Part 23

2828 Words
"BB, kailan niyo pinrepare to??" Tanong ko kay Marco. Naguusap si Teejay at David sa malayo. "Edi binayaran namen to haha. Wag mo ng isipin yun hehe" sabi pa ni Marco "Grabe BB, sobrang nakaka touch." Natuwa si Marco sa sinabi ko kaya niyakap niya ako ng mahigpit. "BB, malapit ka na mag 20. Siguro naman naenjoy mo na yung buhay single, try mo magseryoso na. Ang sarap sa feeling talaga" mukha sa kwento ni Marco, sobrang saya niya sa piling ni David. "Natatakot lang ako masaktan" sabi ko sakanya. "Eh paano mo mararanasan yung masasayang pangyayari kung palagi kang matatakot. Tsaka isa pa, paminsan minsan hindi puro sarap para naman maranasan mo yung totoong buhay" sabi niya pa. "Kailan ka pa naging ganyan? Parang ang laki ng pinagbago mo" sabi ko. "Syempre inlove haha. Masarap BB, kahit minsan may tampuhan, feeling mo palagi siyang nandiyan para bantayan ka. Parang ganun" Kung titignan ko si Marco ngayon, napakalaki ng pinagbago niya. Pero in a good way. Siguro masarap nga mainlove. "Babyloves, tara na. May pupuntahan pa raw sila" tawag ni David kay Marco. "Saan pa kayo pupunta BB?" tanong ni Marco. "Hala di ko alam," "Anjo tara na, hahatid na kita pauwi" sabi ni Teejay. "Akala ko aalis pa kayo eh hehe sige na BB, mag ingat kayo pauwi" niyakap ako ng mahigpit ni Anjo "BB yung sinabi ko sayo ha? Seryoso na. Wag ng maglaro, matanda ka na hehe" "Opo" sabi ko sakanya. . . . . "Salamat sa masayang araw Anjo, sa susunod uli" sabi ni Teejay pagdating sa bahay namen. "Salamat din Teejay" nakangiti kong sabi. Umalis na siya at pumasok na ako sa loob. Nakita ko naman si tita na nanunuod sa sala. Pinatay niya yung TV agad nung nakita ako, tumayo siya at lumapit saken. Natakot ako sa inaasal ni tita. "Anjo totoo bang kinuha ka ni Sir Drew sa opisina niya?" Tanong ni tita. "Ahhh ehhh..." "Wag ka magsinungaling" kalmado lang si tita. "Opo" sabi ko. Huminga siya ng malalim at mukhang naiinis. "Umakyat ka na Anjo, baka kung ano pa magawa ko sayo" sabi niya pa. Fvck, ano ba ginawa ko. Dali dali na akong umakyat at dumiretso sa kwarto ko. Nahiga agad ako sa kama ko. Di ko na lang inisip yung sinabi ni tita sa baba, inisip ko na lang yung ginawa para saken ni Teejay. Kinikilig pa rin ako, first time may gumawa saken ng ganun, ang sarap pala sa pakiramdam. Nagupdate kaagad ako ng status ko sa f*******:. "Super happy :))))" Nagscroll pa ako bago ko pinatay yung data at nagshower. Pagkabalik ko sa kwarto ko, nandun si Kurt sa kwarto ko. Nakaupo sa kama at nagtetext. Nakatapis lang ako ng tuwalya sa pangibaba. "Woot. Woot. Ang sexy naman ni Anjo" sabi ni Kurt saken, nakatitig siya ng malagkit saken. "Hala, bakit ka nandito" tanong ko. "Bakit? Ayaw mo ba???" "Ehhh magbibihis pa ako" "Sus, nakita ko na yan lahat hehe." Naiilang pa rin ako kaya pinatalikod ko na lang muna siya habang nagbibihis ako. "Nakabihis ka na ba?" Tanong ni Kurt. "Yeap" "Good, tabi ka saken Anjo," sabi niya. Pero di ako tumabi sakanya, nagsuklay muna ako ng buhok ko. "Hmm suplado naman, purkit masaya lang siya, di na namansin hmp" "Hala, hindi ah hehe" "Pero bakit ka happy Anjo? May nangyari ba??" Tanong niya. Mukhang interesado siya sa nangyayari saken. "Ahhh wala yun hehe" "First time mo kaya magstatus ng ganun, puro ka share ng posts eh, tapos nagulat ako bigla kang nagstatus ng ganun" "Hala, wala nga yun" naalala ko na naman yung ginawa ni Teejay saken. di ko maiwasang mapangiti. "Ayan oh nakangiti ka, hayst. Si Teejay ba yun??" Tanong niya. "Ahhh?" "Si Teejay yun. Nagcomment siya sa post mo eh, "thank you <3" may pag puso siya siya eh" mukha namang naiinis si Kurt, di ko na lang muna pinansin, ayoko maispoil yung gabi. "Sige Anjo, aalis na ako. Goodnight ha?" Paalam ni Kurt, mukha talaga siyang naaasar. Hinawakan niya lang ako sa braso sabay labas ng kwarto ko. Nung tapos na ako magsuklay at magpatuyo ng buhok ko, humiga na ako sa kama habang kaharap yung cellphone ko. Gusto ko sanang itext si Teejay eh, kaso nahihiya ako kung ano bang sasabihin ko. Nag type muna ako ng "nakauwi ka na?" Pero di ko alam kung isesend ko. Tinitigan ko lang at nagbasa muna ako ng pasts convo nameng dalawa. Di ko naman mapigilang mapangiti sa mga banat niya. Maya maya, di ko napansin na nakatype pa pala yung tinext ko, di ko sinasadyang mapindot yung send. Kinakabahan ako, nahihiya pero kinikilig talaga ako. Di naman nagtagal, nagreply kaagad siya. "Oo, kanina pa. Kakatapos ko lang magshower hehe" reply niya. "Ah ganun ba? Kakatapos ko lang din magshower ehh" reply ko naman. "Ahhh siguro ang sarap sarap mong amuyin ngayon :))" fvck, ewan ko naiimagine ko tuloy na inaamoy ako ni Teejay ngayon, sa leeg ko at sa mukha ko habanh nakapikit kaming pareho. "Haha baliw, ewan ko sayo :)" reply ko. Di ko talaga matago yung kilig na nararamdaman ko. "Awww, Anjo, bakit ka naglagay ng smiley, kinikilig tuloy ako :"""")" reply niya. Fvck Teejay, mas kinikilig ako sayo. Parang baliw ako rito na nakangiti habang katext siya. ":))" reply ko naman sakanya. "Argh!!!! Stop it!! :')" naiimagine ko si Teejay ngayon, siguro nakangiti rin siya. Fvck, di ako mapakali sa higaan ko. Parang ang kati kati ng tyan ko kasi galaw ako ng galaw. "Haha ano ba yun??" Reply ko. "Pinapakilig mo kasi ako ehhh" reply niya pa. "Wala naman akong ginagawa ahh??" Sabi ko sakanya "Ayun na nga eh, wala kang ginagawa pero kinikilig ako sayo :)))))" eto na naman yung kilig ko. "Wag ka nga, mas kinikilig ako sayo lalo na kanina :))))" "Argh, Anjo ano ba! Kinikilig talaga ako haha, :)))))" "Ang cute mo kanina ;)" sabi ko. "ARGH!!!! Anjo, namumula na ako dito kakangiti :)))" "Haha totoo naman kasi ehhh" reply ko. "Haha, eh ikaw nga kanina parang inosenteng bata, sarap pisil pisilin" sabi niya pa. "Haha, ikaw din kaya. Sarap kurutin ng pisngi mo, nako :'))" "Bakit kasi naglalagay ka ng kilig na smiley??? Anjo naman eh!! Siguro kung nakakamatay yung kilig, namatay na ako :""""""")" nakakatuwa si Teejay. Nakakakilig talaga. Huminga ako ng malalim para naman makakakalma ako. "Haha edi sige hindi na" reply ko. "Yan, ganyan muna tayo ngayon hehe" "Ohh kumain ka ba?" Text ko. "Hindi na, busog na busog na ako sayo kanina eh" "Haha ano ako pagkain? Haha" "Di ka lang basta pagkain, napakasarap na pagkain at tanawin pa :)))" "Haha pinagloloko mo na ako eh" "Ay ayan naman ang hindi ko gagawin sayo, ang lokohin ka :))" "Ayy ganun? Hehe" "Ano bang suot mo ngayon??" Tanong niya. "Naka Tshirt lang ako at shorts hehe ikaw?" "Naka sando at boxer lang hehe. Nung nakaraang linggo katabi kita rito sa kama ko. Namimiss na kita rito" sabi niya. "Hehe, dapat sa susunod paglulutuan mo na ako" "Oo naman, mag aaral ako magluto para sayo" "Ayan, tapos menudo lutuin mo ha?" "Oo, masarap na menudo na puno ng pagmamahal :))" "Haha ewan ko sayo, di ka pa ba matutulog?" Tanong ko. "Mahihirapan ako netong makatulog kasi sobrang kinikilig ako :))" reply ko. "Haha ako rin kaya kinikilig :)))" sabi ko. "ANJO ANO BA!!!!&39284(2029!!!! SOBRANG KINIKILIG AKO NUNG SINABI MONG KINIKILIG KA :(((( :)))))" "Bakit kailangang naka caps lahat??" "Bakit kailangan mo kong pakigilan ng ganyan???" Sabi niya pa. Hayst, di ko na kaya. Sobrang kinikilig na talaga ako. "Haha tara na't matulog" reply ko. "Hehe sige tara na, sarap matulog ng ganito, nakangiti ng todo" sabi niya. "Hehe salamat sa masayang araw, grabe talaga super unexpected." "Hehe, para naman sayo lahat eh. Gusto ko lang palagi kang masaya, at gusto ko, ako palagi gagawa ng dahilan para mapasaya ka hehe" "Wow, salamat naman. Sweet :))" "Hehe ayan ka na naman sa smiley Anjo ehhh" "Haha sorry, sige na Goodnight na Teejay." "Sige Goodnight Anjowings ofmylove! Mwaps mwaps :)))))" Ayoko na replayan kasi alam ko di pa matatapos yung usapan, basta ang alam ko matutulog na naman akong masaya at nakangiti, salamat kay Teejay. Exam week na namen. Tinanggal ko muna lahat ng gala ko at nilimitahan lahat para mag aral, hindi ako pwedeng madistract. Sunday night, maghapon lang akong nakakulong sa kwarto ko habang nagrereview. Nakapatay cellphone ko maghapon. "Anjo???" Boses ni Kurt yun, kumakatok sa pinto. "Anjo, may tatanong lang ako" sabi niya pa. Tumayo ako para pagbuksan siya. Nakita ko siyang naka boxer shorts lang at wala pa ring damit. May hawak siya na notebook at libro. "Patulong naman ako Anjo, exam ko bukas ehhh" sabi ni Kurt. "Ah sige tara" niyaya ko siya sa loob, tumabi siya saken sa may kama at tinuruan ko siya ng math. "Sobrang saya rin ni Teejay ha?" Sabi ni Kurt. "Huh???" "I mean, sobrang saya rin ng status niya. Sabay kayong dalawa" sabi niya habang nasa kalagitnaan ng pag aaral namen. "Ahh hehe, wala nga yun"sabi ko. "Talaga??? Kayo na bang dalawa???" Tanong niya. "Hindi" "Hindi o hindi pa?" "Kurt, nag aaral tayo eh, please. Magfocus tayo dito" "Sagutin mo lang kasi yung tanong ko" "Ano ba kasi yun???" "Ano bang ginawa niyo ni Teejay at mukhang masaya kayong dalawa???" Nakukulitan na ako kay Kurt. "Nanliligaw siya" sabi ko. "Matagal naman ng nanliligaw yun ah??" "Ngayon lang niya sinabi ng directly. Wala lang, natuwa lang ako dun hehe" sabi ko. Tumingin siya saken. Di ko alam kung anong expression yun. "Ganun pala gusto mo ehh" sabi niya, tumayo siya, kinuha yung mga gamit niya at lumabas ng kwarto. "Di ako papatalo Anjo" sabi niya pa. . . . . Nakaraos na rin kami sa prelim exams namen. Mukhang okay naman lahat ng exams ko. "Yes!!! Christmas Vacation na!!!" Sabi ni Marco paglabas namen ng school. Magkakasama kaming apat nila Marco, David at Teejay. "Totoo, saan niyo balak pumuntang dalawa???" Tanong ni David samen. "Samen siya magpapasko, sa Baguio" sabi ni Teejay. "Wow!!!" Sabi ni Marco. "Maka Wow ka naman BB, kayo ba ni David saan pupunta???" Tanong ko. Ngumiti silang dalawa at nagkatinginan, "Sa bahay lang kami pareho, after Christmas, magsisingapore kaming dalawa" sabi ni David. "Wow!!! Grabe BB" "Haha, pero I'm happy for you BB, kasi di ka na magpapasko sainyo this Christmas" sabi ni Marco. "Hehe I know" sabi ko naman. Sabay sabay kaming naglunch na apat. Magkatabi kami ni Teejay. "Anjo, aalis na tayo nextweek ha??" Sabi ni Teejay. "Oh sige sige hehe" "Anjo, gusto ko sanang iupload sa f*******: yung picture nating dalawa." Yung tinutukoy niya yung picture nameng nakayakap ako sa kanya habang nakahalik siya sa noo ko. Hawak ng kamay ko yung white rose at puro christmas lights yung background. "Ehh paano kung makahalata yung mga tao?" "Huh? Eh ano naman. Ayaw mo ba???" Tanong niya. "Ayoko lang kasi na baka ma issue" "Ahhh sige, e sa i********: at twitter?" Nakangiti siya saken at mukhang gusto niyang umoo ako. "Haha ang kulit, sige na nga. Hehe wag lang sa f*******: ha?" "Nice!!! Yes!!" Dali dali niyang kinuha yung cellphone niya at mukhang inuupload na yung picture namen. "Anjo, maniwala ka saken, ilang araw niyang pinakita saken yang picture na yan!" Sabi ni David. "Pre, laglagan na naman ba??" Si Teejay yun. "Haha sorry" "Eh bakit si Rick, di niyo na nakakasama? Tatlo kayo diba??" Tanong ko. Nagtinginan lang si Teejay at David. "Wala, bigla na lang ding humiwalay samen ehh. Pero sa loob ng school okay naman, pag nasa labas lang parang umiiwas" sabi ni Teejay. "Eh kinausap niyo man lang ba?" Tanong ko. "Nako babalik din yun haha. Baka may problema lang, kusa naman nagsasabi yun eh. Baka pinapalamig niya lang" "Ahh ganun ba, sige sige" "Oh Anjo, uploaded na sa IG, grabe 25likes agad oh!" Sabi ni Teejay. "Ayy grabe famous" sabi ko. "Hala, ikaw lang naman ang nag iisang sikat sa puso ko eh" sabay kindat niya saken. Fvck, di ko natago kilig ko at napangiti ako sa ginawa niya. "Sus, napaka cheesy!!" Sabi naman ni Marco. "Kuha lang ako ng tubig" sabi ko, tumayo ako at sumama saken si Marco. "BB, ano nararamdaman mo ngayon???" Tanong ni Marco. "Anong ibig mong sabihin???" "Hello, alam ko naman simula pa lang gusto mo na si Teejay no. Anong feeling mo ngayon na nililigawan ka niya??" "Sobrang saya. Nakakakilig kaya BB, parang di parin ako makapaniwala" "So, siya na ba gusto mo???" Tanong niya. Napaisip ako bigla, naalala ko naman si Kurt na mukhang pursigido. Si Dom din. "Basta ang alam ko BB, napapasaya ako ni Teejay" sabi ko. "Good, hehe basta ako boto ako kay Teejay" sabi niya pa. Bumalik na kaming dalawa sa table, pero may napansin akong white na rose sa upuan ko, tinignan ko si Teejay, nakatingin lang siya sa cellphone niya at nakangiti. "Bakit may rose dito sa upuan ko??" Tanong ko. "Aba, syempre para sa Anjo ko yan hehe." "Ehh para saan to??" Sabi ko. "Wala lang, kailangan bang may dahilan kapag bibigyan kita ng bulaklak???" Napangiti lang ako sa sinabi niya, kinuha ko to at may nakarolyo na sulat sa rose, "Smile Anjo :)" Napansin kong nakatingin lang saken si Teejay habang binasa ko yung note. "Oh nasaan na yung smile?" Ngumiti siya ng malaki na parang gusto niyang gayahin ko siya. Ngumiti naman ako ng malaki at napansin kong natuwa siya sa ginawa ko. . . . . Nasa bar ako ngayon at inaasahan ko na yung maraming estudyante, tapos na kasi exam week eh. Dahil kay Teejay, feeling ko ang saya saya ng pakiramdam ko, napakagaan at talagang nakakagoodvibes. "Ang saya naman ni Anjo, ano kayang meron??" Tanong ni Barry saken habang naghuhugas kami ng pinggan sa kusina. Yung dalawa muna sa labas yung nag aasikaso. "Hehe wala..." "Nakita ko kaya yung picture mo kasama yung Teejay, hehe mukhang masayang masaya ka ha?" "Ha? Paano mo nakita???" "Eh syempre may ig ako tapos nakita ko lang yung picture. Grabe, ang sweet din pala nung Teejay no? Swerte siya sayo" sabi pa niya. "Ano ba, hindi ah. Swerte ako kasi si Anjo lang naman ako eh" "Haha wag ka nga Anjo, di ka lang basta si Anjo, ikaw si Anjo na mabait, maaalalahanin, matalino tapos cute pa" sabi ni Barry. "Awee sweet hehe, mukhang masaya ka rin ha? Okay na kayo ni Katie??" "Oo naguusap na uli kami Anjo hehe. Medyo okay na kaming dalawa" "Nice, good to know!" "Hehe salamat sayo yun Anjo" "Wala naman akong ginawa ah?" "Basta wag ka na magulo, dahil sayo lahat to kung bakit umaayos na ako hehe" nag ngitian na lang kaming dalawa ni Barry habang naghuhugas. After ng shift namen, nagbihis na ako at kating kati na umuwi at magpahinga, sobrang dami kasing tao kaya nagextend ako ng shift. Sabay pa rin kami ni Barry na lumabas ng bar. Pero nagulat ako nung nakita ko si Teejay, nakasuot lang ng short at sando. Medyo lumalaki katawan ni Teejay, pero mas nakakapansin talaga yung kagwapuhan niya. "Ahh may sundo ka pala Anjo eh haha, sige mauuna na ako" bati ni Barry, di na niya ako hinintay na makapagsalita at umalis na siya agad. "Wow, hindi ata siya nakipag agawan ng bag saken ngayon ha?" "Haha baliw, tropa na lang kami nun. Nagkaayos na sila ng girlfriend niya eh" "Ohhh I see, sige akina yung bag mo" kinuha niya na sa likod ko yung bag at siya na nagbuhat. Okay na rin yun kasi ang sakit ng katawan ko. Naginat inat ako kasi medyo masakit katawan ko. "Gusto mo bang hilutin muna kita?" Tanong ni Teejay. "Nako, wag na. Uuwi na lang ako para makapagpahinga" "Nako wag na makulit" pinaupo niya ako sa isang bench sa ilalim ng malaking puno, wala namang masyadong tao rito kaya okay lang. Pumunta siya sa likod ko at hinilot yung balikat ko. Fvck, sobrang sarap sa pakiramdam. "Ahhh, ang sarap Teejay" sabi ko. "Sobrang sakit ba??" Tanong niya. "Sa pagod lang" sabi ko. "Ahhh talaga ba???" Bigla niya akong niyakap galing sa likod. Ramdam ko paghinga niya sa tenga ko. Ang init ng katawan ni Teejay, ang sarap sa pakiramdam lalo na sa malamig na gabi. "Teejay, ano ginagawa mo?" "Shhhh wag ka maingay" Pero parang gumagaan pakiramdam ko sa yakap niya saken. Ang sarap talaga sa pakiramdam. "Teejay...." "Shhhhh" Inenjoy ko na lang muna yung yakap niya. "Kinukuha ko lang lahat ng pagod mo ngayon." Bulong niya saken. Fvck, ginawa niya na to nung sa dorm nila pero ngayon parang mas masarap sa pakiramdam. "Okay na ako Teejay" sabi ko. "Ayy hindi pa yan, kailangan pa ng mas matagal na yakap" biro niya pa. Kumawala na siya sa yakap at umayos na kami ng upo. Magkatabi kaming dalawa ngayon, nakatingin lang sa puno sa harap namen. "Ang dami kong plano sa Baguio, Anjo. Excited na ako makasama ka" sabi niya. "Hehe excited na rin ako makasama ka" sabi ko naman. Naramdaman kong parang pinipilit niya yung ngiti niya, tinignan ko siya at ganun nga ginagawa niya. Nakangiti siya ng sobra. "Bakit??" Tanong ko. "Wala, kinikilig lang talaga ako sayo" sabi niya pa. Ang cute ng reaksyon niya. "Tara na nga Anjo, uwi na tayo para makapagpahinga ka na" yaya ni Teejay. "Tara" tumayo na kaming dalawa at naglakad pauwi. Pagkauwing pagkauwi ng bahay, dumiretso agad ako sa kusina para uminom ng tubig. Tahimik na yung bahay kaya baka tulog na silang lahat. Pagdating ko sa kwarto ko, binuksan ko yung ilaw at nagulat ako sa nakita ko. May nakabitin na mga heart shaped na papel na nakadikit sa kisame. May flowers sa gilid ng kwarto ko. Humakbang ako at napansin kong may nakakakalat na rose petals sa sahig. Sa kama naman, may mga chocolates na assorted na nakakakalat. Pagkasara ko ng pinto, nakita ko si Kurt sa gilid, naka suot ng suit at may hawak ng bouquet of flowets. Nakaayos siya ngayon at ang gwapo niya. "Ano to Kurt?" Tanong ko. "Nakita ko picture niyo ni Teejay sa i********:. Kaya ka pala masaya dahil dun. Gumawa ako ng sarili kong version" sabi niya pa. Di ako makapaniwala, ang ganda ng set up ng kwarto. Lumapit siya saken at inabot yung mga bulaklak. "Gusto ko lang din tanungin sayo ng harapan" binasa niya yung labi niya habang nakatitig saken. "Pwede ba kitang ligawan Anjo?" Tanong niya saken.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD