Alas diyes na ng gabi ng dumating si Sapphire na may dalang mga damit at pagkain. Dahil nahiya na rin ako kay Liza ay pinauwi ko na muna ito. Saka pangalawang gabi na toh na nag-absent siya dahil sa akin. Naiiintindihan naman daw siya ng head nurse nila. Saka pag-andito siya ay nagagawa pa rin naman niya ang trabaho niya kahit papaano. Dito siya sa St. Luke nagtatrabaho kasi. "So how's Ice?" unang tanong ni Sapphire sa akin. Andito kami sa cafeteria. May dala siyang mga pagkain. Luto daw ni Tita Rocky, mommy ni Sapphire. "Okey lang daw naman. Minomonitor daw nila ang kalagayan niya. Bukas pag wala silang nakitang internal bleeding sa utak nito, baka pwede ko na siya makita." Tumango si Sapphire. "Mabuti pa siguro magbihis ka muna. Nang

