Magkatinginan lang kaming dalawa ni Kurt. Gulat na gulat. Nabitawan ko yung cellphone ko.
"P....pero..." nauutal ko ng sabi.
Napukaw yung atensyon nameng dalawa ng bumukas yung pinto at pumasok si Kim. Medyo lasing na siya at muntikan pang bumagsak. Dali dali namang lumapit si Kurt sa kakambal niya.
Ako naman sa sobrang di mapakali, tumakbo ako paakyat sa kwarto ko. Nilock ko kaagad at dumapa sa kama.
Si Kurt si spiderman? Bakit di ko naisip na siya yun. Dati nung sabi ni spiderman na nakainom siya, umuwi ring lasing si Kurt nun. Sabi niya nagpatulong siya sa assignment niya sa kapatid niya, di ko naisip na ako pala yun. Sabi niya di siya marunong magluto, bakit di ko naisip na siya.
Halaaaaaa. Paano nung medyo naglalandian kami sa phone. Ang awkward. Fvck. Nakakainis. Nakakahiya. Nakatira pa kami ngayon sa isang bahay.
Hinanap ko yung cellphone ko pero naiwan ko pala sa baba. Fvck talaga, nakakainis.
Dahan dahan akong sumilip sa labas ng kwarto ko pero nagulat ako nung nakita kong nakatayo si Kurt dun nakatalikod, nagsasalit siya mag isa.
Bigla siyang humarap at nagulat siya nung nakita niya ako.
"Anjo!!" Gulat niyang sabi.
Lumabas ako ng bahagya sa kwarto at hinarap siya.
"Ahhh, hnmm. Nakalimutan mo cellphone mo oh" abot niya ng phone ko.
"Salamat" sabi ko naman, isasara ko na sana yung pinto kaso pinigilan niya.
"Anjo, wait lang"
Nagkatitigan kaming dalawa.
"Anjo, mag usap muna tayo." Sabi niya.
"Anong pag uusapan natin??" Tanong ko sakanya.
"Hmmm. Ewan ko, parang kailangan lang nating mag usap" sabi niya.
Kakaibang Kurt yung kaharap ko ngayon. Seryoso siya.
"Ano bang dapat pag usapan??" Tanong ko.
"Hayst, wag mo na ako pahirapan. Alam mo naman tinutukoy ko" sabi niya.
"Seryoso, di ko alam. Ano ba yun??"
Pumasok naman siya sa kwarto ko at sinara niya yung pinto. Medyo kinakabahan ako sa itsura niya, di ko kasi maexplain.
"Anjo, yung nangyari saten kanina, wala lang yun. Pero ibang usapan na ngayon na alam kong ikaw si superman"
"Ha? Ano namang ibig mong sabihin?"
"Sa 3 months nating pag uusap Anjo, nainlove na ako kay Superman"
Natahimik ako sa sinabi niya. Inlove siya kay superman, eh ako si superman. Fvck, ano ba tong nangyayari sa buhay ko.
"Anjo please. Magsalita ka naman"
"Ahhh ehhh di ko kasi alam kung ano sasabihin ko"
"Simulan mo sa kung anong naramdaman mo nung nagsesex tayo kanina"
"Ayun ba? Katulad ng sabi mo kanina, wala lang naman yun diba"
"Ohh, eh ngayong nalaman mo na ako si spiderman mo?"
Bigla akong natahimik. Kung tutuusin, ideal partner si spiderman. Ang sarap niya kasi kakwentuhan, lalo na sa gabi. Kilala ko kasi si Kurt bilang seryoso pero bilang spiderman, komedyante rin siya at makulit.
"Anjo naman" sabi niya.
"Di ko alam Kurt. Magkapatid tayo, malabo yang naiisip mo"
"Anjo, ikaw si superman. Yung taong nakakaintindi saken, yung taong nandiyan nung panahong nalulungkot ako. Katulad ng sabi ko sayo noon, pag nakita na kita, hindi na kita papakawalan. Ganun gagawin ko ngayon"
Fvck, seryoso nga si Kurt. Nakakagulat, bakit kasi sa dinami rami, siya pa si Spiderman.
"Kurt, di pwede..."
"Pwede yan Anjo, di naman tayo close as brothers diba? Huhu please Anjo"
Bigla naman kaming nagulat pareho ng biglang bumukas yung pinto at sumilip si Kim.
"Anong di pwede Anjo? Bakit magkausap kayo ni Kuya dito?" Tanong ni Kim na medyo nakataas yung kilay, amoy alak siya at mapungay mga mata.
"Lasing ka Kim, wala naman kaming pinaguusapan ni Anjo" si Kurt yun, lumabas na siya at inalalayan si Kim. Sumenyas saken si Kurt na magusap daw kami sa omegle mamaya.
"Narinig koo talagaaaa, meron" narinig kong sabi ni Kim, lasing na lasing talaga siya.
Sinara ko na yung pinto at ni-lock. Parang di pa rin ako makapaniwala.
Humiga na ako sa kama ko at nakaharap sa kisame. 12:30 na pala, pero di pa ako inaantok. Naiisip ko si Kurt, pati yung ginawa namen kanina. At naiisip ko yung masasayang panahon na magkausap kaming dalawa.
Tinry kong buksan yung omegle ko at yung interest nameng dalawa na "ohyeasigepa", naconnect naman ako kaagad sakanya.
"Superman...." chat niya. Pero di ko alam kung ano sasabihin ko sa kanya.
"Anjoo....." chat niya uli.
Arggggg.
"Isang chat naman diyan"
"Anjo, isipin mo hindi tayo magkakilalang dalawa. Ikaw lang si superman at ako si spiderman" sabi niya saken.
Huminga naman muna ako ng malalim at nagchat sakanya.
"Hi spiderman" sabi ko.
"Hehe, good. Kumusta araw mo superman??" Tanong niya.
"Ahh okay lang medyo pagod na hehe"
"Ahhh oo, ako rin eh. Paano, nagpaguran tayong dalawa :)))" reply niya.
"Hahha, nakakaasar. Wala lang yun diba?" Sabi ko.
"Haha, hmmm. Siguro from now on, di na yun basta wala lang, may ibig sabihin na yun" sabi niya pa.
"Ewan ko sayo. Antok na ako spiderman"
"Ako rin antok na superman. Huhu. Paano tayo neto bukas?"
"Anong paano?"
"Walang ilangan ha?" Sabi niya.
"Susubukan kong hindi mailang hehe"
"Ako rin hehe. Pero super sarap mo Anjo. Ang bango bango mo. Mas cute ka pa kapag walang salamin"sabi niya.
"Ehh malabo paningin ko kapag hindi nakasalamin"
"Alam ko hehe. Pero kahit may suot o wala, cute ka pa rin :)))"
Hala si Kurt. Parang hindi niya ako kapatid kung kausapin niya ako.
"Anjo, may tanong ako"
"Sige ano yun"
"Nanliligaw ba sayo si Teejay?" Tanong niya.
"Ha??? Hindii ahhhh"
"Hmmm pero may gusto siya sayo?"
"........"ayan lang nareply ko.
"Ahhh so meron. Si Teejay pa rin katunggali ko hanggang sayo. Nakakainis naman hehe"
"Ano ba kasi yung sikreto ni Teejay??"
"Haha siya na lang tanungin mo Anjo hehe"
"Huhu, please???? :"""("
"Awww, wag kang magchat ng ganyan, kinikilig ako :)))))))"
"Haha, edi hindi na."
"Ayy joke lang naman yun ehhh :((("
"Haha, tse. Tara na't matulog spiderman"
"Hehe okay superman. Goodnight"
"Goodnight!"
Di na siya nagchat uli. Medyo umokay na pakiramdam ko kasi nakapag usap na kaming dalawa ng matino kahit sa chat lang.
Napagpasyahan ko na lang na matulog na at siguradong maraming utos at linggo na naman bukas.
.
.
.
.
Maaga na akong nagising para makapaglinis ng bahay, kesa naman sa gisingin pa nila ako, uunahan ko na sila.
Pagbaba ko sa bahay, nagulat ako ng makita ko si Kurt na nagwawalis habang naka earphones. Kumakanta siya sa kanta ni Taylor Swift na lovestory. Ang cute tignan ni Kurt, hindi kasi siya mahilig mag damit. Naka boxer lang siya. Nakaipit yung cellphone niya sa brief niya. May pasayaw pasayaw pa siyang nalalaman, hindi niya napapansin na pinapanuod ko siya.
Nagbago naman bigla yung kinakanta niya at naging You Belong With Me. Nakatalikod pa rin siya habang nagwawalis, halatang di siya marunong sumayaw pero yung katawan niya yung nagdadala lalo na yung pwet niya.
"Anjo, you belong with meeeeeeee eeeeee!" Kanta niya pa. Natatawa na ako sakanya. Bigla naman siyang tumalikod at napansin niya akong tumatawa sa kanya.
Napatigil siya sa ginagawa niya at tinanggal niya earphones niya. Nahulo niya akong tumatawa sa ginagawa niya.
"Ka...kanina ka pa riyan?" Tanong niya saken.
Pinipigilan ko naman tawa ko at umoo lang ako sakanya.
"Nakakahiya hehe" sabi niya. Di niya alam kung itutuloy niya yung pagwawalis niya.
"Ehhh bakit ka ba kasi naglilinis???"
"Ehhh para konti na lang linisin mo hehe, tutulungan lang kita" sabi niya. Nagwawalis na siya uli pero wala na siyang pinapakinggang music. Ang sweet din neto ni Kurt eh.
"Sige na ako na diyan Kurt, baka pag nakita pa ni tita na nagwawalis ka, magalit pa saken"
Lumapit ako sakanya, inabot niya saken yung walis at kinuha ko. Pero niyakap niya muna ako ng mahigpit na kinagulat ko.
"Goodmorning superman" bulong niya sa tenga ko, ang bango niya, ang init pa ng katawan niya ang sarap sa pakiramdam.
"Goodmorning spiderman" sagot ko naman. Kumawala siya sa yakap at umupo siya sa sala at binuksan yung TV.
Pagkatapos ko magwalis, pumunta ako sa kusina at nagprepare para magluto ng almusal. Wala na palang laman halos yung ref kaya napagpasyahan kong mamalengke muna.
"Saan ka pupunta superman??" Tanong ni Kurt.
"Wag mo nga akong tawaging superman, mamaya marinig ka nila tita eh o kaya magising si Kim"
"Ehhh anong magagawa nila, ikaw si superman ko" sabi niya pa.
Lumapit siya saken.
"Mamamalengke lang sana, wala ng laman ref ehh"
"Ganun ba?hmm. Tara samahan na kita." Nagsuot siya ng tsinelas at lumabas ng bahay, di man lang siya nagsuot ng damit.
"Ahhh, wala pa akong pambili" sabi ko.
Aakyat kasi sana ako at manghihingi kay tita.
"Sige, wait lang ako na muna sasagot. Sisingilin ko na lang si mama ng doble mamaya haha" umakyat siya sa kwarto niya at madaling bumaba.
"Tara na?" Tawag niya saken.
Di na ako nakatanggi kaya sumama na rin ako sakanya.
Nakahubad lang siya at boxer shorts. Ako naman naka tshirt at short. Nakaakbay saken si Kurt habang naglalakad.
"Ano ba, baka may makakita saten"
"Ano naman, e diba magkapatid tayo? Haha di nila tayo pagiisipan ng masama" nakangiti si loko at tuwang tuwa sa pagakbay saken.
Pasimple niya akong inaamoy, naririnig ko kasi pag amoy niya sa buhok ko.
"Ahhh Anjo, di ka talaga nakakasawang amuyin. Ang bango bango kahit bagong gising"
"Ano ba spiderman..... Kurt!" Sabi ko.
"Ahhh, shttt. Wag mo kong tinatawag na spiderman, mamaya marinig ni mama o kim baka kung ano pa isipin" ginaya niya yung pagkakasabi ko kanina tapos tumawa siya.
Nakakainis, nakakatawa talaga siya. Hindi na siya si Kurt na stepbrother ko, siya na si Spiderman na masayang kausap sa chat.
"Hindi ka na ba bumalik sa gym?" Tanong ni Kurt saken.
"Ahhh hindi na ehhh, pero nag pupush up lang ako minsan"
"Ganun ba, huhu sa susunod, ikaw naman bubuhatin ko para naman ganahan ako lalo" fvck, ano bang tong mga pinagsasasabi ni Kurt, pero deep inside kinikilig ako.
Pagdating namen sa palengke, namili na ako ng karne at pang gisa.
"Grabe, ang galing mo talaga Anjo no?" Sabi niya saken.
"Namamalengke lang ako, ang galing ko na???"
"Haha nakakainlove kaya. Cute mo mamalengke, tapos nagtatawad ka pa haha. Sarap mo panuorin"
"Tigilan mo nga Kurt, naiilang ako haha" sabi ko.
"Haha akala ko ba walang ilangan?" Sabi niya.
"Ehhhh ikaw ehh"
"Naiilang ka ba talaga o kinikilig ka??? Ayieee. Yung totoo superman??" Nakatingin siya saken at nakangiti na pang asar, ang cute ni Kurt.
"Hindi ahh, nako buhatin mo na lang tong mga pinamili natin para maging masaya ako" sabi ko sakanya.
"Eh paano kung buhatin din kita, mas magiging masaya ka ba??"
"Haha Kurt ano ba!" Bubuhatin niya sana ako pero pinigilan ko.
"Haha, tara na Superman. Medyo gutom na ako eh," sabi niya pa.
Naglakad na kami pabalik sa bahay.
.
.
.
.
Habang nagdidikdik ako ng bawang at sibuyas, nakita ko si Kurt na nanunuod lang ng TV sa sala.
"Ang aga mo ata nagising kuya" narinig ko boses ni Kim. Gising na ang maldita kaya pinagpatuloy ko na lang pagluluto ko.
"Anjo, dalian mo na diyan, gutom na ako" sabi ni Kim.
"Kakagising mo lang, kung maka utos ka kay Anjo kala mo katulong natin" sabi naman ni Kurt. Pinagtatanggol ako ni Kurt.
"Nako kuya, dapat lang alilain yan, dahil sa tatay niyan kaya tayo nagkakaganito nako. Umagang umaga talaga," bigla namang umakyat si Kim na naiinis.
"Sorry kay Kim ha? Ewan ko ba bat galit na galit sayo yun" sabi ni Kurt paglapit saken.
"De okay lang,manhid na ako sa sinasabi niya hehe" sabi ko naman.
Hinawakan naman niya yung balikat ko at hinimashimas.
"Sorry talaga Anjo hehe, dito na lang ako samahan kita" sabi niya.
"Hala dun ka na, mamaya makita pa tayo rito"
"Ano naman? Hindi pwedeng tinutulungan kita??"
"Haha hindi pwede, never mo naman ginawa yun eh"
"Aba pwes, tutulungan kita hehe. Ano bang pwede kong gawin"
"Haha hugasan mo yung kawali, magsasangag ako ng kanin"
"Ahhh sige yung mala chow fan mo na sangang. Favorite ko yan" sabi niya.
Hinugasan niya yung kawali. Pero winisikan niya ako ng tubig bago matapos.
"Uyyyy ano ba Kurt!"
"Haha ang cute, nakikipagharutan lang ako eh."
Gumanti naman ako sakanya at winisikan ko rin siya ng tubig.
"Aba, mas malala pa yung iyo ahh" gumanti uli siya at binuhusan niya ako ng maraming tubig. Basang basa na damit ko.
Sa inis ko sakanya, naglagay ako ng dishwashing sa kamay ko at binasa ko tapos pinunas ko sa mukha niya. Nakaganti ako sakanya pero natahimik siya bigla at nakatakip lang mukha niya.
"Uyy Kurt" sabi ko. Pero nakatakip lang kamay niya, naghilamos siya. Siguro nalagyan mga mata niya.
"Uyyy Kurt" sabi ko. Pero di niya ako pinapansin, nakatalikod lang siya saken.
"Spiderman!" Sabi ko pa. Humarap naman siya saken na nakangiti, medyo namumula nga mata niya.
"Isa pa ngang spiderman diyan" sabi niya pa. Ngumiti ako uli at sinabi yung spiderman.
"Ayan okay na bati na tayo uli" pinipigilan ko yung pagngiti ko kask kinikilig din ako kay Kurt. Parang nakakalimutan kong kapatid ko si Kurt sa nangyayari.
Tinulungan niya ako magluto, tinuruan ko rin siya kung paano para daw sa susunod, siya naman magluluto saken.
Pagkatapos magluto, naghain na ako. Bumalik na si Kurt sa sala at nanuod ng tv kasi nagising na rin si tita at bumaba na uli si Kim.
Hindi ako sumasabay sakanila sa pagkain kasi sa kusina ako kumakain.
"Anjo, bakit ka nandiyan? Tara dito ka sabay sabay na tayo" sigaw ni Kurt saken.
"De sige okay lang ako"
"Anjo, dito ka na"
"Ang kulit niya." Sabi ko.,
"Ikaw nga makulit diyan ehh" nakangiti siya saken.
"Haha wag kana makulit, dito na ako" sabi ko.
"Mas wag ka makulit, sumabay ka na rito Anjo" sabi ni Kurt.
"Eh kung kotongan ko kayong dalawa, parehas kayo makulit ehh!" Si Kim yun na naiirita sameng dalawa.
"Anjo, may papadala uli ako sayong sulat. Nadala mo ba yung pinadala ko sayo dati?" Tanong ni tita saken. Nasa kusina parin ako.
"Opo"
"Oh, halika rito may papadala ako bukas. Bukas to Anjo ha?" Sabi ni tita.
"Nilipat na ako ng trabaho, nakakainis nga eh. Pero okay na yun para palagi akong wala sa bahay nako" sabi ni tita.
"Eh okay lang yun Ma haha" sabi ni Kim.
"Tse, Anjo nasan ka ba kunin mo to" lumapit ako kay tita at kinuha yung sulat.
"Nawalan na ako ng gana kumain, sige na" sabi ni Kim paglapit ko. "Pero nagugutom ako, sa kwarto na lang ako kakain" kinuha niya yung pagkain at umakyat na sa kwarto niya.
"Anjo, bukas. Wala akong paki kung may klase ka basta dalhin mo to bukas okay?" Sabi ni tita.
"Ma, baka naman may klase si Anjo...."
"Wala ako paki, alam na ni Anjo yan" sabi ni tita. Kinuha ko na lang yung sulat at bumalik na ako sa kusina para kumain.
Napansin kong palapit saken si Kurt.
"Okay lang ba talaga Anjo?" Tanong niya.
"Oo okay lang, may vacant naman ako ng hapon ehh" sabi ko.
"Gusto mo ba samahan kita???"
"Nako wag na hehe"
"Sa tingin mo ba may magagawa ka hehe sunduin kita sa room mo bukas ha??" Sabi niya pa.
"May practice..."
"Opps opps. Di pwede sasamahan ka ng spiderman mo. Kasi ako si spiderman, ikaw si superman. Together we are the superpiderman"
"Hahahaha ewan ko sayo dami mong alam"
"Oo naman para sayo lumalabas lahat haha" sabi niya pa.
.
.
.
.
Pag gising ko kinabukasan, nakabasa ako ng text galing kay Dom.
"Let's meet later please?? I wanna talk to you about something. Have a nice day Anjo, I miss you"
Di ko na muna siya nireplayan kasi medyo late na ako. Naligo na ako at nagbihis muna saka bumaba para makapagluto. Nakabihis naman si Kim at Kurt sa baba.
"Ano ba yan Anjo, late ka na nagising. Wala pang pagkain!" Sabi ni Kim.
"Kanina ka pa gising diyan hindi ka pa nag asikaso" sabi ni Kurt sakanya.
"Marunong ba ako?tsaka dapat si Anjo gumagawa nun!"
"Sige na, magluluto na ako" sabi ko naman. Dumiretso na ako sa kusina para may baon na rin ako. 200 na lang pala pera ko kaya kailangan ko magtipid at kumain ng marami rito.
"Pst, sabay tayo ngayon ha?" Bulong saken ni Kurt habang nagluluto ako.
Hinawakan niya ako sa balikat ako at hinalikan sa buhok ko. "Hmmmm ang bango bango talaga" sabi niya saken. Hinahaplos niya rin balikat ko at pinipisil pisil.
"Bakit ba ang tagal?!!" Si Kim yun pumunta sa kusina. Biglang bumitaw si Kurt saken at kunwaring naghuhugas ng kamay.
"Sorry, malapit na." Sabi ko.
"Bilisan mo" utos ni Kim.
Paalis na sana si Kim pero tinawag siya ni Kurt.
"Kim ano ba, bakit ba ganyan ka kay Anjo????" Tanong ni Kurt.
"Ano ba kuya, bakit mo ba pinagtatanggol yan??" Sabi ni Kim.
"Basta, wag kana ganyan makipagusap ha? Kundi wala tayong masarap na pagkain palagi" sabi ni Kurt.
"Ewan ko sayo kuya, bilisan mo na lang please?" Medyo sarcastic yung pagkakasabi ni Kim. Umalis na siya at bumalik sa sala.
"Mamaya mag away pa kayo ng kambal mo eh" sabi ko kay Kurt.
"Wag ka mag alala Anjo, simula ngayon hindi ko na hahayaang apiin ka nila mama at Kim" tingin niya sa mga mata ko at hawak hawak niya mga kamay ko. Ngumiti lang ako sa sinabi niya at pinagpatuloy yung pagluluto ko.
.
.
.
.
"Pang tatlong tao ata yung kinain mo Anjo haha. Grabe ka!" Sabi ni Kurt saken habang nag aayos siya ng buhok.
"Haha gutom ako ehh" sagot ko naman.
Nauna ng umalis si Kim pagkatapos kumain. Naghugas pa kasi ako ng pinggan.
"Tara na Anjo??" Yaya ni Kurt saken, sabay daw kasi kaming papasok.
"Tara na!" Sabi ko naman.
Nakaakbay siya saken hanggang sa makalabas kami ng bahay.
"Mamaya ha? Sunduin kita." Sabi ni Kurt.
"Hala hindi na nga...." bago ko pa matapos sinasabi ko, nakita kong nakaabang sa labas ng bahay si Teejay. Ang gwapo niya, naka uniform siya tapos ang puti niya. Basta sobrang gwapo talaga ni Teejay. Nakangiti siya nung nakita niya ako. Argh, mas gwapo siya pag nakangiti, ang aliwalas ng itsura niya.
Nagbago yung reaksyon niya nung nakita niyang kasabay ko si Kurt paglabas. Lumapit si Teejay samen at tinaggal ni Kurt pagkaka akbay saken.
"Pre!" Bati ni Kurt kay Teejay. Nag apiran silang dalawa.
"Uyy pre," bati naman ni Teejay.
Medyo nakakaramdam ako ng awkwardness sa dalawa. Magkatinginan kasi silang dalawa na masama. Tapos nasa gitna nila ako.
"Ahhh Anjo ako na magbubuhat gamit mo" alok ni Teejay at kinukuha niya bag ko.
"Nakalimutan ko pala, gusto mo Anjo sabay tayo mag lunch mamaya???" Sabi naman ni Kurt.
"Woah woah, wait easy! Anong nangyayari" sabi ko sakanila.
Tumahimik naman silang dalawa at binitawan na ni Teejay yung gamit ko. Si Kurt naman medyo dumistansiya rin.
"Sorry" sabay nilang sabi na dalawa.
Naglakad na kaming tatlo papasok ng school. Kapag aakbay si Kurt saken, bigla naman pasimpleng hahawakan ni Teejay kamay ko.
Naguguluhan tuloy ako sa nararamdaman ko.