Chapter 1
Masuri kong nilinis ang expensive mirrored cabinet ko na kung saan dito ko inilalagay ang mga mamahalin at branded kong bags. Kinuha ko sa isang maid ang isang puting tela upang magamit ito pamunas sa mga duming dumapo sa labas ng cabinet.
Pinakita ko ito sa katulong at nginitian.
"This is the proof that your recruited maid last two weeks didn't do her job properly," Kalmado kong sambit habang nakangiti pa rin.
Yumuko ito at humingi ng paumanhin. She knows I'm mad lalo na at gamit ko ang pinag-uusapan dito. I have this personality na ayaw ko nang marumi, magulo, at kalat-kalat ang mga gamit ko kaya ganito na lang ako kung magalit sa mga kasama ko rito sa mansyon.
"P-Pasensya na po, Ma'am Athena. Hindi ko po ini-screen ng maayos si B-Bea, hindi na po ito mauulit." Nauutal nitong paumanhin sa akin.
Tinignan ko ito at tinaas ang baba upang matignan ako nito ng diretso sa mata. Ilang beses itong napakurap dahil sa kaba.
"You don't need to apologize. The problem is Cea, not you." Sambit ko at nagbanggit ng hindi tamang pangalan dahil nalimutan ko agad ang pangalan no'ng katulong na iyon na binanggit niya kanina.
Tumango ito kaya binitawan ko na ito. I am not a brat nor a witch woman, ang ayaw ko lang talaga ay nadudumihan ang mamahalin kong gamit dahil maaaring masira o lumuma ito kaagad.
Bago ito lumabas ay nagsalita ako na nagpatango sa kanya.
"Fire her already. May iba pang tao dyan na responsable at mahal ang trabaho," Huli kong sambit bago ito lumabas.
I have a lot of CCTV here in my house kaya namo-monitor ko ang mga ginagawa nila rito ng wala ako and that Cea or whatever her name is doesn't deserve my 100,000 Pesos salary for her for just a month. She always slacks off, talking to other maids and secretly hating me.
My maids here were briefed and screened properly at ang lola ko ang gumawa no'n para sa akin.
I messaged Faye, the maid a while ago to pay the Cea girl para naman may mauwi siya sa kanyang pamilya kahit papaano.
Tinanggal ko ang aking disposable gloves at tinapon ito sa trash bin sa labas ng kwartong ito. I have a designated room for my clothes, bags, shoes and expensives accessories dahil masyado itong marami at hindi kakasya sa isang kwarto lang kung pagsasamahin ko ito.
I went down to eat my lunch alone. They cooked five dishes na hindi ko rin naman natikman lahat dahil isa lang ang gusto kong ulam, ang Spicy Beef Caldereta na niluto ng aking favorite maid na si Lola Anna.
She was working with me since I was a child since my lola hired her to personally accompany me. Simula noon naging paborito ko na ito dahil sa pag-aalaga nito sa akin at sa pagluluto nito ng mga pagkain para sa akin.
"Hindi mo na naman ginalaw ang ibang ulam, anak. Balak mo na naman bang ipamigay 'yan sa orphanage?" Tanong nito na tinanguan ko at nginitian.
Umupo ito sa isa sa mga upuan at sinabayan akong kumain. She always does that but I don't complain. In fact, mas nasisiyahan pa nga ako kapag kasama ko siyang kumain dahil napamahal na ako rito. Siya rin ang nagturo sa akin na mas magandang kumain na may kasama.
"Kumusta pala ang mga bata sa Children of Hope Orphanage na sinusuportahan mo?" Pagtanong nito.
"Okay lang po ang mga bata. They really had fun noong nakaraang linggo sa children's party na ginawa ko," Masayang sambit ko habang inaalala ang nangyari noong nakaraan.
I really love kids. Hindi ko alam pero gustong-gusto kong nakikitang naglalaro at nagsasaya ang mga ito. Isa rin sa rason kung bakit pinili kong mag-donate at suportahan ang children's orphanage dahil gusto kong makita na masaya ang mga bata. Kasiyahan ng mga ito ay kasiyahan ko rin talaga.
"Ganyan nga, anak. Mas gusto kong nakikita ang ngiti mo kaysa simangot ang mukha," Sambit ni Lola Anna at tumawa kaya napatawa rin ako at napailing.
"Alam kong gustong-gusto mo ang mga bata, bakit hindi ka na kaya mag-asawa para magkaanak ka na?" Nabigla ako sa sinabi ito at nasamid sa sarili kong laway.
Agad kong kinuha ang tubig at nilagok ito dahil sa taranta.
"L-Lola Anna naman! Bakit napunta tayo sa pag-aasawa?!" Pagmamaktol ko na lalong nagpatawa sa kanya.
"Aba naman! Kung may asawa ka na, pwede mo ng matupad ang pagkakaroon ng anak. Iyon naman ang gusto mo diba?"
"Pero 27 pa lang po ako, ang bata ko pa para dyan!" Nahihiyang sambit ko dahil sa pag-uusap namin sa pag-aasawa.
"Aguy! Baka matuwa pa ang lola mo kapag nalaman niyang mag-aasawa ka na. Hingi agad iyon ng apo, hala ka!" Pang-aasar nito sa akin at tumawa.
Namutla ako dahil sa narinig. Huwag naman sana makapag-isip ang lola ko ng mga ganito dahil wala akong ligtas doon. Lalo na at walang mga anak ang mga pinsan kong babae, baka ako pa pagdiskitahan.
"Oh siya sige na, anak. Liligpitin ko na ang mga ito at ipapadala ang mga pagkain sa mga bata sa orphanage." Tumango at nagpasalamat.
May lumapit na maid kay Lola Anna at agad nitong kinuha ang mga pinggan upang hugasan ito. Inutusan ko kasi itong tulungan si Lola Anna sa paghuhugas ng pinggan dahil baka mapagod pa ito. Ayaw nga nitong huminto sa pagluluto para sa akin dahil raw baka hindi na ako kumain kapag iba ang nagluto.
Umakyat na ako at saglit na nag-shower upang marami akong matapos na gawain sa limang hotel na pinapatakbo ko. Binasa ko ang mga reports ng aking mga empleyado at mga suhestiyon ng mga ito sa pagpapaganda pa lalo ng aking hotel. My lola gave me two hotels before pero dahil napalago ko ito at naka-earn ng milyon-milyong pera ay gumawa muli ako ng tatlong panibagong branch.
Nang matapos ay bumalik ako sa aking kwarto ay nahiga dahil sa pagod. Saglit akong pumikit at inalala ang mga gusto kong gawin sa mga susunod na araw.
Tumunog ang phone ko at nakita ang pangalan ng aking Lola sa screen na tumatawag. Gulat na napabangon ako sa nakita.
I took a deep breath before answering her call.
"H-Hello, lola? Kumusta ka po?" Kabadong tanong ko.
"Okay lang naman ako apo. Kinakabahan ka ba?" Napatakip ako sa aking bibig dahil sa narinig.
This is what I hate about her. Nararamdaman nito ang kaba ko na tila alam nito ang mararamdaman ko dahil sa biglaang pagtawag nito.
And I have this feeling na may sasabihin ito sa akin na magpapabaliw sa akin ng sobra.
At hindi nga ako nagkamali. Halos lumamig ang buo kong katawan dahil sa narinig.
"I want you to get married with Jin Rafael Juevas, the billionaire man who owns 100 hotels in the Philippines, JRJ Hotel."