Thirteen

1935 Words

             "Ha??? Nababaliw ka na talaga, Pixel." di makapaniwalang reaksyon ni Amy nang ikinwento ko sa kanila ang nangyari. Nagtataka kasi sila kung ba't di ako sumabay sa kanila kahapon. Ayaw ko sanang ikwento kaya lang ang kulit-kulit.              "Tapos na naman yun. Wag na nating balikan." wika ko. Sumubo na ako ulit ng kanin. Ang dami pa nilang sinabi. Baliw na nga daw ako sa paghabol doon sa magnanakaw. Paano na lang daw kung balikan ako nito o may gawing masama sa akin pag nasa labas ako.              Pinagalitan nila akong lahat lalo na si Sapphire na namumula na sa galit. Yumuko na lang ako. Naiiyak na kasi ako. Hindi dahil pinapagalitan nila ako kundi dahil ngayon lang sa tanang buhay ko na ang daming nag-alala sa akin. Dati kasi si Sapphire lang at ang mga magulang niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD