Kagigising ko lang at boses agad ni Aling Isay ang nabungaran ko. Nagsisigaw ito sa labas ng kwarto. Paglabas ko ay nakita ko ang ilan sa mga tauhan niyang hinahakot ang mga gamit ko. Binuksan ng mga ito ang aparador ko at talagang kinuha lahat ng mga namin ni Ice.
Nataranta ako't agad na lumapit kay Aling Isay.
"Aling Isay... Ano po toh?" naiiyak kong tanong.
"May usapan na tayo Pixel. Aalis ka dito kung wala kang maibabayad sa akin ngayon." aniya.
"Aling Isay nakahanap na po ako ng trabaho. Promise po. Makakabayad na ako sa inyo. Kukunin ko na lang ang kalahati ng sweldo ko para makabayad sa inyo." pagsusumamo ko dito. Ayoko namang manirahan sa tabi ng kalsada. Paano si Ice? Kakausapin ko na lang si Mr. Mallari kung pwedeng unahan muna ako kahit kalahati lang. Maiintindihan naman siguro nito.
Napatigil sa paghahakot ng gamit sina Aling Isay. Tinignan ako nito. Parang sinusuri kung nagsasabi ako ng totoo. "Ewan ko sayo Pixel. Ikaw kasi. Wala ka ng pera, nag-ampon ka pa ng bata. Dapat yung pinapakain mo sa batang yun, binabayad mo sa akin." dada nito.
Hindi ko pinansin ang mga sinabi nito. Ampon ko lang si Ice pero I know what I'm doing. I really love the kid. Ewan ba pero noong nakita ko siyang iniwan sa harapan ng apartment ko, parang tinunaw ang puso ko. Kaya imbes na ilagak ko sa DSWD ay inalagaan ko siya't binuhay.
"Magbabayad ako Aling Isay. Pangako. Bigyan niyo ako kahit ilang araw lang." pagmamakaawa ko ulit.
Sandali itong nag-isip bago pinaikot ang mga mata. "Oh sige. Pangako yan ah? Tsk. Pasalamat ka at type ka ng anak ko. Kung pakasalan mo na lang kasi si Bugoy eh di sana wala ka ng problema."
Napabuntong hininga ako. Heto na naman kami. Ilang beses ko ng binabasted yung anak niya, ligaw pa rin ng ligaw. Sabi ko ng wala naman akong gusto sa kanya. Wala namang kaso sa akin yung kapangitan niya pero grabeh naman kasi yung ugali! Ang hangin hangin! Ang kapal ng mukha. Sarap bigwasan. Walang halong biro.
"Hoy! Ibalik niyo ang mga gamit ni Pixel." sigaw ni Aling Isay sa mga tauhan niya.
Nakahinga ako ng maluwag. Mabuti naman at may natitira pa itong kabutihan sa loob.
Binalik ng mga ito ang gamit ko. Nangako ulit ako dito na magbabayad oras na makuha ko ang paunang sweldo sa bagong trabaho.
Nang makaalis na sila ay sakto namang paggising ni Ice. Kinukusot-kusot pa nito ang mata. Magli-limang taon na rin siya. Ang alam niya, ako ang tunay niyang ina. Mas maganda nga kung ganun. Ayokong isipin niyang kulang siya dahil lang iniwan siya ng mga magulang niya. Siguro nga yun ang dahilan kung bakit lumambot ang puso ko sa kanya. We're the same. I was also abandoned by my parents. Lumaki ako sa isang bahay-ampunan. Mabait naman ang mga nag-alaga sa akin noon. Katunayan nga ay sila ang nagpakilala sa akin sa mag-asawang bumuhay sa akin ng ilang taon. Kung di dahil doon baka hindi ako nakatapos ng pag-aaral.
"Ice, magtatrabaho si Mama. Iiwan muna kita kay Ate Liza mo." wika ko dito.
Si Liza ay ang dalagang nakatira sa kabilang apartment. Nagtatrabaho ito bilang nurse sa gabi. Wala naman siyang ginagawa sa umaga kaya okey lang na sa kanya ko ibilin si Ice. Hindi naman daw kasi ito malikot pag natutulog siya sa kwarto.
"Ma, uuwi ka ba agad?" tanong nito.
"Oo. Maaga akong uuwi basta magpapakabait ka kay Ate Liza mo."
Tumango ito. Hinalikan ko siya sa noo. Sabay na kaming lumabas ni Ice. Kumatok ako sa pinto ni Liza at agad naman itong nagbukas.
"Ate..." nakangiti itong bumungad sa akin. She's like a sister to me. Magandang bata. Kung titignan ay bagay siyang maging artista. Ang alam koy may mga offers na rin sa kanya dati pero hindi niya tinanggap. Ang sabi niya'y ang pag-aalaga talaga ng mga may sakit ang layunin niya sa buhay. Kaya bilib din ako sa batang toh eh. Tulad ko'y independent din siya. Though nakikita kong bumibisita ang ina niya dito minsan, saka yung mga kapatid niya.
Nagpaalam ulit ako kay Ice. Binilinan ko na rin si Liza ng mga makakain ni Ice at siya habang wala ako. Hindi sana niya tatanggapin dahil may makakain naman daw sa bahay niya kaya lang ay nahihiya talaga ako. Kahit pambawi na lang sa mga nagawa niya sa amin ng anak ko.
Maaga akong dumating sa opisina. Wala pang masyadong tao. Sa sobrang excitement ay binati ko lahat ng nadadaanan kong mga empleyado sa baba. Kahit yung mga nakasabay ko sa elevator. Masaya naman ako't tumutugon sila sa pagbati ko. Mukhang mababait naman ang mga tao dito.
Pagdating ko sa aming floor. Bumungad agad sa akin ang nakangiting si Mrs. Mallari. "Hello Ms. Miranda." bati niya.
"Magandang umaga po." bati ko pabalik.
"So since this is your first day, aalalayan muna kita sa mga gagawin mo. Pero may alam ka naman sa secretarial noh?"
I nodded. Kahit paano ay may naririnig naman ako tungkol dito saka nababasa ko na rin sa mga romance novel.
Nauna itong naglakad papunta sa opisina ni Mr. Mallari. Wala pa ang boss. Ang sabi naman ni Mrs. Mallari ay talagang late na kung dumating ang kapatid ng asawa niya. Ganun daw ito lagi. Medyo matigas daw ang ulo at minsan ay pasaway pero pagdating naman sa trabaho ay hindi naman ito pabaya.
"He doesn't want anyone na nakikialam sa mga trabaho niya sa mesa. Kaya do as he says. Kung may iuutos siya, doon ka lang may gagawin. Hindi siya mahilig sa coffee or tea. Minsan ay tubig lang ang hihingin niya sayo." aniya.
Pumasok kami sa loob ng isang pinto sa right side. Bumungad sa akin ang isang maliit na kusina. "Lahat ng kailangan niya ay andito. May maliit na fridge dito. Pwede ka lang pumasok dito pag sinabi niya. Okey? As I said, medyo strikto yun pagdating sa pag-aari niya. Kung anong kanya, kanya lang talaga. Iwasan mong magalit siya."
"Okey po." sagot ko. Mukhang maypagka-brutal nga ata ang lalaking toh. Well, may dahilan naman siya. Kanya nga naman ang lahat ng andito sa loob ng opisina. May karapatan siyang pagbawalan ang iba na gamitin ito o kahit hawakan man lang.
Lumabas na ulit kami. Ininstruct-an pa niya ako ng mga maaaring gawin at kung anu-ano pang may kinalaman sa pagiging sekretarya. May tinuro siyang isang pinto. Itim na pinto. "Hindi ka pwede pumasok doon. Off limits."
Tumango ulit ako. Napaka-out of place nung pinto. Halos puti kasi ang mga furnitures at kahit yung pinta ng opisina. Yun lang ang naiba. It looked scary. Parang yung nasa mga horror movies.
"Eto ang schedule niya for the week. Every week, pumunta ka sa opisina ko and ibibigay ko sayo ang schedules niya. Ako muna ang kukuha ng mga nagpapa-schedule ng appointment sa kanya this month. Pero next month dapat ikaw na." nilahad nito ang isang notebook sa akin na agad kong tinanggap.
"Eto ang magiging desk mo. You have your own computer. Kompleto na yan sa gamit kaya hindi ka na dapat mag-alala. For now, wala ka namang tatrabahuin masyado.... Unless may ibigay siya sayo. I will be honest with you Ms. Miranda, Medyo malupit siya sa mga past secretaries niya kaya agad na naggi-give up ang mga ito. Hindi kita tinatakot ah? Gusto ko lang na handa ka. Baka sigawan ka lang ay umiyak ka na. Though, Sapphire told me you're a strong woman. Kaya masaya ako na natanggap ka." she tap me on my shoulder.
Na-weirduhan ako noong una kong kita sa kanya pero hindi naman bakas sa mukha nito ang pagiging malupit. Strikto, Oo... Malupit? I still have a doubt about it.
"Ikaw ang unang batang sekretarya niya. Mostly, matatanda na o kaya ay lalaki ang mga secretary niya. I don't know why he keeps it that way... Pero well... Goodluck?"
Tinaas niya ang kamay niya at tinanggap ko ito. Binigyan niya ako ng maaliwalas na ngiti. Matapos niya ako bigyan ng mga instructions ay agad na itong lumabas ng opisina. Napaupo ako sa swivel chair. Pinagmasdan ko ang buong opisina at talaga nga namang napakalaki nito. Nacu-curious tuloy ako kung ano ang nasa loob noong black door.
Ilang minuto ang lumipas at bumukas ulit ang malaking glass door. Niluwa nito ang gwapong mukha ni Mr. Mallari. He looks intimidating. Ang ganda ng tindig niya at talagang consistent ang poker face niya
.
Natataranta akong tumayo. "Good morning, sir." bati ko. I gave my best smile to him.
"You're early." ang tangi niyang sagot.
Ngumiti lang ako. Hindi iyun tanong kaya hindi ako dapat sumagot. Baka kasi magalit?
Nagtungo ito sa sariling mesa. Nilabas niya ang ilang papeles mula sa dalang brief case.
I looked at his table. May name plate doon. Naalala kong hindi ko pa pala alam ang buo niyang pangalan kaya sinipat ko ito. Clay Rafael Mallari. Cool. Ang bagets pakinggan.
"Ms. Miranda?" tawag nito sa akin.
"Yes, Sir?" tugon ko.
"Come here." utos niya.
Wala namang pagdadalawang isip na lumapit ako sa kanya. Syempre, he's my boss.
Tumayo ako sa harapan niya. I was told to not take a seat unless he asked me to.
"Dito ka sa tabi ko. I just want to show you something." aniya.
Pumunta ako sa tabi niya. Kinuha niya ang isang papel mula sa mga binabasa niya at ibinigay ito sa akin.
"Do you know how to make invitation letters?" tanong nito.
Hmmm.. Meron naman akong background sa paggawa ng invitation letters. I remember making an invitation letter noong highschool. Project namin yun sa TLE.
Magsasalita na sana ako when I saw him smelling my... Ohmygad, is he smelling my fuckin' skirt? "S-sir?" lumayo ako ng konti. Tila nagising naman ito sa ginagawa.
"So?" aniya na parang walang nangyari.
Though, nawe-weirduhan sa inakto nito'y hindi ako nagpadala. I stayed focus. "M-may alam po ako. Konti. Bakit po?" I fixed myself. Binaba ko ang skirt ko dahil napansin kong tumaas ito dahil siguro sa pag-upo ko kanina.
"Make one."
"O-okey po. Ibigay niyo na lang po sa akin ang details."
"Si Claire na ang magbibigay sayo." aniya.
I nodded saka bumalik sa desk ko. Doon lang umalab yung kabang kanina ay pinipigilan ko. I don't know what that was about... Did it really happen? O baka naman imagination ko lang yun? Why would he smell my skirt? Baka gusto niya ang amoy ng downy? I don't know but I have a bad feeling about this.