At dahil madaling araw silang umalis ay dinala muna siya ni Thrynn sa isang hotel at doon sila nag-check-in ng magkahiwalay na kuwarto. Mga nasa thirty minutes lang ang layo ng binyahe nila papunta sa hotel mula sa mansyon. Inaantok pa siya nang umalis sila ng mansyon, kaya pagdating ng hotel ay agad din siyang bumawi ng tulog. Nang magising siya ay sabay silang nag-almusal ni Thrynn sa lobby. “Kuya, puwede ba tayong bumalik ng mansyon? Hindi ako nakapag-impake. Ano na ang susuotin ko nito?” simangot niyang reklamo. Hindi nga siya nakapag-impake ng kahit na ano, dahil itinakas siya nito. At ngayon ay suot niya pa rin ang kaniyang pantulog na sinuot niya kagabi. “Huwag mo nang alalahanin pa 'yon. Bibili na lang tayo mamaya ng mga gamit. Kapag bumalik tayo ng mansyon, sasama pa ang mg

