bc

Poisoned Embrace

book_age18+
1.7K
FOLLOW
10.8K
READ
forbidden
love-triangle
HE
age gap
forced
curse
dominant
mafia
gangster
bxg
city
wild
villain
like
intro-logo
Blurb

"I have five brothers. If you hurt me, they will kill you in the most miserable way." - Roxiane Delmondo.

*** ***

Tumakas ang dalagitang si Roxy mula sa kaniyang mapang-abusong stepfather, at sa kaniyang pagtakbo sa kalagitnaan ng gabi at malakas na ulan, napadpad siya sa isang private property kung saan kasalukuyang naglalaro ng basketball ang limang magkakaibigan na miyembro ng isang grupo ng gang.

She begged them for help, and without hesitation, they brutally killed her stepfather.

From that night on, she was no longer just a runaway. She became their princess. Spoiled. Protected. Untouchable. And for anyone who dared to hurt her, the price was always the same: a life.

But when desire burns like wildfire, can love survive, or will it drag them all into a brutal war for her heart?

chap-preview
Free preview
START
PASADO alas onse na ng gabi, malakas ang buhos ng ulan pero walang kasamang kidlat at hangin. Mula sa malawak na basketball court sa loob ng malawak na property ay tawanan ang nasa mid-20s na limang magkakaibigan na sina Thaddeus, Thrynn, Draven, Zayden at Theron, habang naglalaro ng basketball sa kalagitnaan ng gabi at buhos ng ulan. Nakabuhay naman ang ilaw, kaya kahit hatinggabi na ay maliwanag pa rin sa loob ng property, lalo na sa court malapit lang sa nakatayong bungalow. Habang naglalaro ang limang magkakaibigan ay panay ang kanilang pag-uusap ng pasigaw, dahil nga malakas ang buhos ng ulan, kaya kailangan sumigaw para magkarinigan. “Patayin na lang kaya natin si boss para mapasaatin na lang ang gang?!” Thrynn shouted, jumping and firing the ball into the hoop. “Hell yeah! I’ve been itching to murder him too!” malakas na sagot ni Theron na agad na nasalo ang bola at pina-shoot din sa ring. “Calm down, idiots! Killing the boss isn’t a joke! One mistake and it’s us dead, not him!” sigaw na sagot naman Zayden. Nagtawanan na silang magkakaibigan, dinig na dinig ang kanilang halakhakan sa kailaliman ng gabi at walang pakialam sa malakas na buhos ng ulan. Ngunit sa kalagitnaan ng kanilang paglalaro at tawanan ay bigla na lang silang nakarinig ng parang sumisigaw na boses. Napalingon si Thrynn papunta sa malayong gate na nakabukas dahil nakalimutan nilang isara. Madilim man ang gabi, maliwanag naman sa may gate dahil nakabuhay ang ilaw roon, kaya kitang-kita kung may papasok man. “Who the f**k is that?” salubong ang mga kilay nang sambit ni Thrynn nang matanaw ang pagpasok ng isang bulto ng tao sa gate. Hindi matukoy kung lalaki o babae, dahil bukod sa medyo malayo ay hindi naman gaano kaliwanag lalo na't tumakbo na ito papasok, palayo ng gate kung saan naroon ang nakabukas na ilaw. “Teka, sino 'yan? Ang lakas naman ng loob pumasok dito,” salubong ang mga kilay ng puna ni Draven nang mapalingon at makita rin ang taong pumasok. Tuluyan nang nahinto ang kanilang paglalaro at pareho nang nagsalubong ang mga kilay habang nakatingin na sa taong tumatakbo na parang papunta sa kanila. Sumisigaw pa ito habang tumatakbo, pero dahil malakas ang buhos ng ulan ay halos hindi marinig kung ano ang sinisigaw nito. “Baka kalaban 'yan—nasundan tayo rito!” reaksyon na ni Draven nang makabawi at mabilis na itong lumapit sa nakahintong kotse na nasa malapit lang din sa court para kumuha ng baril. Dumampot din si Theron ng baseball bat at inihanda ang sarili para manghampas. Hanggang sa tuluyan nang nakalapit ang tumatakbo na isa palang dalagita. “Tulong! Tulungan niyo ako!” pagsisigaw nito na panay pa ang lingon, at sa kakalingon nito habang tumatakbo ay agad na bumangga sa katawan ni Thaddeus. Awtomatiko namang nasalo ng isang braso ni Thaddeus ang maliit na baywang nito. “Tulungan niyo po ako! May humahabol sa akin, huwag niyo akong ibigay sa kaniya!” agad na pagmamakaawa ng dalagita na kahit basang-basa na sa buhos ng ulan ay halata ang pag-iyak nito at takot. Napahinto na silang magkakaibigan at gulat na napatingin sa dalagita. Nakababa pa sa balikat ang kalahati ng suot nitong blouse, parang napunit na tila ba may malakas na humila pababa, kaya kitang-kita na ang kulay pula nitong baby bra. Napatitig naman si Thaddeus sa mukha ng dalagita, halata rin ang kaniyang gulat at bahagya pang bumuka ng konti ang labi pero wala namang lumabas na salita. “Huwag niyo akong ibigay sa kaniya!” marahas na pag-iling ng dalagita habang umiiyak at mabilis na tumakbo papunta sa likod ni Thaddeus para doon magtago. “S-Sabihin niyong hindi niyo ako nakita!” Nagkatinginan lang silang magkakaibigan na parang hindi alam ang ire-react sa isa't isa dahil hindi nila inaasahan na isa palang babae. At bago pa sila makapag-react ay tuluyan na rin nakalapit ang humahabol sa dalagita na isang nasa mid-40s na lalaking kalbo. Wala itong suot na damit pang-itaas, tanging itim na short pants lang, malaki ang pangangatawan at matangkad, puro tattoo ang katawan. “Roxiane! Huwag ka nang tumakbo pa! Halika na rito, umuwi na tayo!” galit na sabi nito at bigla na lang hinablot sa braso ang dalagita. “Hindi! Ayoko! Ayong sumama sa 'yo! Bitiwan mo ako!” pagsisigaw naman ng dalagita na agad na nagpumiglas. Kaya naman hindi na nakatiis pa si Thaddeus at hinawakan na ang braso ng lalaki. “Bitiwan mo siya.” “Anak ko siya! Huwag kayong makialam!” galit na sagot naman ng lalaki at malakas nitong piniksi ang kamay ni Thaddeus. “Halika ka na! Huwag ka nang magmatigas pa!” sigaw nito muli sa dalagita at pilit pa rin kinaladkad kahit nagmatigas na. “Hindi totoo ang sinasabi niya! Hindi niya ako anak! Stepfather ko lang siya!” marahas pa rin pag-iling ng dalagita habang umiiyak at patuloy ang pagmamatigas, pilit inaagaw ang braso. “Tulungan niyo po ako, pakiusap! Gusto niya akong gahasain kasama ang kumpare niya! Pakiusap, huwag niyo akong ibigay sa kaniya! Maawa kayo sa akin! Parang awa niyo na!” Kaya naman hindi na rin nakatiis pa si Thrynn at pagkalapit sa lalaki ay marahas nitong binaklas ang kamay sa pagkakahawak sa dalagita. Kaya naman nang makawala ay agad na kumaripas ng takbo ang dalagita at pumasok na sa bungalow. Hahabol pa sana ang lalaki, pero agad na hinrangan ni Draven at tinutukan ng baril sa noo. “Get off our property before I blow your f*****g brains out.” Napahinto na ang lalaki at parang natakot na, pero hindi pa rin ito nagpatinag at nagawa pang sumagot. “Huwag mo akong tutukan ng baril at baka ipapulis kita bukas. Problema naman 'to mag-ama, kaya huwag kayong makialam!” Galit nitong tinabig ang kamay ni Draven. Kaya naman hindi na nakapagtimpi pa si Draven at pinaputukan na ito, pero hindi pinatamaan, kundi pinadaan lang ang bala malapit sa ulo. Kaya naman napahinto muli ang lalaki sa tangkang paghabol nito papunta sa bungalow. Napalunok na ito bahagya nang napaatras. Marahan naman humakbang si Thaddeus at huminto sa harap nito, pagkahinto ay bahagya nitong nilapit ang mukha sa puno ng tainga at bumulong, “Tamang-tama ang pagdating mo, hilig kong pumatay ng tao kapag ganito umuulan.” A smirk tugged at his lips. “Now, run . . . Run, stepfather.” Napalunok na ang lalaki. “Isusumbong ko kayo sa mga pulis bukas. Kakasuhan ko kayo sa pagkidnap niyo sa anak ko!” pananakot pa nito bago umatras at mabilis nang naglakad paalis. Napatanaw na lang silang magkakaibigan, pero sabay-sabay naman sumilay ang mga malademonyong ngisi sa labi at kaniya-kaniya nang dampot ng baseball bat sa damuhan. “Let's hunt him,” Thaddeus said with a dark smirk. Hanggang sa tuluyan na silang tumakbong lima at humabol na sa lalaki. Nang makita naman nito ang paghabol ay tuluyan na itong tumakbo nang mabilis. Ngunit bago pa nito marating ang gate ay tuluyan na nilang inabutan at hinampas ng baseball sa paa, braso, likod at tiyan. The crack of bone echoed with every blow, his body jerking violently as he collapsed to his knees. “H-Huwag niyo akong papatayin. H-Hindi ko kayo isusumbong sa pulis, nagbibiro lang ako,” nanginginig pa nitong pagmamakaawa, pero tuluyan na nilang pinaghahampas ng baseball bat ang buong katawan. “Ahhh!!!” malakas nitong pagsisigaw na sumabay sa malakas na buhos ng ulan. Hindi nila pinatamaan ang ulo nito para hindi agad mamatay, pinuruhan nila ang katawan, hanggang sa tuluyan itong napahiga sa damuhan. “Easy,” Zayden hissed with a blood-soaked grin, his grip tightening around the dripping baseball bat. “Paranasin muna natin si Stepfather ng masarap na impyerno sa malakas na buhos ng malamig na ulan.” Napasigaw na lang ang lalaki nang inapakan ni Zayden ang kamay nito, dahilan para gumawa ng tunog ang pagkabali ng mga buto sa daliri. Mangiyak-ngiyak na itong napasigaw. “Let’s cut off his filthy rapist d**k,” Thaddeus said with a cruel smirk. Kaya agad na hinila ni Thrynn ang suot na shorts ng lalaki. Doon na binunot ni Thaddeus ang switchblade na nakasuksok sa tagiliran ng suot na pantalon, at pagkabunot ay wala na itong inaksaya pang oras—pagkahawak sa ari ng lalaki ay agad na pinutol ng kutsilyo. Umalingawngaw ang malakas na sigaw ng lalaki, at napahalahkhak naman silang magkakaibigan na parang hindi man lang nakaramdam ng konting awa. Natigil lang ang pagsisigaw ng lalaki nang isaksak na ni Thaddeus sa bibig nito ang pinutol na ari. “How’s the taste? Swallow it,” Thaddeus spat with a wicked smirk. Nangisay-ngisay lang ang lalaki na hindi na nakasagot pa. Kaya naman muling ginamit ni Thaddeus ang switchblade at pinadaan sa pisngi ng lalaki papunta sa ilong, dahilan para lumabas ang mga dugo at mas lalo itong mangiyak-ngiyak kahit may saksak sa bibig. Ngunit hindi man lang nakaramdam ng kahit konting awa si Thaddeus, bagkus ay napangisi lang, at nang tumaas ang kutsilyo sa mukha ng lalaki ay doon na niya dinukot ang kaliwang mata nito. Mas lalong nangisay-ngisay ang lalaki. At bago pa tuluyang malagutan ng hininga ay mabilis na kinuha naman ni Theron ang isang palakol at malakas na hinampas papunta sa leeg ng lalaki. Tumalsik ang ulo nito kasabay ng pagtalsik ng mga dugo. “Ahhh! Ang sarap pumatay!” malakas na sigaw ni Theron at sinundan ng malakas na halakhak. Sumabay sa buhos ng ulan ang kanilang tawanan, at hindi pa nakontento dahil pati mga braso at paa ng lalaki ay pinutol din nila. Napangisi lang silang magkakaibigan at napatitig na lang sa wala nang buhay na lalaki. “Itapon niyo na 'yan bago pa tumila ang ulan,” utos ni Thaddeus. Agad naman kumilos ang apat at pinagdadampot na ang naputol na parte na katawan ng lalaki. Hinayaan na lang ni Thaddeus ang mga kaibigan at naglakad na siya papunta sa bungalow. Pagkapasok niya sa loob ay nakita niya ang dalagita sa pinakasulok na umiiyak pa rin, nanginginig sa takot habang nakaupo at yakap-yakap ang sarili. Nang makita siya nito ay parang natakot pa sa kaniya. “U-Umalis na ba siya?” nanginginig nitong tanong. Huminto na si Thaddeus sa harap nito at niluhod ang isang tuhod para pumantay sa dalagita, his dark presence looming even as he leveled his gaze with hers. For a moment, he studied her in silence, then lifted a hand and gently swept the wet strands of hair away from her face. “Stop crying now, princess,” he murmured with a devilish smile curling on his wet lips. “That rapist stepfather of yours is now gone for good.” Marahan pa niyang hinaplos ang basang-basa nang pisngi ng dalagita gamit ang likod ng kaniyang mga basang daliri na para bang pinunasan ang luha nito kahit hindi na makita pa dahil naghalo na sa tubig ulan. “Hush . . . Sshh.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

30 Days to Freedom: Abandoned Luna is Secret Shadow King

read
310.7K
bc

Too Late for Regret

read
289.4K
bc

Just One Kiss, before divorcing me

read
1.7M
bc

Alpha's Regret: the Luna is Secret Heiress!

read
1.2M
bc

The Warrior's Broken Mate

read
138.0K
bc

The Lost Pack

read
402.2K
bc

Revenge, served in a black dress

read
147.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook