Isang linggo nang nasa hospital si Ice. Sabi ng doctor ay baka dalawang linggo pa ito doon. Mas maganda daw'ng hintaying naka-recover na si Ice sa mga bali at sugat niya bago iuwi. Laging pumupunta sina Clay sa hoapital para dalawin ng bata. Kung anu-ano pa ang dinadala. Naii-spoil tuloy. Ngayon nga ay kailangan ko ng bumalik sa trabaho. Magle-leave pa sana ako ng isa pang linggo pero sabi ni Liza ay siya na daw ang bahala kay Ice. Tulad daw ng dati. Siya ang mag-aalaga sa umaga at ako naman sa gabi. Uuwi lang daw siya ng apartment para kumuha ng mga gamit tapos babalik din siya sa hospital. Medyo late na akong nakapasok kasi kailangan ko pang hintayin si Liza. Nagpaalam na naman ako kay Clay na baka ma-late ako. Tinext ko na siya kanina,

