Puspusan na yung practice na ginagawa namen sa school. Hindi na kasi magkikita kita pag nagsimula na yung Christmas Vacation.
"Anjo and Teejay great job! Sa actual ba magkikiss kayong dalawa?" Tanong samen nung kaklase kong director.
"Haha siguro. Para naman to sateng lahat eh. Isang kiss lang naman" sabi ni Teejay. Kapag nagppractice talaga ang hilig ni Teejay magsando, ang hot niya talaga at ang bango bango pa.
Medyo napapaisip pa ako sa kissing scene sa eksena, kung nagkataon kasi si Teejay yung magiging first kiss ko.
"Anjo game ka ha? Ng matikman ko naman yang mga labing yan" nilawayan ni Teejay mga labi niya, mukha siyang manyak na cute.
"Haha ewan ko sayo, pinagiisapan ko pa nga kung gagawin ko eh"
"Ay, grabe, ilelet down mo yung grupo??" Sabi niya pa.
"Wag ka nga mangonsensiya,"
"Haha joke lang, ikaw naman bahala, sabi ko naman sayo diba ikaw masusunod" sabi ni Teejay.
Ngumiti lang ako sa kanya habang siya naman patuloy na nagbabasa ng script. Kahit saang anggulo talaga ang gwapo ni Teejay.
"Papasok ka ba ngayon?" Tanong saken ni Teejay.
"Wala ng klase ha?"
"I mean sa bar"
"Ahh, oo."
"Hmm, sige tara hatid kita mamaya. Uy Anjowings, sa sabado ha? May surprise kasi ako sayo" sabi ni Teejay.
"Ang kulit mo rin eh haha oo nga"
"Hehe pinapaalala ko lang, pati sa pasko Anjo ah? Alam mo na hehe."
"Yes yes" sabi ko naman.
Nag isang take pa kami sa practice namen, mukhang okay na lahat. Pati props, linya ng iba, costumes at kung ano ano.
"Okay good job guys, kailangan natin to, pag tayo nanalo dito, wala tayong thesis kaya let's do this!!" Sabi nung director kong kaklase.
Naghiyawan lang kami at nagpalakpakan.
"Technically, saten ang tingin ng lahat kaai tayo ang main characters. Kaya dapat galingan mo, eh kung praktisin na kaya natin yung kissing scene Anjowings? Sa tingin mo???" Sabi ni Teejay. Ang cute niya talaga kapag kaharap ko siya tapos ang kulit pa niya magsalita.
"Baliw, kabisaduhin mo kaya linya mo para okay na" sabi ko na lang.
"Aba kabisado ko na lahat, yung kiss na lang talaga hindi pa praktisado"
"Ewan ko sayo haha"
Sumigaw naman na yung mga kaklase ko ng pack up na. Kaya naglinis na kaming lahat at saka umalis.
Hinahanap ko kung nasaan na yung gamit ko pero di ko makita, napansin ko na lang na tinatawag ako ni Teejay suot niya yung bag ko.
"Tara na, baka ma late ka sa work mo" nakasuot yung bag ko sa harap niya tapos yung bag niya sa likod.
Ngumiti na lang ako at sumama sa kanya.
.
.
.
.
"Anjo, baka naman gusto mong dumaan muna samen, alam ko pagod ka na, hihilutin kita" sabi ni Barry pagkatapos ng shift namen. Naglalakad na kami pauwi.
"Sus, style mo haha" sabi ko.
"Haha hihilutin lang kita, wala naman tayong gagawing iba eh" sabi niya.
"Edi matutulog na lang ako sa bahay kung ganon." Sabi ko.
"Hahaha hirap mo talaga pakiusapan hehe. Sige okay lang Anjo," sabi niya pa
Buti naman. Medyo nakukulitan na ako sakanya eh pero ang cute talaga ni Barry. Feeling ko lang talaga hindi kami bagay.
"Uhm kumusta na pala kayo ng ex girlfriend mo???" Tanong ko.
"Si Katie? Hmm. Ayun, hindi kami naguusap na dalawa hehe."
Katie? Siya ba yung nasa bahay ni Drew na nagttrabaho din.
"May trabaho ba yun si Katie?"tanong ko sakanya.
"Ha? Wala ahhh. Nagttrabaho nga ako para samen eh. Tapos bigla nalang akong iiwan at hindi magpaparamdam"sabi niya pa.
Pero si Katie nagttrabaho na, di ko tuloy alam kung yung Katie ba na kina Drew yung ex ni Barry
"Nako Anjo, wag mo na muna siya ipaalala hehe"
"Ohh diba affected ka pa, dapat di mo muna ako kinukulit eh hehe. Ayusin niyo na lang kaya yung sainyo ni Katie no??" Tanong ko sakanya.
"Pati ba naman ikaw Anjo? Ayaw mo saken??"tanong niya.
"Hala, hindi naman sa ganun. Di pa kasi ako ready sa love, tsaka kakabreak mo lang diba? Tsaka magka work tayo. Parang mas okay kung friends tayo,"
Di naman siya umimik sa sinabi ko at mukhang nalungkot siya kaya di siya nagsalita.
"Barry..." ako naman nangungulit sakanya. Parang nakonsensya ako sa sinabi ko kahit yun naman gusto kong sabihin.
"Barry.... uyyy" pero di pa rin niya ako iniimik.
Malapit na siyang lumiko sakanila pero di pa rin niya ako pinapansin.
"Barry naman eh, pansinin mo na ako. Sorry sa sinabe ko"
Huminto siya sa may gitna ng kalsada kung saan siya dapat liliko. Nakayuko lang siya.
"Alam mo, mahal ko si Katie. Sobra Anjo, nasanay ako na magkasama kaming dalawa na matagal na panahon tapos bigla na lang niya akong iiwan. Yung mga oras na dapat sakanya ko nilalaan, sayo ko nabibigay eh. Bakit kasi ang dali mong magustuhan Anjo??" Sabi niya pa. Nagulat ako sa sinabi niya.
"Lalaki ako Barry, babae si Katie"
"Hindi naman kasi dapat tayo nagmamahal dahil lalaki lang o babae yung isang tao. Wala naman kasarian pag nagmamahal diba?"
Medyo naguguluhan ako kay Barry talaga. Bakit niya sinasabi saken ngayon tong mga bagay na to.
"Anjo, siguro di pa kita gusto sa ngayon pero ang alam ko, ikaw lang gusto ko makasama sa ngayon. Niyayaya kita sa bahay ngayon kasi feeling ko mabubuang ako eh. Pagkauwi kasi galing trabaho, maguusap kami magdamag ni Katie. Nasanay ako don, tapos biglang mawawala"
Naaawa ako sakanya at the same time ang gulo. Sasabihin niyang mahal niya si Katie tapos magshishift ng topic at isisingit ako.
"Anjo please? Samahan mo lang ako. I promise, wala tayong gagawin na masama. Gusto ko lang ng may kausap" mukhang seryoso naman si Barry sa sinasabi niya. Naaawa ako sakanya, kitang kita kasi sa mata niya na malungkot siya.
"Osige, pero sasamahan lang kita ha? Tapos ihahatid mo ko samen ng 12 okay ba??" Sabi ko sakanya. Nagbago naman yung expression niya at nakita kong sumaya siya kahit papano.
"Oo naman sige sure!!" Bumalik yung sigla niya at naglakad na kami papunta sakanila.
Pagdating sa bahay nila, ganun pa rin yung set up. Medyo maliit at magulo. Basta isang kwarto lang siya, may kama at may study table.
Umupo ako sa kama niya. Napansin ko naman siyang naghubad ng damit at nagpunas ng likod. Naghubad din siya ng pantalon na suot at brief na lang natira, di ko naman maiwasan na di mapatingin sakanya. Ang hot kasi ng katawan ni Barry.
"Sabihin mo lang Anjo kung gusto mo ha???nag promise ako na walang gagawin pero kung pipilitin mo ko, papayag naman ako" nakatalikod na pala siya saken at nakatingin. Lumihis ako ng tingin at kunwari nagcecellphone.
"Tumabi siya saken at humiga, nakalagay yung kamay niya sa likos ng ulo niya.
"Anjo salamat sa pagsama ha? Hehe"
"Walang anuman hehe"
"Uhm may tanong lang ako sayo pero sana wag mo samain" sabi niya.
"Ano naman yun??"
"Sexually active ka ba??"
Medyo nagulat ako sa tanong niya pero nung tinignan ko siya, seryoso itsura niya na nakatingin saken.
"Ang tagal mo sumagot so siguro oo, Kaya ba ayaw mo sa love Anjo? Kasi mas nag eenjoy ka sa s*x???" Tanong niya pa.
Di na naman ako nakasagot sa tanong niya at tinignan ko lang siya.
"Haha mahirap ba tanong ko? Haha sorry kung masyadong personal hehe"
"No it's okay hehe"
"So, ano sagot mo sa tanong ko???" Sabi niya.
"Hmm. Di lang ako ready sa ngayon"
"Ehh di mo naman alam kung kailan darating sayo yung love e, kaya dapat everytime handa ka" paliwanag pa niya.
Hinawakan niya likod ko at hinimas himas. Medyo masarap sa pakiramdam yung ginagawa niya.
"Palagi kong ginagawa kay Katie to. Hehe,"
"Ehh ikaw? Paano nagsimula lovestory niyo ni Katie??"
Nagisip siya saglit at biglang ngumiti.
"Hindi ko naman siya hinanap, kusa lang siyang dumating saken. Unexpected, natapunan niya ako ng kape sa polo ko nun, sobrang inis na inis ako nun sakanya, pero nung nakita ko siya biglang huminto yung mundo, simula nun, di ko na siya tinantanan. Di ko na pinakawalan. Hanggang sa maging kami"
"Ehh bakit ba kayo naghiwalay??? Alam mo ba, simula nung umiyak ka saken nung naghiwalay kayo ni Katie, parang mas lalo akong natakot magmahal"
"Mas maraming beses na tumawa at naging masaya Anjo. Sobranh sarap magmahal lalo na kung totoong mahal mo siya. At mas lalong mas masarap makipagsex sa taong mahal mo. Di lang basta libog, may point na habang nagsesex kayo, magkekwentuhan kayo, minsan magtatawanan. Kasi di niyo lang nilalabas yung libog niyo, at the same time, nilalabas niyo rin yung pagmamahalan niyo" ang lalim ng hugot ni Barry pero mas maniniwala ako sakanya. Kasi mas may karanasan siya pagdating sa ganyan.
"Ngayon, habang kinekwento ko sayo to lahat, naiisip ko si Katie. Parang, namimiss ko siya lalo" sabi niya pa.
Napapansin ko sa mga mata ni Barry na naiiyak siya, pero nakangiti pa rin siya. Ang sarap siguro magmahal ni Barry. Parang siya yung tipo ng lalaki na hindi ka matatakot na ibigay yung lahat kasi alam mong di masasayang.
"Ha, enough na saken Anjo hehe. Sige, di na kita kukulitin. I'm gonna be your friend. Your close friend, alam ko maraming nakakagusto sayo, di na ako dadagdag" sabi niya pa.
Napangiti naman ako sa sinabi niya at ngumiti rin siya. Bumangon siya sa pagkakahiga at tumayo, hinawakan niya rin ako sa mga kamay ko at tinayo sabay niyakap ng mahigpit.
"Anjo, kakaiba ka. May something talaga sayo na talagang kakaiba. Kaya sobrang swerte ng makakatuluyan mo. Sobrang worth it ka" sabi niya saken. Ang sweet ni Barry, nakakainis. Napayakap tuloy ako sa kanya ng mahigpit.
"Salamat Barry" tangi kong nasagot.
"Tip ko lang, mamili ka na Anjo. Habang tumatagal kasi, mas lalalim feelings nila sayo, at kapag dumating na yung araw na may pinili ka, mas masakit para sa di mo pinili yun" nakatingin siya sa mga mata ko, seryoso siya at talagang concern.
"Alam ko Barry hehe" sabi ko.
"Good. Oh diba sabi ko sayo, wala akong gagawing masama sayo. Sana ganito palagi," sabi ni Barry
"Hindi, sana magkaayos kayo ni Katie para maging okay ka na. Hehe"
"Hehe sana magdilang anghel ka Anjo"
"Anghel talaga ako Barry"
"Haha di ka man lang nagpahumble? Haha"
"Joke lang" biro ko sakanya. Nagkwentuhan pa kaming dalawa ng kung ano ano, hanggang sa nagpahatid na ako sakanya hanggang samen.
.
.
.
"Oh yung sinabi ko sayo ha? Wag na magpaasa Anjo hehe. Maraming umaasa sayo" sabi niya. Nasa tapat na kami ng bahay namen, nakasuot pa rin siya ng boxer at sando.
"Haha oo, medyo nalinawan ako sa sinabi mo eh" sabi ko naman.
"Good. Ako ang magiging guide mo hehe,"
"Hehe, sige na salamat sa paghatid"
"Okay, sige goodnight Anjo" paalam ni Barry at pumasok na ako sa loob.
Naisip ko ng pumili. Pero paano? Paano ako mamimili? Ano bang gusto ko? Di ko pa kasi alam kung ano ba talaga gusto ko.
Kailangan ko ng tulong ni Marco.
"Oh bakit ngayon ka lang umuwi?" Tanong ni Kim saken. Mukhang kakauwi niya lang din kasi nakauniform siya.
Di naman ako sumagot sa tanong niya at dumiretso ako sa kwarto ko.
"Anjo, di ko alam kung ano ka ba talaga oh sino pero sinasabi ko sayo, di ako natutuwang nakikita kayong close ni Kuya Kurt" pinigilan niya ako gamit yung braso at harapang kinompronta.
"Di ko alam sinasabi mo" sabi ko sakanya.
"Oh come on Anjo, first Teejay at ngayon si Kuya. I get it, magkapatid lang kayo sa papel pero seriously? Stepbrother mo yun, nakakadiri ka" sabi niya pa.
Medyo naginit yung tenga ko sa sinabi niya saken. Nanggigil ako bigla.
"Ano bang problema mo saken Kim ha?!!" Medyo tinaasan ko na boses ko sakanya pero di man lang siya natakot.
"First your dad!! And then yung paglalandian niyo ni Teejay, then you're flirting with Kuya, what's next? Ha? Fvck, ang kati mo Anjo"
Sa sobrang inis ko sakanya, tinulak ko siya sa dibdib at napaupo siya sa sahig.
"Sumosobra ka na Kim. Di ako lumalaban sayo noon pero ngayon sumosobra ka na!!" Sigaw ko sakanya. Tumayo naman siya at gumanti, tinulak niya rin ako pero di alo natumba.
"Stay away from me!!! b***h!!" Sigaw niya saken at umakyat na siya sa kwarto ng nagdadabog.
"Anong problema mo?" Sigaw ni tita sakanya na pababa naman.
"Ma, si Anjo kasi tinulak, ang sakit!!! Natumba ako" sumbong ni Kim.
"Anjo bakit? Anong ginawa ng anak ko sayo??" Sabi ni tita.
"Siya po nauna...."
"Wag ka magsinungaling, ikaw naunang manulak Anjo!!!" Sigaw ni Kim saken.
"Sige na Kim, umakyat ka na, ako na makikipagusap kay Anjo" sabi ni Tita. Tumingin ng masama saken si Kim bago umakyat ng padabog.
Medyo kinakabahan ako sa paglapit ni tita saken pero mas nananaig yung galit ko kay Kim.
"Tita, si Kim po talaga...." nasa harap ko na si tita pero di ko natuloy sinasabi ko kasi sinampal niya ako ng malakas sa kaliwang pisngi ko. Sa sobrang sakit, napahawak ako sa pisngi ko at tumingin ako kay tita. Kalmado lang yung itsura niya pero yung sampal niya, napakalakas. Di ako nakapagsalita sa ginawa niya.
"Wala kang karapatang saktan anak ko, Anjo" sabi ni tita saken. Kalmado yung itsura niya pero nakakatakot.
"Siya po...." di ko na naman natapos sinabi ko kasi sinampal niya uli ako ng malakas
"Nag iwan ng malaking utang papa mo Anjo, maswerte ka't pinapag aral ka namen at pinapatira dito. Kung di ka lang hinabilin saken ng tatay mo pinabayaan na lang kita sa kalsada" sabi niya.
Di ako makapagsalita. First time kong masamplay sa tanan ng buhay ko, at dalawang beses pa sa isang tao pa.
"Isang beses pa na maulit yan Anjo, papalayasin na kita sa bahay na to" sabi pa ni tita.
"Umakyat ka na!! Baka makaisa ka pa!!" Sumigaw na si tita at dali dali na akong umakyat hawak yung pisngi ko. Di ko namamalayang umiiyak na pala ako. Siguro hindi dahil sa sakit, kundi sa pagtrato saken. Nakakaiyak kasi wala akong magawa. Minsan sinisisi ko si papa bakit nag iwan ng malaking utang. Edi sana, hindi ako nagdurusa ng ganito.
Pag akyat ko, bigla akong natapilok at sumubsob mukha ko sa sahig.
"Oops, sorry nakaharang yung paa ko hehe. Goodnight Anjo" si Kim yun at pumasok na sa kwarto niya.
Tanginaaaa talaga. Sobrang sakit sa dibdib ng nararamdaman ko. Parang sasabog na ako. Dali dali na ako bumangon at tumakbo papunta sa kwarto ko.
"Bakit ang tagal ng superman ko...." nasa loob ng kwarto ko si Kurt, nakahiga at naka boxer shorts lang uli siya. Nakatayo lang ako ng mga oras na yun, umiiyak at nagpupunas ng luha. May nalasahan din akong dugo sa labi ko.
"Fvck, Anjo ano nangyari?!!" Sabi ni Kurt. Lumapit siya saken at kinuha yung damit niya. Pinunas niya sa mukha ko, napansin ko ngang may dugo sa labi ko.
"Sino may gawa neto Anjo?!!" Tanong ni Kurt. Pinupunasan niya pa rin yung dugo sa labi ko. Di naman ako makapagsalita ng maayos dahil sa hagulgol kong iyak.
"Ano bang nangyari Anjo???" Niyakap niya na ako ng mahigpit at simula kanina, ngayon ko lang naramdaman na safe ako. Mas lalo tuloy akong naiyak sa ginawa ni Kurt.
"Tahan na, tahan na. Si Kim ba may gawa neto? Tanginaang yan sumosobra na yan!!"
"Waaa....wag... na. Lala... lalaki pa yu...yung gulo" utal utal kong sabi.
"Hindi Anjo, nangako ako sayo na hindi ko hahayaang mangyari sayo to. Tignan mo to, sobra na." Pinunasan niya uli yung dugo sa labi ko.
Tarantang taranta si Kurt sa nangyari saken. Pupunasan niya yung labi ko tapos yung luha ko tapos yayakapin ako uli.
Nakayakap lang ako sakanya ng binuhat niya ako sa kama at hiniga. Di ko pa rin mapigilan na hindi umiyak, nagtakip lang ako ng unan at dun ko sinigaw lahat. Nakahawak lang sa balikat ko si Kurt.
"Sige Anjo, iyak ka lang. Promise, ako ng bahala kay Kim bukas" sabi niya.
Di naman ako makasagot sa sinabi niya, basta ang sakit lang ng pakiramdam ko ngayon at tanging pagiyak lang alam kong solusyon.
Napagod na ako sa kakaiyak at di ko namalayang nakatulog na pala ako.