Kinabukasan ay nagising ako sa sakit ng ulo. Tumakbo ako papunta sa CR at sumuka nang sumuka. Sa tuwing may hangover ako ay talagang nagsusuka ako dahil sa sobrang sakit ng ulo. Pagkatapos noon ay muli kong ibinagsak ang katawam ko sa kama at pumikit. Naalala ko na naman ang lahat ng nangyari kagabi. "Matagal ko rin hinintay ang araw na itatanong mo sa akin yan, pero Ford... tapos na akong maghintay, e. Hindi na ako naghihintay ngayon na itatanong mo sa akin yan, kasi alam ko...alam kong hindi na tayo ganoon kasaya, di tulad ng dati." Napapikit ako nan mariin sa mga naalala ko. "...I'm sorry for hurting you. Nasasaktan rin naman ako, Ford. Nasasaktan ako sa ginagawa kong ito. Pero hindi kita pwedeng pakasalan kung ang kapalit non ay makikita ko lang na palagi kang malungkot kasi wala s

