niya. Nagseselos ba siya? Ang cute cute niya talaga. "Haha hayaan niyo na sila class. Wag na kayo makichismis" sabi ng prof namen. "Hala pati kayo maam!" Sabi ko naman. "Haha you're all over social media Anjo. Walang nagsabi saken, nakita ko lang." Sabi ni maam na may pagka chismosa yung tono, nagtawanan na lang kaming lahat sa loob. Pagkatapos ng klase, tinanong kaagad ako ni Teejay kung sino tumawag. "Si Drew yun pogi" sabi ko. "Ahhh, ano meron sakanya?" "May iuutos daw siya eh. Gusto makipagkita" sabi ko. "Ahhh baka naman may gusto sayo yan ah???" "Hala, wala ahhh" "Mabuti ng sigurado hehe. Ihahatid kita sakanila ha? At wala kang magagawa. Boyfriend duties yun" sabay ngiti niya saken na abot tenga. Napakagwapo talaga ng nilalang na to. "Hehe sige na po pogi, tama na smile, baka mahalikan ko na yang labi mo" sabi ko. Pero bigla pa siyang ngumiti ng mas malaki. "Ayan na, kiss mo na ako dali" ngumunguso siya at nilalapit niya labi niya saken pero pinipigilan ko siya. "PDA loves!!! Bawal yan haha" "Haha cute cute mo talaga!" Niyakap niya ako at ginulo buhok ko. Maya maya nakarinig kami ng flash ng camera samen. Napatingin kaming pareho at may isang lalaki na nagpicture sameng dalawa. Mukhang first year palang dahil sa itsura niya. Naka salamin at braces, mukhang nerd pero may itsura. "Hi! Ako po pala admin ng "Anjo and Teejay lovestory" na page sa f*******:, kagabi po naka 508 likes na yung page. Sobrang dami pong nagmamahal sainyo at isa na ako dun. Gusto ko lang po kayo picturan at iuupload ko po sa page, sana po di kayo magalit" sabi ko. Medyo nahihiya ako kasi di naman ako sanay. "Pwedeng isang pic pa po? Nakaakbay naman po kayo kay Kuya Anjo." Aba etong si Teejay gustong gusto, inakbayan pa niya ako sabay halik sa ulo ko. "Sobrang natural po ng dating niyo. Salamat po!!" Sabi nung lalaki at tumakbo na siya palayo na parang tuwang tuwa. "Okay lang ba sayo yung may ganun?" Tanong ko sakanya. "Uhm, okay lang naman po. Ikaw?" "Di ko alam eh, di ako sanay loves" "Ganun ba? Gusto mo bang sabihin natin sakanya na burahin na yung page???" Tanong niya. "Ahhh hindi na loves, hehe hayaan mo na lang po" sabi ko. "Hehe, sige. Anong oras ba kita ihahatid kay Drew na yan???" Tanong niya saken sabay akbay. Naglalakad na kami papunta sa tambayan namen. +++ "Behave ka cutie ah? Hehe text mo ko pag may problema ka" sabi niya saken paghatid sa bahay nila Drew. "Hehe opo. Di ka ba namangha sa bahay niya? Ang laki loves ohh" sabi ko. "Ano ba, magpapagawa din tayo niyan, sarili pa nating design. Hehe ayos ba???" "Ayos na ayos!!" Sabi ko. Nag asikaso na siya at hinila niya uli ako palapit sakanya sabay halik sa noo ko. "Ingat ka cutie" sabi niya. Ngumiti ako bilang sagot. Naghelmet na siya at umarangkada ng alis. Pagka doorbell ko, dali dali naman akong pinagbuksan ni Jessica. Ang ganda ganda ni Jessica, minsan lang talaga ako maka appreciate ng maganda at si Jessica talaga nasa top list ko. "Hi Anjo!" Ngiti niya saken, "Hi Jessica" ngiti ko rin sakanya. "You look good! Ganyan ba talaga kapag inlove???" Sabi niya. Pumasok na ako ng gate. "Hala pati ba naman ikaw" "Haha sikat na sikat kaya kayo sa school. Dami ngang may galit sayong babae dahil pantasya nila si Teejay tapos malalaman nila kayo na pala haha" sabi niya pa. "Hala, isa ka ba sakanila?" Tanong ko. "Noo, galit ako kay Teejay kasi inagaw ka niya saken. Hmp. Crush na crush pa naman kita Anjo" pagpapa cute ni Jessica. Dinikit pa niya sa braso ko yung boobs niya, grabeng pangingilabot naramdaman ko. "Hehe, pero ang sweet niyo Anjo, hindi kayo nakakainis tignan na dalawa" kwento pa ni Jessica. "Hehe. Salamat" sagot ko. Napansin ko naman si Jerome na palapit din sa pwesto namen ni Jessica. Naka white na polo si Jerome at slacks, gwapo talaga to si Jerome. "Eto na pala si Anjo! Hehe kanina ka pa hinahanap ni Sir Drew" sabi niya. "Sige akyat na ako" sabi ko. "Wala siya sa taas, nasa kusina dining area siya." Sabi ni Jerome. "Ah ganun ba, sige sige" Pagpunta kong dining area, nakita ko siyang kumakain. Pinalapit naman niya ako sakanya. "How are you?" Tanong niya. "I'm okay" masaya ko namang tanong. "Haha ofcourse you are, umupo ka na masyado ka namang formal" sabi niya. Ang porma porma talaga ni drew. Ang galing, tapos yung pagkachinito niya at malaking katawan nangingibabaw. "So hindi mo ba ako bibigyan ng ticket niyo para sa play?" Tanong niya. "Ayyy hehe. Pupunta ka??" "Ofcourse, kasama ko si Ralph, gusto niyang panuorin kapatid niya ehh" sabi niya pa. "Ikaw naman, alam mo naman na magkapatid silang dalawa bakit di mo man lang sinabi?" Sabi ko. "Haha no I really don't know, nalaman ko lang kasi sinabi niya. Hindi siya open saken about kay Teejay eh kaya di ko alam na may ampon sila." "Wow, palpak ang stalking skills mo ah haha" asar ko. "Haha no, nagmomove on ako sakanya remember? Kaya tinigil ko na pag iistalk sakanya noon. Hehe" "Ay speaking, kumusta kayong dalawa???" Tanong ko. Bigla naman siyang napangiti na parang kinikilig. "We're okay na." Sabi niya. "Good good" sagot ko. "Bkit ganyan sagot mo? Di ka ba masaya para samen?? Uyy Anjo wala talaga akong kinalaman ha? Siya lumapit saken, hindi ko siya nilandi" sabi ni Drew. "Hala good lang sinabi ko ang dami mo ng sinabi" "Baka kasi naiisip mo na inagaw ko siya sayo. Walang ganun ha" "Hala oo naman. Masaya ako kay Teejay" sabi ko. "Haha I know, you're all over my f*******: feed. Anjo and Teejay lovestory huh? Haha" sabi niya pa. Napahiya na naman ako lalo na kapag sinasabi nilang nakita nila kami sa sss. "Pero nasabi mo naba kay Teejay na nanligaw si Dom sayo noon?" "Hindi pa nga ehh" "Hay nako, gulo yan promise, wag mo ng patagalin, sabihin mo na skanya kaagad!" Sabi niya. "Naghahanap pa ko ng tyempo" "Wag kana maghanap ng tyempo. Pag may gusto kang sabihin, sabihin mo na kaagad." "Paano kung magalit?" "Edi okay lang yun. Normal yun, kapag di siya nagalit, ibig sabihin wala siyang paki. Mas maskit yun. Kaya okay na na magalit siya, atleast may lambingan moments na magaganap tapos mamauwi sa s*x diba" sabi niya. "Haha ang dami mo talagang naiisip" "Hehe, sama ka na lang saken bukas. Bili tayo damit mo sa play niyo, sa susunod na araw na yun diba?" "Nasa bahay pa yung bigay mong damit eh" sabi ko. "Magsusuot ka ng suit sa play mo? Diba ikaw yung gaganap na babae??? Haha, bibilhan kita ng matinong damit, don't worry large bibilin natin para naman suotin mo at hindi nakaimbak sa damitan mo" asar niya saken. "Haha tse!!" Sagot ko na lang. ++++ Kinabukasan, Ayaw pumayag ni Teejay na sumama ako kay Drew para bumili ng damit. Ang cute pa niya kapag nagseselos. Naiintindian naman ni Drew kaya di na rin niya ako pinilit. "Tayo na lang pumnta sa mall hehe" yaya ni Teejay. Wala kasi kaming klase maghapon. "Anong gagawin natin??" Sbi ko. "Edi wala, pupunta lang tayo tapos maglilibot hehe" "Hehe akala ko ba ayaw mo kong pumunta sa mall???" Sabi ko. "Ayaw ko ng may iba kang kasama haha" "Overprotective ng boyfriend ko ohh" sabi ko sakanya. "Sabihin mo pa nga yung "boyfriend ko" isa pa" nilapit niya yung tenga niya sa bibig ko. "Boyfriend ko" bulong ko. Yung ngiti niya pagharap niya saken, ayan ang ngiting hindi matutumbasan ng kahit na ano. Nagmotor na kami papunta sa mall at dumiretso sa supermarket, wala na kasi siyang pagkain dun sa dorm niya. Habang nagtutulak kami ng Cart, nakaramdam ako ng may yumakap sa binti kong bata. "Hello tito Anjo!!" Sigaw nung bata. Fvxck, si Jenny to. "Ohhh Jenny bakit nandito ka???" Gulat ni Teejay nung nakita niyang yumakap saken yung bata. "Tito Teejay!!" Yumakap naman si Jenny sakanya at binuhat siya ni Teejay. "Sino kasama mo???" Tanong ni Teejay. "Jenny!!!" Sigaw nung babae. "Tita Bianca!" Bati ni Anjo. Kinuha ni Bianca si Jenny at binuhat. "Ohhh Teejay" bati ni Bianca. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko sa mga nangyayari. Masyadong mabilis, di pa nagsisink in saken. "Anjo???" Tawag sken ni Bianca. "Ahhh yes tita Bianca, si Anjo po. Boyfriend ko" pakilala saken ni Teejay. "What? Boyfriend?" Gulat na sabi ni Bianca. "Uhm yes po" sagot na lang ni Teejay. "Don't get me wrong Teejay ha, I really don't care kung sino i date mo pero kaya mo talagang makipagrelasyon sa ex ng kapatid mo??" Sabi ni Bianca na medyo may pagtataray. Mukhang naguguluhan si Teejay kaya tumingin siya saken na gulong gulo. "Oh? Hindi niya sinabi sayo??? I think last month lang yun right Anjo" di ko alam kung bakit galit na galit saken to si Bianca. Pero mas inaalala ko si Teejay. Naguguluhan pa rin siya. Di siya makapagsalita. Samantalang ako, sobrang kinakabahan na. Gusto ko ng ako magsabi saknya. "Nagde date silang dalawa ni Dom, Teejay. Come on, di mo talaga alam yun???" Sabi pa ni Bianca. At dun ko na nakita na parang namutla si Teejay at may namumuong luha na nabubuo sa mga mata niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD