Dumating na ang in-order nila kaya naputol ang pag-uusap namin. Habang kumakai'y nababagabag talaga ako kakaisip kung saan ako hahagilap ng ipang babayad dito. Maghuhugas na lang siguro ako ng plato. "Kumain ka. Isang beses ka lang atang sumubo eh." bulong ni Clay. Ngumiti ako ng pilit. Wala na akong nagawa. Tutal ay andito na naman ito sa harapan ko ay mabuting kumain na nga lang ako. Di ko na naman ito maibabalik mamaya. Tsk. Habang kumakain ay panay ang tingin sa akin ni Tita Sasha kaya naman na-conscious ako ng konti. Tinititigan niya ako na para bang pinag-aaralan niya ang bawat galaw ko. Baka tinitignan niya kung nababagay nga ba ako kay Clay. Diba ganun yun? Pati pag kain, napapansin nila. Mahalaga kasi sa kanila ang table etiqu

