Makalipas lang ang isang oras matapos naming ikutin ang buong Magellan Cross, ay pumunta na kami sa isang malapit na kainan para kumain ng pananghalian. "Sigurado ka?" I asked her, kasi sa parang karinderya lang siya nagyaya kumain. Hindi naman siya totally karinderya. Para siyang isang malaking bahay na luma ang style, ganoon. Marami din kumakain doon. "Oo naman. Masarap ang pagkain dito. Paborito ko ang danggit nila dito. Subukan mo rin, sigurado akong magugustuhan mo." Napakunot ako ng noo. “Anong danggit?” Napanguso siya na para bang iniisip kung paano ipapaliwanag sa akin ang tanong kong iyon. “Hmm, daing yata ang tawag ng mga taga-Luzon dito.” Hindi siguradong saad niya. “Basta isda siya na hinati sa gitna at ibinilad, pinatuyuan at inasinan. Basta masarap ‘yon, try mo lang.” Tu

