Paulit-ulit kong pinanuod yung video ni Clay na tumatawa. Gusto sanang i-post nina Sapphire yung video kaya lang galit na galit si Clay. In the end dinelete na lang din nila yung video. Pero napasa na nila sa akin kaya wala ng nagawa si Clay. Hindi naman niya ako matatakot tulad nina Sapphire. "Hindi ka pa ba tapos kakapanuod niyan?" Nasa tabi ko na pala si Clay. Bakas ang inis nito habang nakatingin sa screen ng cellphone kong sira. "Hayaan mo na ako Clay. Nakakatuwa kasi tingnan. Marunong ka pala tumawa ng ganun noh?" "Tss. Bakit basag tong screen ng cellphone mo? Dapat bumili ka na ng bago." aniya. Nakita pa talaga yung c***k. Tinaasan ko siya ng kilay. "Sa dami ng problema ko, uunahin ko pa bang bumili

