HINDI na siya nakalabas pa ng bedroom kahit anong pagmamakaawa niya. Hanggang sa napagod na lang siya sa kakaiyak at nakatulog sa kaniyang kama. Sumapit ang tanghali, dalawang katulong ang pumasok at dinalhan siya ng pagkain, pero paglabas ng mga ito ay aagad din ni-lock ang pinto. Naiyak na lang siya muli at hindi ginalaw ang pagkain. Makalipas ang dalawang oras ay bumalik ang dalawang katulong para sana kunin ang mga plato, pero nagkatinginan ang mga ito nang makitang hindi naman nagalaw ang pagkain, walang bawas kahit konti, pati tubig ay gano'n din. Sumapit ang alas sais at muling pumasok ang dalawang katulong na may dala ulit ng bagong luto na pagkain. Hindi niya tinapunan ng tingin ang mga ito at nanatili lang nakahiga ng patalikod habang nakayakap sa malambot na unan. “Senyorita

