Hindi ako umuwi kaagad. Dumiretso ako sa Ihaws&Drinks para magpakalunod sa alak. Wala na akong pakialam kung sa kalye ako matutulog. Gusto kong ibuhos ang lahat ng sakit na nararamdaman ko sa mga alak na nasa harapan ko. Hindi ko alam kung nakakailang oras na ba ako dito, at di ko na rin nabilang kung nakailang bote na ako ng red horse dahil inom lang ako nang inom. Matapos kong makaramdam ng sobrang hilo ay inilabas ko na ang lahat ng sakit na nararamdaman ko simula pa kanina. Umiyak lang ako nang umiyak at wala na akong pakialam kung pinagtitinginan na ako ng mga tao dito. Nang makaramdam ako ng kaunting pagkalma ay bumalik ako sa pag-inom nang pag-inom. Hanggang sa makaramdam na ako ng sobrang kalasingan at hilo. Ipinatong ko ang ulo ko sa table at ipinikit ang mga mata ko. Makakalim

