Lunch na ng nagising ako. Paglabas ko ay hindi ko naabutan si Sir Clay kaya naman pinulot ko ang mga gamit ko at nagtungo na sa canteen. Nakaramdam na rin kasi ako ng gutom. Naalala ko'y hindi pala ako kumain ng umagahan. Buti na ring hindi ko siya naabutan. Hindi ko kasi alam ang sasabihin pag nagkita kami. Pagdating ko sa canteen ay naakupo na sina Sapphire sa isang table. Lumapit ako sa kanila para makiupo. "Tagal mo ah?" takang tanong ni Sapphire. Sasabihin ko sana na nakatulog ako pero parang ang weird naman. I mean, I'm an employee. Tapos parang ang unfair pa pakinggan. "Ang dami kasing ginagawa." palusot ko na lang. Naalala ko na naman ang nakita ko sa kwartong yun. Nakakahiya. Nahihiya talaga ako. Bakit naman kas

