Lumabas kaming dalawa ni Danika sandali. Ginamit na niya ang 30 minutes niyang coffee break kasama ako. Sabi ko kasi sa kanya ay gusto ko siyang makausap. "So...ano bang pag-uusapan natin?" Sabi niya habang nakahawak sa cup na nasa harap niya. "We just used my 5 minutes for nothing kasi di ka naman nagsasalita." Natatawa niyang sabi. "Ah, ano...hindi ko rin alam, e." Kinamot ko ang batok ko dahil nakaramdam ako ng hiya. "Bakit nga pala ano...hinanap mo ako nang malaman mong ako yung babaeng nagsungit sayo sa airport?" Ngumiti ako. "Hindi kasi ako nakatulog kaiisip kung saan ba kita nakita...then, kanina, narealize ko na ikaw pala yun." I laughed. "Bakit naman kasi masyado mong iniisip yun?" "Hindi ko rin alam, e. Siguro, yun yung unang beses na may isang taong hindi ko kilala ang g

