Ngayong araw ang unang burol ni papa sa aming bahay.namumbroblema kaming magkakapatid sa gastusin sa pag libing ni papa,buti nalang at sinagot ng auntie ko ang ilang gastusin at ang aming punong barangay ang sasagot sa libing ni papa.
salamat sa Diyos dahil kahit papano ay nakabawas kame ng iisipi ,dahil wala tlaga kameng ibang pagkukunan ng pera .
lumipas ang ilanga araw ng malapit ng ilibing si papa.
dumating ang unang asawa ng papa ko bago pa maging sila ng mama ko. maya maya ay dumating ang step mom ko na kasalukuyan nyang kinakasama.
nagkatinginan kameng lahat na nandoon habang si tita rose at ate kate ay nakaharap sa kabaong ni papa . na para bang nagpapaliksanahan sila kung sino ang magbabantay kay papa.
araw na ng libing ni papa, halos diko pa tlaga tanggap .nanlalambot ang aking tuhod dahil siguro sa sobrang lungkot.
nakatulala lang ako sa isang gilid ng lumapit saakin si tita jul,ang kapatid ng aking mama. kinausap nya ako ng kung maaari ay dun nalang ako mag aral sa kanila sa cavite.pero diko tinggap ang alok na iyon ni tita dahil ayokong malayo sa mga kapatid ko at lalong ayokong tumira doo dahil narin sa ugali ni tita na napaka sungit,mataray at ang ayoko sa lahayt ay palautos.
Oo, tamad na kung tamad pero ayoko kase yung ugali ni tita na. uutusan ka pero galit. haha! nakakatawa at nakakainis ang ugaking yon ni tita jul.
Umpisa na ng unang pasok ko bilang 3rd year high school.
nahihiya ako sa ibang classmate ko kase halos lahat sila at diko kilala sa pangalan.marahil sa mukha ay kilala ko sila pero sangalan ni isa sa kanila at wala tlaga akong kilala.
lahat kame at nagpakilala isa isa sa harapan. dun ko lang sila nakilala isa isa pero diko nakabisado ang pangalan nilang lahat dahil narin sa madami kameng mag kakaklase.