Seven Years Later
SIGAWAN ng mga estudyante ang umalingawngaw sa loob ng Stadium ng Lerem University habang naglalaban sa baseball ang Political Science at Criminology department.
It was the university’s sports festival, and every department was competing in different events.
Kasama sa baseball game si Roxy, siya ang nag-iisang babae sa team ng Political Science, at siya ang pitcher. Nag-iisang babae rin ang nasa team ng criminology, making the match even more intense as the two teams fought point for point.
“Go go go, Roxy! Roxiane Delmondo! Number 05!” sigaw ng kaniyang mga kaibigan mula grandstand at may dala pang speaker ang mga ito, kaya rinig na rinig sa buong stadium tuwing isisigaw ang pangalan niya. But the cheers didn’t last long, security guard soon stepped in, confiscating the device since only the announcer was allowed to use one.
Pawisan naman si Roxy habang nakikipaglaro, basa na ang kaniyang suot na red pinstriped jersey na may nakasulat na ‘Delmondo 05’ sa likod. Her uniform was complete with matching pants and belt, a cap bearing the school logo, spiked red cleats, and red batting gloves. Ang kanilang kalaban mula sa criminology department ay naka-blue outfit naman.
Gusto niyang manalo ang kaniyang team, kaya kahit sigaw nang sigaw ang kaniyang mga kaibigan ay hindi niya binigyan pansin at nag-focus lang sa laro.
After nine innings, the game finally ended with Roxy’s team claiming victory, leading by three runs against the criminology students.
Lumakas ang sigawan sa loob ng Stadium dahil sa kanilang pagkapanalo, at disappointed naman ang iba lalo na ang mga criminology students.
“Roxy!” pagtili na ng apat niyang kaibigan na agad na tumakbo papunta sa kaniya sabay hawak sa kaniyang braso at dinala na siya tumalon-talon.
Natawa naman siya at kahit hapong-hapo ay sinakyan na lang niya ang mga ito sa pagtalon-talon dahil sa sobrang tuwa, mas tuwang-tuwa pa kaysa sa kaniya na nanalo sa laro.
“Congrats to us, Roxy! You’re the best!” papuri naman sa kaniya nga mga ka-team niyang lalaki.
“Thanks. Ang galing natin lahat,” ngiti naman niyang sagot at nakipagbanggaan pa ng braso sa mga ito.
Nang matapos ay hinila na siya ng kaniyang mga kaibigan papunta sa canteen at pinaupo siya sa upuan, ipinag-order na siya ng mga pagkain na gusto niya.
Tudo papuri pa rin ang mga ito sa kaniya habang kumakain na sila.
“Ang galing mo pala talaga sa baseball, Rox. Saan ka pala unang natuto? Sino’ng nagturo sa 'yo?” sunod-sunod na tanong ng kaibigan niyang si Irra habang kumakain na ng burger.
“Natutunan ko kina Kuya, sila ang unang nagturo sa akin,” ngiti naman niyang sagot at muli pang sumubo ng bacon mac and cheese. “Magaling kasi talaga silang lima sa baseball.”
“Oh wow—mga baseball players pala sila?” gulat na reaksyon ng kaibigan niyang si Jaya.
Roxy laughed and shook her head. “Not exactly. But they're good at using a baseball bat to smash someone’s skull.”
Napatingin sa kaniya ang apat na kaibigan at parang nabigla sa kaniyang sagot. Napakurap pa saglit ang mga ito na para bang nagtatanong kung nagkamali lang ba ng dinig sa sinabi niya.
“Joke lang,” pagtawa niya at nag-peace sign na lang gamit ang dalawang daliri. “I mean, yeah, magaling sina Kuya sa baseball. Palagi nga silang naglalaro kapag narito sa Pilipinas. Kaso ngayon ay wala sila. Na-miss ko na nga silang lima, eh.”
Napangisi na ang kaniyang mga kaibigan at natawa na lang din.
“Hays, akala ko naman nakapatay na ang mga kuya mo gamit ang baseball bat,” natatawa nang paghampas sa braso niya ng kaibigan niyang ni Dani.
“Guwapo ba ang mga kuya mo?” tanong naman ng kaibigan niyang si Lea na parang biglang naging interesado. “May mga asawa or girlfriends?”
Napangisi na siya at sumagot nang may pagyayabang. “Of course they're handsome. Wala pa silang mga asawa or girlfriend, they’re too busy running their businesses abroad. Sa ngayon ay nasa Colombia silang lima kasi naroon ang malaki nilang negosyo na dapat tutukan.”
“What kind of businesses?” Jaya asked, curiosity sparking in her eyes.
“Well, uhm . . . May-ari sila ng isang malaking security company sa Bogotá. At bukod pa ro'n, may iba pa silang mga negosyo, katulad na lang ng pagpapautang sa mga tao ng pera. Dito sa Pilipinas ay sina Kuya ang may-ari ng isa sa malaking lending company, ang Rug Lending Co. They also own several hotels and resorts in Manila.”
“I didn't know that,” reaksyon ni Irra na nanlaki pa ang mga mata at natigil ang pagkain ng pizza. “Kuya mo pala ang may-ari ng Rug? Wasn’t that company involved in a lawsuit years ago for massacring a whole family because they couldn’t pay a multi-million debt?”
“Oo nga, trending ang balita na 'yon two years ago,” pagtango-tango naman ni Jaya. “And that wasn’t even the only case linked to Rug Lending Co. Ayon sa balita dati ay may mga iba pa raw na pinatay rin, hindi lang basta pinatay agad, kundi kinidnap muna at tinurtore dahil lang sa hindi nakabayad sa utang.”
Hindi na mapigilan ni Roxy ang mapangiwi at pinilit na lang tumawa. “Nah, that’s not true. It was proven in court, the company had nothing to do with it. The victims were targeted by other debtors, and the real culprits are behind bars. So walang kinalaman doon sina Kuya — I mean the Rug Lending Co.”
Tumango-tango na ang mga kaibigan niya na parang napaniwala naman. “Your brothers have so many businesses . . . you might even be richer than us,” one of them murmured.
“Alright, balik tayo sa tanong niyo,” pag-iiba na lang niya sa usapan bago pa lumalim anh pag-uusisa ng mga kaibigan niya. “Tinatanong ninyo kung sino ang pinakaguwapo sa mga kuya ko? Well . . .” She chuckled, leaned back. “They’re all handsome. Depends on what you like. Kung mas prefer niyo ng Asian look, 'yong tipong mala-hot na oppa? Nariyan si Kuya Draven; matangkad, maputi, makinis, matangos ang ilong, singkit ng konti ang mga mata. Pero kung gusto niyo naman ng Spanish look na moreno, nariyan si Kuya Thrynn. Kung Russian look naman? Si Kuya Thaddeus na blondy hair. Italian look? Si Kuya Theron na may pagka-curly ng konti ang brown hair. And if you want a black man, pero matangos na ilong—well, lahat naman sila matangos, pero kakaiba sa lahat si Kuya Zayden, because he's black, icy blue eyes, a killer body with biceps and eight-pack abs, and the tallest of them all. 6'9 ang height niya. Seriously, he’s almost as tall as Thaddeus and Thrynn, who also have eight-pack abs and biceps. All of them are ridiculously fit, but Zayden . . . he stands out.”
Tumango-tango na ang mga kaibigan niya na may pagkamangha.
“Bakit parang may lahi ang mga kuya mo?” Jaya asked curiously. “Magkakaiba ba kayo ng mga ama or ina?”
Roxy bit her lower lip, saglit pa siyang nag-isip ng maisasagot. “Uhm . . . yeah, kind of. Mom got married five times,” pagsisinungaling na lang niya.
Sabay na nanlaki ang mga mata ng mga kaibigan niya sa narinig. “Really?”
“Yeah,” she shrugged. “But don’t judge my mom. Back then, she was basically a goddess. No wonder everyone fell for her.”
Her friends just nodded, impressed.
“We haven’t even met your mom yet. Or any of your brothers. Can we see their pictures?” Dani asked eagerly.
Muli ay napangiwi si Roxy. “Sorry, girls. I can’t. My brothers specifically told me not to reveal their identities. They’ve got a lot of enemies in business, baka kapag nakilala ako ng mga kalaban nila ay pag-initan pa ako.”
Her friends pouted, clearly disappointed.
“Come on, we’re your friends. Wala naman ibang tao rito kundi tayo-tayo lang.”
Roxy sighed. “Fine, okay.” She opened her phone gallery and showed them the pictures. “Here are my brothers.”
Sabay-sabay na namilog ang bibig at mata ng mga kaibigan niya nang makita na ang litrato.
“Woah! I didn’t expect them to be this handsome! They look like magazine models!”
“Oh my God, I like them all. Ang guwapo nila, lalo na itong blonde hair! Gosh! I love him!”
Roxy smiled. “That's my Kuya Thaddeus. Half Russian.”
“Pero para sa akin mas guwapo itong isa. Ang hot niya sobra. What's his name?” Jaya asked.
“That's my Kuya Thrynn. Half Spanish.”
“The Korean-oppa type is cute too,” another friend added.
“That's my Kuya Draven. Half Chinese.”
“At itong black guy, sobrang guwapo rin kahit maitim. Napaka-unique. Oh wow, those icy blue eyes . . . damn, they’re hypnotic!”
Napangisi-ngisi na lang si Roxy at pinagpatuloy na lang ang naudlot na pagkain ng pizza.
“Siguro itong black guy mahaba at malaki siguro ang c**k nito.”
Nanlaki na lang ang mata niya sa sinabi ng kaibigan niyang si Irra.
“Halata naman sa katawan nila. Mukhang daks silang lima,” sang-ayon naman ni Dani na talaga naman walang preno ang bibig.
Kaya naman hindi na nakatiis pa si Roxy at inagaw na niya ang kaniyang phone. “Ang bastos niyo naman. Kakakita pa lang niyo sa litrato ng mga kuya ko pinagnasaan niyo na agad?”
Her friends just grinned mischievously.
“Patikim ako sa kanila,” hirit ni Irrin nang nakangisi. “Kahit 'yong black guy lang or 'yong blonde. One night lang, Rox.”
“My goodness!” Napailing-iling na lang siya at uminom na lang ng pineapple juice.
Napabungisngis na lang ang mga kaibigan niya. “Grabe ang guwapo pala talaga ng mga kuya mo,” mangha pang pagtango-tango ni Dani at saglit pa nitong pinagmasdan ang mukha niya. “Pero kahit isa sa kanila parang wala man lang naging kamukha mo. Parang hindi mo sila mga kapatid, ang lalayo ng mukha niyo sa isa't isa.”
Natawa lang siya sa sinabi nito. “Well, gano'n talaga. Hindi naman kasi kami mga kambal at kailangan pang magkakamukha,” she shrugged, shifting the topic. “Clubbing tayo tomorrow night, tutal weekend na rin naman. Ang tagal na natin hindi nakakapag-party.”
Nagliwanag na ang mukha ng kaniyang mga kaibigan. “Yeah—great! Let's party tomorrow night!”
Matapos nilang kumain sa canteen ay muli silang bumalik ng stadium, dahil may laro pa para sa mga basketball from another department.
It was past 7 PM when the games finally ended.
Sakay ng BMW 7 Series High Security ay umuwi na si Roxy. Dumating siya sa isang 11-Storey Mansion in Sta. Cruz, Laguna, kung saan siya nakatira kasama ang nasa nasa dalawampung mga helpers.
“Magandang gabi, senyorita!” magalang na pagbati ng mga katulong pagkapasok niya pa lang sa pinto ng mansyon.
“Good evening too,” ngiti naman niyang sagot at pagbagsak na naupo sa couch na nasa living room ng ground floor.
May dalawang katulong naman ang agad na lumapit na may bitbit na food tray na naglalaman ng snacks at nilapag sa center table.
“Mula kanina pa po kayo hinihintay ni Sir Draven, senyorita.”
Bigla siyang napabalikwas ng bangon at gulat na napatingin sa katulong. “Draven is here?!”
“Opo, senyorita. Kaso umalis na kasi matagal kayong dumating, baka raw ma-late siya sa flight—”
“What?!” Bigla siyang napatayo. “Kakarating niya lang—umalis na siya agad? Bakit hindi man lang niya ako hinintay?!”
Napangiwi na lang ang katulong. “Eh kasi matagal daw po kayong umuwi, may flight pa siya papuntang Japan. Bale dumaan lang daw siya rito sa bansa para sana makita ka kahit saglit lang, kaso wala ka naman dito.”
Parang gusto na lang niyang maiyak sa inis at napapadyak na lang na parang bata. “I hate him! Bakit hindi niya man lang ako nagawang hintayin?!”
“H-Hindi na po, senyorita.”
“Argh! I really hate him! Dapat pinuntahan na lang niya ako sa university!”
Padabog na siyang umalis ng ground floor at sumakay ng elevator papunta sa kaniyang kuwarto na nasa 7th floor.
Pagkapasok sa loob ng kaniyang princess bedroom ay agad siyang bumagsak ng higa sa kama at nilabas na ang kaniyang phone. Nakasimangot na niyang binuksan ang kaniyang messenger at nag-video call sa account ni Draven, pero ring lang nang ring, hindi naman nito sinasagot.
“I hate you!” she hissed, glaring at the screen.
Nakasimangot na lang niyang hinanap ang Colombian number ni Thaddeus. Ito na lang ang tinawagan niya, pero mas lalo siyang napasimangot nang hindi naman ito makontak.
“Argh!” inis na lang niyang pagsisipa sa hangin at lumipat na lang sa ibang number. Napangiti na lang siya nang mag-ring ang number ni Theron.
“Hola, mi princesa,” malambing nitong bungad sa kaniya pagkasagot sa kaniyang tawag.
Nawala bigla ang inis niya at napangiti na. “Kuya Theron, how are you there?”
“I'm good, princess. But I miss you so damn much.”
Her smile grew wider. “I missed you too, kuya. Sobrang na-miss ko na kayong lahat. When are you coming home?”
“Sa 20th birthday mo na lang next month. Uuwi kami para sa 'yo kahit sobrang busy pa.”
Napabungisngis na siya. “Alright, kuya. Aasahan ko 'yan. I love you, muah!”
Matapos sabihin 'yon ay pinatay na niya ang call. Nanatili na ang ngiti sa labi niya at nawala na nang tuluyan ang pagtatampo niya.
Then her phone buzzed with a new notification. Isang chat ang dumating mula sa kaniyang messenger.
From Meow Xoxo: Hola, mi amor.
Muling nagliwanag ang mukha niya sa nabasa.
Meow Xoxo lang naman ang ginagamit na pangalan sa f*******: ng kaniyang isang kuya na walang iba kundi si Thrynn Ylvestre, with white cat profile picture pa.
Imbes na mag-reply sa chat nito ay agad niya itong tinawagan through video call. Agad naman nitong sinagot, pero naka-off naman ang camera nito.
“Kuya?” pagtawag niya.
“Yes, my love. I'm here.”
“Why is your camera off?”
“Because I don’t want you to see me.”
Bigla na lang siyang napasimangot sa sinabi nito. “Gano'n? Then I hate you!”
Thrynn’s low chuckle slid through the line. “I’m naked, my love.”
Her frown vanished in a heartbeat, replaced by a teasing smile. “Oh? So there’s a woman with you right now, huh? Are you having s*x with her?”
Thrynn laughed. “Oh God, no, my love. I’m alone. I swear, wala akong babae. You know damn well you’re the only woman in my life. The only one I crave, the only one I’ll ever want, the only woman who completely owns me.”
Napabungisngis na lang siya sa sinabi nito. “That's weird. I know you're lying!” natatawa niyang sagot at iniba na lang ang usapan. “Nga pala, Kuya Thrynn . . . I miss you so so much na. Gusto na kitang makita muli at mayakap.”
Thrynn let out a soft chuckled again, parang napangiti ito sa narinig. “Then should I book a plane ticket right now?”
“Yes, please?” she whispered hopefully.
“Alright. As you wish.”
She pouted again, though her cheeks were already warm with a smile. “Sus, niloloko mo lang ako, eh. Nga pala, sa 'yo na lang ako magpapaalam, kuya. Nagyaya kasi ang mga kaibigan ko na mag-clubbing daw kami tomorrow night.”
“Alright. Enjoy your night with them,” he answered without hesitation.
Muling lumapad ang ngiti niya. Nasa rules na kasi ng mga ito na magpaalaam muna siya bago gumala para masigurado anh kaligtasan niya, at sumusunod naman siya. Kaya lahat ng lakad niya ay alam ng mga ito kahit na wala sa bansa. At ang pinakagusto niya ay pinapayagan siya agad ng wala nang pagtatanong pa. They spoiled her with everything she wanted, kaya ngayon ay nasasanay na siya na nakukuha agad ang gusto niya sa isang sabi lang niya.
“Thank you, kuya! I love you, muah!”
“I love you more, mi amor. Muah sa lips. See you soon, my love.”