May tumawag sa akin. Si Sapphire. Hindi ko kayang sagutin ang tawag niya. Magbe-breakdown lang ako. Kaya naman ay si Liza na lang ang pinasagot ko. Nag-absent si Liza kagabi para samahan ako. Wala pa akong ligo. Walang tulog. Ayokong iwan ang anak ko. Dito lang ako hanggang okey na siya. Ayaw nila kaming papasukin sa loob. Tanging nurses at doctors lang ang pwede. Nakakainis nga eh. Gusto ko na siya makita. Gusto ko siya mayakap at mahalikan. I want to see him ng malapitan. "H-hello?" bati ni Liza sa kabilang linya. "Kaibigan po ni Ate Pixel ito.... Liza po... Opo." tinignan ako ni Liza. May pag-aalala sa mukha nito. "Pakisabi na lang po na hindi makakapasok si ate-- May emergency po kasi... Hindi po siya makakapasok--- ayaw niya po munang makipag-u

