Nasaan si papa???" Sigaw ko sa phone. Bigla na lang tumulo mga luha ko habang nakasakay ako sa sasakyan ng mama ni Marco. Ihahatid niya daw ako kay papa.
"Kalma ka lang Anjo. Malapit na tayo"
Kinakabahan ako. Wala na si papa. Di ko alam kung anong gagawin ko.
Alam kong ospital to kasi nagpacheck up kami ni papa dati rito. Bumaba kami ng sasakyan. Umuulan nun, pumasok kami ng ospital at umakyat sa kwarto ni papa.
Pagpasok namen sa kwarto, nakita kong may nakatakip na kumot sa higaan. Si tita nakaupo sa gilid kausap yung isang lalaki. Napansin nilang pumasok kami kaya nilapitan ako ni tita at yumakap ng mahigpit. Bigla naman siyang umiyak at humagulgol.
"Wala na si papa mo Anjo" sabi ni tita. Mas naiyak ako dun, kahit kanina ko pa alam, mas nakakaiyak kapag nasa harapan mo na siya.
Tinanggal nung lalaki yung kumot at dun ko nakita si papa, nakapikit at namumutla. Lumapit ako sakanya at yumakap ng mahigpit. Gusto kong humingi ng tawad kay papa kaso huli na yung lahat.
"Inatake siya Anjo." Sabi saken nung lalaki at hinawakan niya ako sa balikat.
"Abogado pala ako ng papa mo" sabi niya pa.
"Hindi na po ba mabubuhay si papa??" Tanong ko. Mukhang naawa saken yung lalaki kaya hinawakan niya ako sa braso ko.
"Aalagaan ka na ng tita mo ngayon" sabi pa. Lumingon ako kay tita at nakita ko siyang nakikipagusap sa mama ni Marco. Nagkakamustahan, mukhang magkakilala silang dalawa.
"Sorry Anjo, iniwan lahat ng papa mo yung lahat ng meron siya sa tita mo." Paliwanag pa saken. Wala naman akong paki sa pera eh, ang gusto ko lang makausap ko si papa.
Nakakaramdam naman ako ng pagkakiliti ng leeg ko. Tinignan ko si tita at mama ni Marco, nagtatawanan sila. Lumapit sakanila yung Abogado ni papa at pasimpleng ngumiti sakanila. Nakayakap pa rin ako kay papa.
Pero nakikiliti talaga ako sa leeg.
"Anjo, gising na" bigla kong narinig. Hinanap ko kung sino yung nagsasalita.
"Anjooo" pagmulat ng mga ko, nakita ko si Kurt kaharap ko at nakangiti. Ang gwapo ng itsura niya kahit gulo gulo buhok niya.
"Nagising din siya oh hehe. Gising na" sabay halik na naman sa leeg ko. Napatingin ako kay Kurt at saka ko narealize, katabi ko sa pagtulog si Kurt. Dali dali akong bumangon, tapos nakahubad pa siya.
"Ohhh bakit??" Tanong niya saken, nakaupo ako sa kama habang siya naman nakahiga pa.
Tumihaya siya at nilagay mga kamay sa likod ng ulo niya, ang hot ni Kurt.
"Okay ka lang ba? Nagsasalita ka kasi matulog eh. Namimiss ko papa mo??" Tanong ni Kurt saken.
"Ahh oo ehh. Napanaginipan ko"
"Ahhhh. Okay ka lang??" Umupo rin siya sa kama sabay yakap saken sa likod.
"Oo naman pero bakit nandito ka???" Tinanggal ko pagkakayakap niya saken.
"Ehhh iyak ka ng iyak kagabi eh. Di kita maiwan, hinintay lang naman kita makatulog eh di ko namalayang nakatulog na rin pala ako" paliwanag niya.
"Paano kung pumasok sila rito sa kwarto?"
"Ni lock ko naman kwarto mo"
"Eh pano kung hanapin ka sa kwarto mo"
"Ni lock ko rin kwarto ko. Wag na maraming tanong, nakatabi mo na ako sa pagtulog eh" sabi niya pa sabay ngiti.
Hindi naman siguro counted yung ganito kasi di naman kami nagsex ni Kurt. Ayaw ko makasira ng rule ko.
"Bakit ka kasi tumabi saken" sabi ko.
"Ayyy ayaw mo ba??"
"Ayaw ko lang ng may katabi sa pagtulog" sabi ko.
"Ahh ganun ba" mukhang nalungkot naman siya kaya tumayo siya at nag inat inat.
"Sige Anjo, balik na ako sa kwarto ko" paalam niya.
"Uyy galit ka ba?" Tanong ko.
"Hindi" ngumiti siya ng pilit at lumabas ng kwarto ko. Di ko alam kung anong nasabi kong mali sakanya pero ang alam ko, male late na ako kapag hindi pa ako kumilos.
Naligo na ako agad at nagbihis. Bumaba ako para magluto ng kakainin, wala na kasi akong pera kaya kailangan kong kumain ng marami.
Pagpasok ko sa school, nakasalubong ko si Teejay at mukhang maganda yung araw niya kasi nakangiti siya nung nakasalubong niya ako. Tinakpan ko naman yung labi ko kasi alam kong mag aalala siya.
"Hi Anjowings of my love" bati niya.
"Hello" bati ko.
Inamoy niya yung sarili niya at nagbigay ng expression na naguguluhan.
"Mabaho ba ako Anjowings? Bakit nakatakip ka?" Tanong niya
"Ahhh wala hehe. Tara na, kate na hehe"
"Hindi may mali ehhh." Hinawakan niya kamay ko at tinanggal sa pagkakatakip sa labi ko. Nanlaki naman mata niya sa nakita niyang maga sa labi ko.
"Shtt Anjo!! Ano nangyari diyan???" Hinawakan niya yung mukha ko, tinitigan niya yung labi at mukhang nag aalala siya.
"Ahhh wala, nadulas lang ako" sabi ko.
"Sure ka??? Fvck, yung totoo Anjo? Sino may gawa niyan??" Tanong niya
"Nadulas lang talaga ako" sabi ko.
"Hay nako kang bata ka, di ka kasi nag iingat eh. Dapat saken ka na lang nahulog eh di ka naman masasaktan kasi sasaluhin kita" bigla naman akong napangiti sa sinabi niya. Ganun din reaksyon niya, ngumiti siya. Fvck, magkaharap kaming dalawa at hawak niya mga labi ko.
"Kung di ko lang alam na may something kayo, infairness, di ko kayo pagkakamalang nagliligawan, parang bromance lang" si Marco yun kasama si David. Nasa likod sila ni Teejay.
"Talagang dito pa kayo naglandian sa harap ng napakaraming estudyante ah??" Napansin nameng ang dami ngang pumapasok na estudyante pero di naman kami pinapansin.
"Haha ewan ko sayo BB"
"Haha, ang tagal naman Teejay, kailan ba magiging kayo??" Si David naman yung sumingit.
"Haha wag tayo magmadali, tsaka di pa naman ako nanliligaw eh. Masarap kaya manligaw kaya maghihintay ako para sa Anjowings ko" sabi ni Teejay.
Di pa pala siya nanliligaw. Paano pa kaya kapag nanligaw siya???
"Tara na nga nakakainis kayo male late na haha" sabi ko sakanila. Sabay sabay na kaming naglakad papunta sa room.
.
.
.
.
Lumipas ang araw na paulit ulit na lang. Papasok ako, tapos papasok sa work tapos matutulog. Araw araw. Walang palya.
Saktong 50 pesos na lang pera ko at okay lang yun kasi weekend na bukas. Uubusin ko na to, akalain mo yun 500 pesos for 2 weeks, ang galing. Pero ang hirap.
"Okay, since last week na lang next week at summer vacation na, kailangan na natin iperform yung buong play ha? Pagbutihin niyo. Para satin naman tong lahat eh okay ba??" Sabi nung kaklase ko.
"Oo naman!!!!!" Sigaw nameng lahat.
"Salamat, mahahalikan na rin kita Anjowings. Alam mo na, bawal na tumanggi. Actual practice na daw ha ha ha ha"
"Tuwang tuwa ka naman? Haha" sabi ko.
"Aba oo naman haha, pero Anjowings bukas ha? Aalis tayo. May date tayo kaya bawal ka mawala. Saken ka lang maghapon" paalala niya.
"Opo. Wag na makulit hehe" sabi ko naman.
Naglakad na kami palabas ng school para umuwi, ako naman kailangan kong pumasok sa bar. Bitbit pa rin ni Teejay yung bag ko kasi ayaw daw niyang napapagod ako.
Paglabas namen ng school, napansin ko yung sasakyan ni Drew sa tapat at tama nga ako, siya nga yun. Lumabas kasi si Jerome sa sasakyan, ang lakas ng dating niya. Ang gwapo niya kasi. Lumapit siya samen ni Teejay. Bigla naman akong inakbayan ni Teejay na parang pinoprotektahan niya.
"Hi Anjo, Sir Drew is looking for you" bulong saken ni Jerome.
"Now na?" Sabi ko.
"Yeap" sagot niya. Mukhang nakasakay si Drew sa loob ng sasakyan.
"Sige na Teejay, sasama ako sakanya" sabi ko kay Teejay.
"Ha? Bakit?"
"Ipapaliwanag ko sayo sa susunod ha?" Ayaw pa ako pakawalan ni Teejay pero pumayag na rin siya.
"Mag ingat ka Anjo ha, text mo ko" bulong niya sa tenga ko at niyakap ako ng mahigpit.
"Hmmmmm Ang bango bango mo talaga" bulong niya uli saken. Ngumiti lang ako at nakita kong ngumiti rin siya, ang gwapo niya talaga.
Sumunod ako kay Jerome at sumakay sa kotse, tama nga ako andun si Drew.
"Haysy teenage love. Halika na Anjo, aalis tayo" sabi ni Drew.
"Saan naman tayo pupunta??" Tanong ko.
"Magdidinner" sabi niya.
"Kailangan kasama ako?"
"Ofcourse, ang sarap mo kaya kasama hehe" sabi niya.
Di kasi makakaila kagwapuhan netong si Drew. Malaki katawan tapos chinito pa. Talagang mapapalingon ka pag nakasalubong mo baka sundan mo pa tapos sunggaban pa.
"Saan naman??" Tanong ko.
"I miss Banapple. Let's go there. Sa SM north Jerome ha?" Sabi ni Drew. Umoo lang si Jerome.
"So, that's Teejay huh? Nice. Super cute at charming. You must really like him" sabi ni Drew.
"Ahh ehhh..."
"I can see it in your eyes Anjo, you like him. Admit it"
"Di naman..."
"Sus, admit it Anjo."
"Paano ko maaadmit kung pinuputol mo sinasabi ko?" Tanong ko. Bigla naman siyang tumawa ng malakas, napansin ko ring napatawa si Jerome.
"Hahaha Anjo, ikaw lang talaga nakakagawa saken niyan." Sabi niya pa.
"Ehh kasi nagsasalita ako tapos biglang sisingit"
"Haha I'm sorry, so ano yun?" Tanong niya.
"Wala, nawala na yung sasabihin ko." Sabi ko na lang.
"Haha suplado mo, hope you're hungry cause I really am"
Medyo gutom nga ako.
Ilang saglit pa, nakaupo na kami sa restaurant at umorder ng pagkain. Ang mahal ng pagkain pero ang sasarap tignan.
"Don't look at the price, just order anything okay?" Sabi ni Drew.
Mukhang masarap yung sweetened pork. Kaya ayun inorder ko, umorder din siya ng kanya. Umorder din ng cake at pie.
"Ohh don't worry uubusin nating lahat yan hehe. So how was school?" Tanong saken.
"Okay naman. Ngarag na sa practice sa play namen"
"Oh yeah I heard about that play. Manunuod ako ha? So ibigay mo lahat hehe"
"Hala nakakahiya"
"Sus saken ka pa nahiya haha. Pero maiba tayo, ang cute nung kasama mo ha? Seriously, ang dami mong suitors."
"Haha, hindi ko rin alam. Baka talaga sa creamsilk green yun, palagi nilang naaamoy eh" sabi ko.
"Ahhh? Sige ganun na lang din gagamitin ko baka sakaling bumalik din yung nangiwan saken" bigla siyang humugot ng ganun, di ko alam na pala hugot din pala siya.
"Ayy sino yan??" Tanong ko.
"Haha nothing, just my past." Sabi ko.
"Ayieeeee. Lovelife siya oh" biro ko sakanya.
"Stop. I'm already 29, korny stuff na saken yang mga yan" sabi niya.
"Sht! Seryoso 29 ka na?"
"Why? Mukha ba akong matanda??" Tanong niya.
"No, akala ko 21 o 22 lang. Wala sa itsura at katawan"
"Hahaha well I'll take that as a compliment okay"
Infernes, di talaga halata sakanya.
Dumating naman na yung inorder nameng pagkain. Ang laki ng serving at mukhang napakasarap, sulit naman pala yung bayad.
"Ehh Drew, sino ba yung tinutukoy mo???" Tanong ko naman.
"Nothing, I don't think he's my ex kasi we're just having s*x. No commitment, just s*x"
"He?"
"Haha bakit? Hindi ba halata???" Tanong niya.
"First, your age tapos yung preference, grabe. Sino na lang kaya straight ngayon" sabi ko.
"Hahaha well, ganyan na talaga."
"Pero iniiba mo yung topic eh, dali na sino ba yun???" Pangungulit ko.
"Hays, wala. Namimiss ko lang siya kasi para saken, it was more than just s*x. Then one day he decides to stay away. I promise myself not to stalk him para iwas sakit."
Medyo seryoso siya sa sinasabi niya. Hindi ko alam kung paano ko siya icocomfort.
"Oh, don't pity me. Trust me, I'm okay hehe" sabi niya.
"Sure ka?"
"Ofcourse" sagot niya. Okay na ako sa sagot niyang yun.
"Wait, nasaan si Jerome?" Tanong ko.
"Umalis siya, busog daw eh kaya pinagala ko na muna"
"Ahh okay..."
"I don't know if Jerome likes you though, kasi parang ikaw yung bukambibig niya lately. Anjo, Anjo, Anjo"
Natahimik naman ako sa sinabi niya, parang nahiya kaya tinuloy ko na lang yung pagkain ko.
"Hey, don't be afraid na magkwento saken ha? Think of me as your older brother you never had" sabi niya. Ang sweet ni Drew, bakit kaya biglang may dumating na ganito sa buhay ko.
"So I guess I'll start calling you Kuya Drew" sabi ko.
"Hmmm, I like it. Kuya Drew it is"
.
.
.
.
.
Nasa SM Manila kaming dalawa ni Teejay. Saturdate daw namen today, kaya bawal magsama. Nakasuot lang ako ng favorite Tshirt kong kulay blue at black pants, ofcourse loose siya. Naka rubber shoes ako.
Si Teejay naman napakasimple pero sobrang pogi. Naka white sando lang siya tapos nakapatong na polo na stripes, nakablack pants at naka white chucks. Naka cap din siya at sobrang bagay sakanya yun. Ang bango bango pa niya. Pinagtitinginan nga siya ng mga babae eh pero siya, straight lang paningin niya.
"Nako Anjowings, malusaw naman ako kakatitig mo niyan saken"
Di ko namalayang nakatingin na pala ako sakanya.
"Haha okay lang, gusto ko naman yun ehh" sabi niya pa.
"Tse, ewan ko sayo haha saan ba tayo pupunta?" Tanong ko.
"Mamaya pa talagang hapon yung surprise ko kasi mainit pa sa labas eh" sabi niya.
"Ano ba yun???"
"Secret, hehe sa taas muna tayo. Basketball tayo" hinila niya ako papuntang World of fun, bumili siyang token at naglaro kami ng basketball.
"Ohh ganito, pag nanalo ako, kikiss kita sa lips tapos pag nanalo ka, ikikiss mo naman ako sa lips" sabi niya.
"Hala ang daya, wala naman akong kawala"
"Haha sige, ganito. Kung sino manalo, dare na dapat sundin. Okay?" Sabi niya. Pumayag naman ako sa gusto niya pero di ko alam kung ano idadare ko sakanya.
Nagsimula na kaming maglaro. Ang daya ang galing ni Teejay maglaro, nakaka 40 na siya ako 18 palang. Nakangiti lang siya habang naglalaro pero ako gusto ko manalo.
Napansin niya ata na sinusubukan kong maka shoot at makahabol sakanya kaya tumigil siya sa pagtira ang score niya 62. Hanggang sa maubos yung oras, di ako nanalo sakanya kahit tumigil siya.
"Haha ayan na Anjowings ha? Ako panalo. Ang dare ko kikiss kita sa kahit saang part ng mukha mo" sabi niya.
"Ang daya.."
"Opps opps, walang atrasan haha." Inakbayan niya nalang ako at ginulo yung buhok ko.
"Cute cute mo talaga Anjowings, nakakagigil ka" naglakad lakad na uli kami sa loob ng mall.
"Tara na Anjowings, labas na tayo"
"Saan ba tayo pupunta??"
"Sa Luneta haha. Akala mo kung saan no? Lakad lakad lang tayo dun para naman relaxing" sabi niya.
Naalala ko na naman nung nakita ko siya dito nung nakipagmeet ako sa nakilala ko sa grindr.
Alasais na ng gabi yun, madilim pero mapayapa talaga sa luneta. Kahit maraming tao, parang ang romantic talaga. Siguro sa ambiance at pailaw neto.
Huminto kami sa gitna ng damuhan at nagpasyang mahiga. May dala siyang sapin at pagkaing chichiriya para samen.
"Anjo??" Tanong niya.
"Bakit??"
"Wala lang hehe. Parang every moment na kasama kita ang saya saya"
Napangiti lang ako sakanya. Di ko alam kung napansin niya.
"Gustong gusto ko na uli mahawakan kamay mo" sabi niya pa.
Di talaga ako makasagot sa sinasabi niya. Pero deep inside kinikilig ako.
"Sabi ko kasi sa susunod na hahawakan ko kamay mo, gusto ko kapag tayo na hehe. Lakas ko mag day dream no?" Sabi niya.
Ang daming stars sa langit. Di gaanong kita pero kapag tinignan mong mabuti, may makikita kang marami.
"May kausap pa ba ako? Haha" sabi niya.
"Hehe oo andito pa ako" sabi ko na lang.
"Akala ko wala na eh."
"Di ko lang alam isasagot sa mga sinasabi mo" sabi ko na lang.
"Hehe wag ka mag alala. Gusto ko lang ilabas feelings ko" sabi pa ni Teejay.
Sa totoo, sobrang kinikilig ako. Si Teejay kasi talaga ang crush ko simula pa lang, tapos nakakatuwa na gusto rin pala niya ako.
Bigla naman siyang bumangon at umupo.
"Tara na Anjo, may isa pa tayong pupuntahan" sabi niya pa. Tumayo siya at tinulungan niya ako bumangon. Naglakad lakad kami hanggang sa makarating kami sa Chinese Garden.
"Ohh, sarado na yan ahhh gabi na" sabi ko.
"Hehe syempre, pasaway tayo eh kaya papasok tayo diyan" sabi niya. Madilim sa loob, at mapuno kaya talaga mahirap mangapa. Nakakatakot pa nga kasi madilim talaga at walang katao tao. Malamig pa yung hampas ng hangin.
"Nako Teejay, labas na kaya tayo. Walang kailaw ilaw oh" sabi ko.
"Hindi, tahimik kasi dito at mapayapa kaya kita dinala dito"
Nakapunta na ako dito kaya okay lang, medyo kabisado ko naman to.
Nakarating kami sa gitna, sa hilera ng upuan na may daanan sa gitna. May halaman at bulaklak sa gilid neto kaya talagang maganda lalo na kapag may ilaw.
"Teejay, medyo natatakot na ako, tara na alis na tayo" sabi ko.
Di naman siya sumagot.
"Teejay" fvck, wala na si Teejay sa tabi ko. Ang dilim dilim pa!!
"Teejay, hindi magandang biro to ah!!" Kinikilabutan na ako sa takot ko.
Pero maya maya, biglang nagkaroon ng ilaw. Christmas lights sa paligid ng daan at sa mga halaman sa gilid. Nagkaroon ng liwanag yung paligid dahil dun.
Ang ganda. Iba't ibang kulay, para akong nasa ibang lugar. Sa sobrang dilim, lutang na lutang yung mga ilaw.
"Anjo" tawag ni Teejay saken, lumingon ako at nakita ko siyang nakatayo sa dulo ng daanan. Nag iba siya ng damit, naka suot siya ng puting T Shirt na may naka print kaso di ko makita kung ano yun.
"Teejay ano to??" Tanong ko.
Bigla namang may tumugtog na kanta, di ako masyadong familiar pero alam ko to.
"Say it's true, there's nothing like me and you, Not alone, tell me you feel it too" Runaway by the Corrs
"Anjo, I'm sure about my feelings for you" unti unti siyang lumalapit saken.
"Sinubukan kong itago feelings ko for you pero the more na tinatago ko, the more na gusto niyang lumabas" medyo malapit na siya pero yung kanta talaga, ang sweet at ang romantic.
"Anjo, you're a very special person. The thing is, you're not aware na special ka. That's why I like you even more" sabi niya pa. Hindi ako makapagsalita, malapit na siya sa harap ko.
Bigla naman siyang pumikit at mukhang dinadamdam yung kanta.
"Narinig mo yun? I'm never gonna stop falling inlove with you. I'll fall inlove with you Anjo every single day"
Nasa harap ko na siya. Di ko alam kung anong sasabihin ko.
"I would runaway with you Anjo" sabi niya.
Di ko namamalayang tumutulo na pala luha ko habang nakatitig ako sa paglapit niya.
"Everytime na naririnig ko tong song na to, ikaw naaalala ko. To think that this song is very special to me, I promise myseld that I'll dedicate this song to The One. And I know Anjo ikaw yun"
"Teejay....."
"Anjo..," pinunasan niya yung luha ko sa mga mata.
"Di ko alam Teejay"
"Shhhh, Di ako nagmamadali Anjo, nandito ako ngayon hindi para tanungin kung pwede bang maging tayo, gusto ko lang gawin to kasi everytime na dine daydream ko to, kinikilig ako ng sobra. Ngayong ginawa ko na, sobra sobrang kilig nararamdaman ko"
Fvck Teejay, sa sobrang kilig naiiyak ako.
"And I just wanted to ask you if...." kinuha niya yung bulaklak sa likuran niya. Isang white rose.
"White rose for new start Anjo, new start para saten. I just wanted to ask you if, pwede ba kitang ligawan???" Tanong niya.
Nakangiti siya saken. Ang sarap sa pakiramdam nung tugtog. Parang nakakainlove, at si pa Teejay nasa harap ko ngayon.
"Oo naman" sabi ko naman. Ngumiti kaming pareha at niyakap niya ako ng mahigpit na mahigpit.
Ang sarap sa pakiramdam. First time ko tong ganito, nakakatuwa at nakakakilig.
Humarap siya saken, hawak hawak pisngi ko. Nakatitig siya sa mga mata ko. Ang ganda ng kislap ng mata niya dito dahil sa mga christmas lights sa paligid.
"Kukunin ko lang prize ko sa pagkapanalo ko kanina sa basketball" sht yung kiss.
Ngayon na ba yung first kiss ko? Lumalapit na yung mukha niya saken. Unti unti siyang pumipikit. Di ko alam gagawin ko kaya pumikit na lang din ako. Hinihintay kung anong gagawin niya.
Naramdaman ko na lang na hinalikan niya ako sa noo ko. Bakit ang sarap sa feeling kapag hinahalikan sa noo, parang may respeto at pagmamahal.
"Wala pang nakahalik sayo, promise we'll make it special soon hehe" sabi niya pa. Natuwa ako sa sinabi niya kaya napayakap ako sakanya.
Nakarinig naman ako ng palakpakan. Tinignan ko kung sino yun, si Marco at David pala!
"Woooo nice#!!!!!" Sigaw nilang dalawa.
"Haha, sila talaga nagset up dito hehe" bulong ni Teejay. Lumapit naman silang dalawa at pinicturan kaming dalawa. Nakayakap si Teejay saken at ganun din ako sakanya habang hawak ko yung rose.
"Ahhh ang ganda ng shot BB" Sabi ni Marco saken. Ngumiti lang ako pero di ko inalis yung pagkakayakap saken ni Teejay.
For me, ayun ang pinaka memorable night ko.