Part 19

2588 Words
Kanina pa nagtatalo si Teejay at Kurt habang naglalakad kami papuntang school. Di na ako makasingit at pinagtatalunan nila lahat ng bagay. Makakita lang ng pusa, sasabihin pa yung different traits. Basta, di sila magkasundo. Nakatingin lang ako ng diretso hanggang sa makarating kami sa school. "Sige na Anjo. Mamaya ha? Samahan kita" sabi ni Kurt. Ngumiti lang ako sakanya at umalis na siya. "Saan ka pupunta Anjo?" Tanong ni Teejay saken. "May inuutos lang si tita saken" sabi ko naman. "Hmmm. Pwede ako na lang sumama sayo mamaya? Tutal parehas naman tayo sched." "Ang gulo niyong dalawa!! Ako na lang mag isa para walang away" medyo naiinis na ako. "Uyy sorry na Anjo." Sabi ni Teejay. Kinalma ko sarili ko. "Sorry din" sabi ko. Bigla naman ngumiti si Teejay at talagang sobrang gwapo niya, naginat inat siya ng katawan niya habang naglalakad kami at bigla siyang umakbay saken. "Salamat, Solo ko na Anjowings of love ko" sabi niya. Di naman ako makatingin sakanya pero ang alam ko, kinikilig ako. "BB!!" Sigaw ni Marco sa likod, lumingon kami ni Teejay, magkasama silang dalawa ni David. Huminto kami ni Teejay at inantay namen sila. "Ano ba? Kayo na bang dalawa?" Biglang tanong ni Marco. "Hala siya, hindi ahhh" sabi ko. "Hindi pa." Singit naman ni Teejay at nag apiran sila ni David. "Ehh eto ngang si Marco ayaw pa ako sagutin eh, pabebe pa" si David yun. "Akala ko kayo na? May endearment na kayong baby diba" "Haha, ang sweet kasi tsaka nakakakilig ehh." Sabi naman ni Marco. Tumingin naman si Teejay saken at mukhang naiinggit. "Gusto ko rin ng endearment Anjowings." Sabi ni Teejay saken. "Haha Anjo, ang tawag sayo niyan ni Teejay mahalko, nako kahit dati pa." Sabi ni David. Natuwa na naman ako sa sinabi niya. Tumingin ako kay Teejay at mukhang napahiya pero sabi ko sakanyang "ang cute nga eh" Napalitan naman yung expression niya at sumaya siya. "Mahal ko" sabi ni Teejay. "Haha bahala ka diyan" sabi ko. Naglakad na uli kami papunta sa room. . . . . "Ang seryoso mo naman Anjowings" bulong saken ni Teejay habang naglelecture si mam. "Ganun talaga, mag eexam na eh" sabi ko. "Sus, madali lang naman yan. Ikaw pa ba" "Ewan ko sayo" "Suplado naman ni Anjo, may bago kasi akong joke" Humarap ako sakanya at nagpapacute siya. Nakangiti saken at mukhang excited sa sasabihin. "Sige, parinig nga ako" sabi ko. "Knock knock" "Who's there?" "Anjo" "Anjo who?" "Anjooooo-to ako, umiibig sayo kahit na, nagdurugo ang pusoooo" Natawa ako kasi sa facial expression niyang feel na feel pagkanta. "Haha yessss, 2pts for Teejay" sabi niya. "Haha natawa lang ako sa expression mo, pero sa joke ang korny haha" "Ang mahalaga, napangiti kita diba???" Sabi niya. Ewan ko pero ang galing talaga magpakilig ni Teejay, nakakainis. "Sabay tayo mag lunch ha?" Bulong niya uli. "Dadalhin ko muna yung sulat na inuutos ni tita" Sinita naman kaming dalawa ni maam kaya tumahimik na kaming pareho at nakinig. Pagkatapos ng klase, kinulit na uli ako ni Teejay. "Saan ba yun?? Samahan na kita" sabi niya. "Wag na makulit. Ako na lang mag isa." "Ehhh, paano kung kasama mo si Kurt??" "Hindi ko siya isasama" "Talaga???" "Oo nga, tsaka ano bang meron sainyo bakit parang mortal enemy niyo isa't isa?" Bigla naman siyang natahimik at huminto sa pagliligpit ng gamit niya. "Wala, di lang kami nagkasundo bigla. Siguro dahil mas marami ng kumukuha sakeng modelling agency tapos sakanya wala." Nakikinig lang ako sa kwento niya. "Pero sa susunod ko na ikekwento yun. Hehe, lunch muna tayo?" Sabi niya. "Hindi na, ihahatid ko na muna to," "Sige, sabayan na kita paglabas." Sabay sabay kaming apat nila Marco, David at Teejay paglabas. Sumakay ako ng jeep papunta kina Drew at iniwan ko na sila sa tapat ng school. "Hi Anjo" bati ni Jessica saken pag doorbell ko sa bahay ni Drew. "Hello, may hahatid lang akong sulat uli" "Oo, inaasahan ka naman ni Sir Drew, tara!" Binuksan niya yung gate at pinapasok niya ako. Ang ganda at sexy talaga ni Jessica, siguro kung straight lang ako, ginapang ko na siya. "Galing kang school?" Tanong niya saken. "Yeap" "Ahhh, same school lang pala tayo." "Talaga?? Bakit di ka pumasok?" "Wala akong pasok pag Monday hehe." "Talaga? Anong year mo na?" "4th year, graduating na rin ako, ikaw Anjo?" "Nice, graduating din ako" "Ohhh?? Nice." Hinatid niya ako sa loob hanggang. "Alam mo naman san kwarto ni Sir Drew diba?" Sabi niya "Yeap, salamat" sabi ko. Umakyat na ako sa kwarto niya at nakita ko siyang nakaupo at may ginagawa sa table. Nakasuot siya ng loongsleeve na white at short na maong. "Pasok Anjo" sabi niya. Inabot ko kaagad sakanya yung sulat. "Akala ko naman pambahay mo lang yung malalaking damit mo, pati pala sa uniform mo. Ano ba yan" sabi niya saken. Binuksan niya na yung sulat. Nagsisimula na naman siyang mang asar at mang inis. Buti na lang kalmado ako. "Nako, matagal pa tong event na to, nextyr pa. Hmmmm." Tumayo si Drew at lumapit saken. "You really need a makeover Anjo" "No sir, I'm happy just the way I am" sabi ko naman. Pumaikot siya saken at mukhang tinignan damit ko. "Hays, if that's what you want. Okay, I understand" bumalik na siya sa upuan niya at tinuloy yung ginagawa niya. "Uhm aalis na ba ako?" Tanong ko. "Wait lang, let's have lunch first, saglit na lang to" sabi niya pa. "Pero may klase pa ako" "Nako Anjo, don't make excuses, may vacant ka ng 2 and a half hours, may 2hrs ka pa. Nako" Wala nga pala akong kawala dito. Alam niya lahat ng tungkol saken. Minsan nakakainis na pero parang ang gaan ng loob ko sakanya. Parang lahat ng ginagawa niya, okay naman. "Tara na Anjo?" Tumayo na siya at lumabas na kami ng kwarto niya. "Kahit nasa bahay ka lang, kailangan nakaporma ka no?" Sabi ko. "Nakaporma? Pambahay ko kaya to" Longsleeves na white pambahay. "Makatingin ka naman saken Anjo. Come on, let's do a makeover." Sabi niya saken. "Bakit ba gustong gusto niya ako ayusan haha" sabi ko sakanya. Nasa lamesa na kaming dalawa, may pagkain na nakahain at ang nag ayos si Jessica at isang lalaki na moreno at gwapo rin, parang kasing edad ko lang. "Tara let's eat Anjo" sabi niya. Di nako tumanggi medyo gutom na rin ako ehh. Di ako familiar sa pagkain, pero mukhang masarap at mamahalin. "Hmmmmmm." Reaksyon ko pagsubo ng pagkain, sobrang sarap! "You liked it?" Tanong ni Drew. "Super. Ang sarap, sino nagluto? Si Jessica?" "Oh come on, wala ba sa itsura ko na nagluluto ako?" Tanong niya saken. "woah, talaga? Ikaw?" "Yes, I cook. I know how to cook." "Wow, pero sobrang sarap neto." "Shhhh Anjo, thank you!" Dinahan dahan ko yung pagkain kahit gusto ko magpakapatay gutom. "Sila Jessica, kumain na ba?" Tanong ko. "Yes, kumain na kami. Sabay sabay kaming kumakain, wala ka lang kasabay kaya sinamahan kita" kaya pala parang di siya kumakain. "Ganun ba??" Sinilip ko yung paligid, wala na sila. Kaming dalawa lang nandun. "Ano hinahanap mo?" Tanong ni Drew. "Uhm, pwede magtanong?" "Hindi" Tumingin ako sakanya at ngumiti lang siya. "Just kidding, sure ano yun?" "Bakit palaging may itsura yung mga tao dito? Tsaka mukhang kasing edad ko lang lahat" tanong ko. "First of all, gusto mo bang may makasama kang panget sa bahay? I mean, come on, mag aampon ka na lang diba mamili ka na ng may itsura" sabi niya pa. Di ko alam kung mabait ba siya oh ano eh. Tinignan ko lang siya at mukhang ayun lang paliwanag niya. "Inampon mo sila, as yours?" Tanong ko. "Well technically yes, nagtatrabaho sila lahat for me. Kapalit, ako nagbabayad ng tuition nila sa school and allowances. No big deal" "Ahhhh I see" "And I know, si Jessica magka school kayong dalawa. Si Jerome naman, ayaw niya na mag aral, I respect that kaya nagttrabaho na lang siya rito. Si Katie, 4thyear na rin yan, tapos si Kenzo, 4thyear na rin. Technically lahat kayo graduating na" Si Kenzo bago sa paningin ko. Moreno siya at mapapansin mong nag gygym siya dahil sa dibdib niya at hapit na hapit na damit. Isa ring nakakapansin sa kanya eh yung pwet niya na matambok. "Ahhh okay okay" "And then ikaw, Anjo, 4thyear din." "Pero di naman ako gwapo" sabi ko naman. "Hahahaha non sense, kung hindi ka gwapo, edi pinatapon na kita sa bahay na to no. Kulang ka lang ng style pero look at you, your eyes, parang tinitignan pagkatao ko. Just remove that big eye glasses of yours, and konting gupit, hmmmm. Maraming gupit sa buhok, fit mo lang yang damit mo at konting pulbo para di oily, pang pageant ka!" Natuwa naman ako sa description niya saken at napangiti niya ako. "Ohh diba, look at your teeth, ang ganda. Wag ka mainsecure okay? You look good" Di pa rin ako makapaniwala sa sinasabi niya kaya kumain na lang ako. "So, I see may isa ka pang admirer" sabi niya. Di ko alam kung anong tinutukoy niya. Tinignan ko lang siya. "Don't look at me like that. Haha, infairness, sa kanilang tatlo siya pinaka may itsura" yung way ng pananalita ni Drew, sobrang lalaki at malaki yung boses. Ang hot at medyo husky. "Sinoo??" May pinakita siya sa phone niya at picture namen yun ni Teejay na naka akbay saken. Nakangiti kaming pareho. "Sabi ko stop na sa pagstalk diba???" "Haha no, I'm not stalking, Nag promise ako diba?? Lahat kasi ng tao dito, protektado. Si Jessica talaga yung pinapabantayan ko and then suddenly napansin ka nila," Di naman ako makapagsalita. Di ko alam kung anong kayang gawin neto ni Drew. "Haha don't worry Anjo, di ako masama" "Aba dapat lang" "Ahaha, you know what I like about you? Na kinakausap mo ko na parang sobrang close natin. Lahat ng tao rito, takot saken pero pag dating sayo, hindi. Kakaiba ka" "Ayy medyo sobra na ba ako???" "No, you're funny Anjo. Hehe" Ngumiti na lang ako sakanya at ganun din ginawa niya. Tapos na ako kumain, nanatili kaming nakaupo na dalawa. "May isa pa akong question, hmm. Bakit kailangan pang isend sayo via letter yung invitation sayo?" "Syempre invitation to. No invitation, no entry. And sometimes yung ibang invitation, private. Kaya kailangan talaga ganyan." Sabi pa niya. "Eh bakit hindi na lang ikaw kumuha??" "Edi wala kang trabaho diba? Haha. And isa pa, sa company binibigay yun. Ayokong kunin directly," Medyo maarte naman pala talaga to pero okay na rin. "Bakit nasa bahay ka lang kung nagttrabaho ka?" "Haha dami mo ring tanong no? Di ka pa ba late??" Tinignan ko yung oras, medyo ma la late na rin ako kaya nagmadali na ako. "Ohh ihahatid ka na lang ni Jerome ha?" "Hindi na, magcocommute na lang ako" "Sus nonsense, naka ready na yung sasakyan" Mukhang wala rin naman pala akong magagawa kaya pagkatapos kumain, nagpasalamat ako at sumama kay Jerome papunta sa school. "Late na ako sa interview Anjo haha" sabi niya. "Ayyy sige bababa na lang ako" "Bakit ka bababa?? Dadalhin ko to sa interview" "Talaga?? Okay lang kay Drew?" "Haha ikaw lang nakakatawag kay sir Drew niyan ha. Oo, okay lang. Ihatid daw kasi kita eh, sabi niya dalhin ko na lang din yung sasakyan" "Ahhhhh. Okay" nakaupo ako sa harap ng sasakyan. Nakatingin lang ako sa daan. Medyo tahimik, pero nakikita ko si Jerome na tumitingin saken. "Hmmm bakit?" Tanong ko sakanya. "Anong bakit?" Sabi niya. "Wala akala ko nakatingin ka lang" "Haha no, nakatingin ako sa side mirror hehe." Fvck, s**t assuming na naman ako. Nakakainis, nakakahiya. "Pero di ko maiwasang di tumingin sayo hehe. Ang cute mo no?" Sabi ni Jerome. Napatingin lang ako sakanya at mukhang nang aasar lang. Nakangiti kasi siya. Gwapo rin to si Jerome eh. Medyo moreno, tapos matangkad pa, malaki rin yung katawan at yung mas nakakagwapo sakanya kapag nakangiti siya, ang aliwalas ng itsura niya "Ikaw ang nakatingin ngayon saken" sabi niya saken. Di ko namalayan, nahiya tuloy ako at umayos ng upo. "Haha, tell me Anjo. Taken ka ba?" Diretso niyang tanong saken. Nagulat naman ako sa tanong niya. "What???" "Haha sorry Anjo. I just find you really cute and interesting" sabi niya pa. Fvck, seryoso si Jerome o nantitrip lang? Di ko naman sinagot yung tanong niya, narinig ko lang siyang tumatawa, medyo naiinis ako kaya di ko siya pinapansin. "Sorry Anjo kung mabilis, hehe. Uhm, alam mo bang gusto ka ni Jessica?" Sabi niya. "Si Jessica??" "Yeap. Nung nakita ka niya nung una, kinikilig yun. Tapos kanina, halos mamatay pa siya sa kilig nung nakita ka niya" "Huh???" "Haha oh diba, you're likeable Anjo. Kaya wag ka na magulat" Di ko naman alam kung anong isasagot ko kay Jerome. Kaya di na lang ako sumagot. Maya maya pa, nasa tapat na kami ng school. Napansin ko naman na papasok na si Teejay, Marco at David sa loob. Nagpasalamat ako kay Jerome sa paghatid at lumabas ng pinto, tinawag ko si Teejay at lumingon naman siya. "Ohhh andito ka na, kumain ka na ba Anjowings?" Sabi ni Teejay. "Oo kanina pa." "Eh nasaan yung gamit mo???"  Tanong niya. Fvck, naiwan ko sa kotse. Paglingon ko, nakita ko si Jerome na palapit saken dala yung bag ko. "Anjo, nakalimutan mo gamit mo" sabi niya. "Salamat Jerome" "Tsaka eto, pang merienda mo mamaya. Binalot ko yan kanina bago umalis hehe" inabutan niya ako ng paper bag at may laman na pagkain. "Wow hehe salamat Jerome" "Sige Anjo, ingat ka" sabi pa niya. Sumakay na uli siya ng sasakyan at umalis. Napansin ko naman na nakatingin lang si Teejay saken. "Hmmm, sino siya Anjowings?" Tanong ni Teejay. "Ahh si Jerome yun." "Ahhhh okaaay" huminto siya at nakatingin pa rin saken. "Sino si Jerome??" Iniimbestigahan ako ni Teejay na sobrang cute. "Haha wala. Ka work ko lang" sabi ko. "Ha? May isa ka pang work???  Bakit naman? Baka di mo na kayanin ha?" "Kaya ko, madali lang naman yun ehh" "Hmmm, pero sino nga si Jerome? Baka naman may gusto sayo yun ha?" "Ewan ko sayo, tara na. Male late na tayo ehhh" Di pa rin niya ako tinitigilan about kay Jerome habang naglalakad kami papunta sa room. . . . . "Anjo, sino ba kasi si Jerome??" Tanong ni Teejay paglabas ng classroom. Kanina pa niya ako kinukulit talaga. Pero nacucutean ako kay Teejay. "Wag ka na makulit please?" "Sabihin mo na lang muna na hindi ka niya nililigawan, saka lang ako tatahimik" "Nako, sige, hindi niya ako nililigawan. Okay na??" Huminga naman siya ng malalim at ngumiti saken. "Good. Okay na yun hehe" sabi niya. Pero totoo nga, si Teejay talaga pinaka cute sakanilang lahat. Kinikilig ako kay Teejay, kahit simpleng hawak niya lang saken. Lumabas muna kami para kainin yung binigay na pagkain saken ni Jerome. "Anjo??" Tawag ni Teejay saken. "Bakit Teejay??" "Sa pasko ha? Dun ka samen. Pinapaalala ko lang. Hehe," "Opo opo hehe" "Yehey, tapos ipapakilala kita samen, araw araw ako nag dedaydream sa araw na yun. Parang pag naiisip ko yung moment na yun, ang saya saya ko na" kapag ganito si Teejay, natutuwa ako. Ang cute niya kasi tapos ang seryoso ng mukha. "Anjo, pwede ba tayong umalis sa saturday? May surprise lang ako sayo" sabi niya pa. "Ano naman yun???" "Basta, wag mo muna alamin. Sa sabado Anjo ha?" Umoo kaagad ako sakanya kasi gusto ko rin naman. Sa sobrang saya niya, inakbayan niya ako at niyakap. Wala siyang paki sa mga estudyante, mukha lang naman kasi kaming magtropa. Habang naglalakad kami palabas, nakaakbay lang siya saken at nagtatawanan. Napalitan lang yung tawa niya nung nakita niya si Jerome sa tapat ng school, nakasandal sa sasakyan ni Drew, naka shades at mukhang may inaabangan. Ngumiti naman siya nung nakita niya ako. Lumapit siya samen ng nakangiti. "Tara na Anjo, dismissed niyo na diba? Hehe. Hatid na kita" alok ni Jerome. "Ah pre, may practice pa kasi kami sa play namen eh. Di pa kami uuwi" sagot naman ni Teejay. "Ah ganun ba, sige, hintayin na lang kita Anjo" sagot ni Jerome. "Ahh hindi na rin pre, sabay kaming aalis ni Anjo eh. Ako naghahatid sakanya araw araw" sagot ni Teejay. "Pre, si Anjo kausap ko eh. Di naman ikaw" sabi ni Jerome. "Ah, pre, magkasama kasi kami ngayon. Tsaka, nililigawan ko si Anjo. Ikaw? Sino ka ba sakanya?" Fvck. Nagulat ako sa sinabi ni Teejay. "Ah manliligaw ka lang naman eh. Easy lang pre, ka work ko lang si Anjo. Sige na Anjo, mukhang inis saken tong manliligaw mo eh. Sige," paalam ni Jerome. Di naman ako nakasalita sa usapan nilang dalawa. "Tara na Anjo, kainin na natin yan. Alam ko gutom ka na rin eh" sabi ni Teejay. Nakita ko na ring umalis si Jerome kaya umalis na kaming dalawa at kinain na namen yung bigay ni Jerome.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD