Kinabukasan ay pinilit kong pumunta sa harap upang mag-present ng aking PowerPoint presentation sa mga shareholders at sa bagong investor ko na si Mr. Delvin. Bukod sa hindi kasi ako pinatulog sa nakita kong litrato kagabi ay hindi maalis sa isip ko ang mga sinabi ni Jin sa akin. Mabuti na lang at kasama ko si Jeffrey, ang partner ko sa presentation. Natapos ang buong meeting namin na may magandang resulta ngunit hindi ko magawang magsaya at mag-celebrate ng maayos dahil ang isip ko pa rin ay iyong kagabi. ‘Come back with me Athena or your kids will die!’ Mga katagang paulit-ulit na nag-p-play sa utak ko na siyang nagdudulot sa akin ng matinding kaba. “Are you here or do you just want to disrespect me?” Nabalik ako sa reyalidad nang makarinig ng isang malamig na tinig. Nakita ko si Mr

