Three

2217 Words
             "Get me water." utos nito. Panglimang beses na ata niya akong inuutusang kumuha ng tubig. Kanina pa siya paypay ng paypay sa sarili niya na parang naiinitan. Full na ang aircon at soooobrang nilalamig na talaga ako pero parang walang epekto ito sa kanya.              Pumunta ako ng kusina sa loob nitong opisina at kumuha ng tubig. Gusto ko nga sana, dalhin na lang ang water dispenser sa kanya pero baka magalit. Kumuha ako ng isang basong tubig saka nilapag yun sa mesa niya. He looked at me. Ngumiti lang ako sa kanya.              Wala itong pinagawa sa akin maliban sa tanungin ako sa schedule niya ngayong araw. Nakakapagtaka nga eh. Akala ko ba malupit siya? Ba't di ko nakikita? Baka over lang yung mga nakaraang empleyado niya? Sabagay mostly nga daw eh matatanda o kaya naman lalaki. Baka hindi nakakasabay sa mga trip niya. Baka napapagod kakakuha ng tubig lol.              "Tubig nga ulit." naiirita nitong utos.              Tiningnan ko na talaga siya this time. "Sigurado po kayong okey lang kayo?" tanong ko. Ang weird kasi. Malamang maiihi yan mamaya sa daming tubig na ininom.              "I'm fine. Just get me water." utos niya. May galit na sa boses nito kaya naman agad akong nagtungo sa kusina para kunan siya ng tubig.              Pabalik na sana ako ng bigla siyang pumasok sa kusina. Lumapit siya sa akin kaya napaatras ako. As I said, maliit lang ito. Siguro pang-limang tao lang. Paurong ako habang pasulong siya. May kakaiba sa mga mata niya.                 Hindi ko na namalayan ay malapit na ito sa akin. Halos magkadikit na ang katawan naming dalawa at hindi na ako makahinga.              "S-sir? What are you d-doing?" tanong ko.               Napalunok ako. Hinawakan niya ang kamay ko saka nilapit ang mukha niya sa akin. Ramdam ko ang mainit niyang hininga sa tenga ko. "Why are you so hot?" bulong niya.              Napalunok ako ulit. "P-pardon?" wika ko.              Hindi ko alam kung itutulak ko ba siya o tatakbo. Nagtatalo ang isipan ko. I'm sure I'll get fired kun' manlalaban ako.              Naramdaman ko ang labi niya sa leeg ko. I don't know but I felt something. Takot? Kaba? Parang puputok yung dibdib ko sa lakas ng t***k nito.                 Napasinghap ako ng maramdamang hinahalikan niya ang leeg ko.... Nakapikit na ako ng bitawan niya ang kamay ko. Dahan dahan kong binuksan ang aking mata. Medyo malayo na siya sa akin. Napabuga ako ng hangin.              Inagaw nito ang tubig na hawak ko saka ininom bago siya lumabas ng kusina. Napahawak ako ng dibdib. Paki-explain kung ano yung nangyari?              Nang bumalik ako sa pwesto, I pretended like nothing happened. Hindi ko siya mahagilap pero tingin ko ay nasa loob siya ng cr dahil naririnig ko ang marahang pag-agos ng tubig. Napailing na lang ako at finocus na lang ang sarili sa computer. Forget what happened. Maybe it was just a misunderstanding. Let's not think about it.              Kinausap ko si Mrs. Mallari sa chat. I added her on f*******: para makausap na rin ito tungkol doon sa invitation letter. May mga binigay siyang details. Siya na rin ang pumili ng designs. Ako na daw ang bahalang magdagdag.              Nung binasa ko ang laman ng letter ay nalaman kong invitation ito para sa isang birthday party. Andres ang apelyido ng magbi-birthday. Baka kamag-anak nila. May kilala rin akong Andres dati eh.              Dahil wala naman akong ginagawa, eto na lang ang pinagkaabalahan ko. Nakita ko ang paglabas ni Mr. Mallari mula sa cr. Nilingon ko ito saglit at nahuli kong nakatingin din pala ito sa akin. Nakita ko ang marahan na pag-iling niya bago siya umupo sa kanyang swivel chair. Inikot niya ang upuan niya para maharap ang malaking glass window. He's really weird. Natatakot siguro sa kanya ang mga past secretaries niya sa ka-weirduhan niya.              Lunch time na. Naririnig ko ang ingay ng mga nag-aalisang empleyado para nga kumain na. I look at Mr. Mallari at mukhang busy siya sa kanyang ginagawa. Mukhang hindi man lang nito alintana ang oras.              "Sir, di po ba kayo kakain?" di ko na napigilang itanong.              Tiningnan niya ako sandali saka binalik ang tingin sa ginagawa. "No. I'm not hungry." aniya. Bumalik na naman ang malamig niyang boses. Yung walang kaemo-emosyon.              "Sige po... Kakain po muna ako. Lunch break na po kasi." paalam ko.              He just nodded. Bago lumabas ay tinignan ko muna ito. Busy pa rin ito sa ginagawa. Mukhang wala talagang balak kumain.              Pagdating sa canteen ay punuan na. Sabay sabay kasi ang lunch break. Nakita ko nga ang iba na sa labas na kumain dahil di na makapaghintay na matapos ang iba. Nag-order ako sa harapan. Isang kanin at hotdog lang ang binili ko. Yun lang kasi ang mura. Kailangan magtipid eh. Nagtingin-tingin ako na baka may vacant pa. Lahat sila busy sa pag-uusap habang wala man lang akong kilala dito.              "PIXEL!!"              Napatalon ako ng may sumigaw sa likod ko. Nilingon ko ito at laking tuwa ko ng makita si Sapphire na nakaupo di kalayuan. May mga kasama ito. Lumapit ako sa kanila. Sakto! May isang pang upuan. They invited me to join them so hindi na ako tumanggi. Pinakilala ako ni Sapphire sa mga kasama niya.              "So you're the new secretary?" ani Amy. I think nasa mga treinta o kwarenta na ito. Mukha naman siyang friendly. Di rin nagpapahuli sa fashion. Lahat sila talagang todo ang ayos. I actually liked it. Nare-remind nila ako sa buhay ko dati.              "Yes. Thanks to Sapphire." magiliw ko namang sagot.              "So how's your first day?" tanong naman ng isang babaeng nakilala kong Andrea.              "Okey lang naman. Walang masyadong pinapagawa."              "Really? Okey lang? Di ka ba natakot?" -Amy              "Hindi naman. Noong una, Oo. Kasi sinabihan na rin ako na medyo mainitin ang ulo niya. Totoo naman. Madali siyang magalit pero hindi naman siya malupit." base sa nakikita ko hindi naman siya ganun kasama o baka hindi ko pa nakikita dahil first day ko pa.              Napailing si Amy. "Really? Sa mga past secretary niya kasi, lagi niyang pinapahirapan ang mga ito pag first day. Kaya nga hindi naka-survive yung iba. Sa second day, resign na agad. Sigurado kang di ka niya sinusungitan?"              Tumango ako. "Minsan naiirita siya pag di ko nagawa agad ang utos niya pero hindi naman niya ako gaanu pinapagalitan." napakamot pa ako sa ulo. Ganun ba kasama ang tingin nila kay Mr. Mallari?              Tumawa si Sapphire. "Naku, friend. Baka pati si Sir Clay, natamaan na rin sa beauty mo?" anitong sinusundot-sundot ako sa gilid. "Remeber? Halos lahat ata ng lalaki sa university dati, nagkakagusto sayo. Paano ba naman? Maganda na nga mabait pa. Sinong hindi mahuhulog? Minsan pa nga ako yung pinapabasa mo ng mga love letters mo habang nakikinig ka. Diba?" aniya.              Nahihiya akong tumawa. Pinaalala pa ni Sapphire. Pero imposible yung sinabi niya. Hindi naman siya basta bastang lalaki lang. Saka wala na kami sa kolehiyo. Walang nahuhumaling sa ganda lang.              "Well, di naman kadeny-deny. You're really pretty. Nag-model ka ba dati? You look familiar eh?" tanong naman ng pinakamatanda sa grupo. Nakalimutan ka na ang pangalan.                 "I used to be a freelance model. Lalo na nung college kasi kailangan ko rin suportahan ang pag-aaral ko. Pero huminto na ako matapos kong gumraduate. I have my priorities." I smiled. Nang dumating si Ice, nahati na ang atensyon ko sa pagtatrabaho at sa kanya. So I gave up modeling para lang mabantayan siya lalo na noon at baby pa lang siya. I didn't regret it! Ever!              "Priorities? Bakit? May pinapag-aral ka na ba? May pinapakain?"              "I have a son." sagot ko na ikinagulat ng lahat. Pati si Sapphire di makapaniwala. Pinagmasdan pa nila ang katawan ko kaya medyo naasiwa ako. Para dawng hindi ako nanganak. Napatawa na lang ako.              "No way." anang isa.              "Hindi ka mukhang may anak. Binibiro mo lang ata kami."              Mahina akong tumawa. "Totoo nga. Kaya nga kahit anong sabihin nila about kay Mr. Mallari, na masungit siya, wala na akong pakialam. Kailangan ko lang talaga ng trabaho para mabuhay ang anak ko."              Dahil mukhang hindi talaga sila naniniwala ay nilabas ko ang cellphone kong cherry mobile mula sa bag. Pinakita ko ang mga pictures ni Ice. Sabay na napailing ang mga ito.              "Hindi nga? Baka kinuha mo lang yan mula sa internet?"              "Bakit ko naman gagawin yun? Hindi ba halatang anak ko siya? Di ba kamukha?"              Nilagay ni Sapphire ang isang kamay sa balikat ko. "So you're married? O jowa pa?"              Umiling ako. "I'm a single mom."              Bakas ang mangha at pagkabigla sa mga mukha ng mga ito. "Hindi ako makapaniwala pero kamukha mo naman ang bata. Napakagwapong bata."              "Hehe thank you." wika ko.              Kung anu-ano pa ang pinag-usapan namin. Since ako ang bago sa grupo nila'y kung anu-ano ang tinatanong nila about sa buhay ko. Honest naman akong nagkwento.              Sa sobrang aliw ko sa pakikipag-usap, di ko na namalayan ang oras. Maga-ala una na pala. "Malapit na matapos ang lunch break. Una na ako sa inyo? Baka hanapin ako ni Sir." paalam ko.              Parehas kaming lahat na nabitin sa chikahan namin pero wala na akong choice. Ayaw kong mag-iwan ng bad impression sa unang araw ko.              Nagmamadali na akong umakyat sa taas. Medyo punuan pa ang elevator kaya matagal akong nakasakay. Paglabas ko ng elevator ay eksaktong ala-una na. Kaya talaga namang kinakabahan ako habang binubuksan ang pinto ng opisina ni Mr. Mallari.              "You're 2 minutes late Ms. Miranda." salubong niya sa akin.              Napayuko ako. It was my fault. Medyo, natuwa ako sa pakikipag-usap sa mga bago kong kakilala. "I'm sorry sir."              "Ilang truck ba ang kinain mo at ang tagal mo???"              Napalunok ako. "M-medyo nagkatuwaan po kasi sa baba. Nahiya po kasi akong iwan yung mga bago kong kakilala. Pasensya na po talaga."              His jaw tightened. Kinakabahan na talaga ako. Baka ito na yung sinasabi nila. Baka pahirapan na niya ako. "Nakilala? Babae?"              Napataas ako ng tingin. "O-opo. Yung mga empleyado niyo po. May college friend kasi ako na dito nagtatrabaho tapos pinakilala niya ako sa mga kaibigan niya." para akong shunga. Di ko alam kung ba't kailangan ko banggitin yun. Bakit nga ba?              "And you talked about?"              Napalunok ako. Sasabihin ko bang pinag-uusapan namin kung gaano kasama ang ugali niya? Lol baka di na ako abutin hanggang bukas dito. "Random."              Nanliit ang mata nito. "Like?"              Teka... Bakit niya ba tinatanong? Ano namang connect nun sa trabaho ko? Naguguluhan na talaga ako. "College life?"              "Di ka sigurado?"              "Sigurado. Sapphire told them about our college experiences." nahihiya kong wika.              "What experiences?"              Napakamot ako. "Kailangan niyo po ba talaga malaman?"              "What experiences?" instead na sagutin ang tanong ko ay binalik nito ang sariling tanong.              Yumuko ako. "Y-yung may nanliligaw sa akin?"              Narinig ko ang pagsinghap niya. Bakit? Bawal ba pag-usapan ang past dito sa kompanya niya?              "Umupo ka na Ms. Miranda." he said coldly after a few seconds.              Para saan yun? Kinabahan ako doon ah? Talagang pati pag-uusap namin ng iba niyang empleyado ay kailangan niya malaman? Alam niya bang bina-backstab siya ng mga ito kaya gusto niya malaman? Sinubukan niya bang makakuha ng impormasyon sa akin? OMG. Habang tumatagal mas lalo akong nawe-weirduhan sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD